Confessions

287 16 14
                                    

Ceejay's POV

Napangiti naman ako ng makita kong okay na si Den at Kai. Yung dalawa kasing yon matagal ng in love sa isa't-isa pero ang tagal nila nagkatagpo. Nakakatuwa silang pagmasdan. Nakakagaan ng loob.

"Chan, alis lang ako saglit ha?"

"Saan ka pupunta? Gusto mo samahan kita?"

Umiling lang naman ako at nginitian siya.

"I'll be back din naman. Sumama ka nalang sakanila sa may resto, susunod ako."

"Sure ka ha? Take care mylove."

Feel ko lahat ng dugo ko ay pumunta sa pisngi ko ng halikan niya ang noo ko. I think I'll never get used to it--this feeling of being in love with this guy infront of me.

"I will. Mag-ingat ka din okay? I'll be back."

Bago ako umalis ay binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi. Nilibot ko lang ang school, medyo konti nalang din ang natitirang studyante ngayon uwian narin kasi.

Naisipan kong umakyat sa may rooftop. Bakit? Kasi trip ko.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko ng makita ko siya.

"Hm? Wala naman. Nagpapahangin lang."

"Ah. Pwede ba kitang samahan?"

"Obviously. Hindi ko naman pagmamay-ari ang rooftop na 'to diba? There's a lot of space for the two of us."

Lumapit naman ako sakaniya at binatukan siya. Ayan nanaman siya sa pagiging sarcastic niya.

"Baka gusto mong ilaglag kita diyan? Sarap mong ibitin eh!"

"Ikaw naman hindi mabiro masyado kang seryoso sa buhay."

Napairap naman ako at naupo nalang sa may sahig. Nagsalita ang hindi seryoso sa buhay. Tss.

Ipinikit ko naman ang aking mga mata at hinayaan lang ang hangin na haplusin ang aking mga pisngi. Naramdaman ko ang pag-upo ng taong kasama ko ngayon hanggang sa magkatabi na kami.

"Ceejay, is it right to love someone who is already in love with someone else?"

Minulat kong ang mga mata at napatingin sakaniya kung saan sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kaniyang mga mata. Ang ganda pala nito.

"Anong ibig sabihin mo?"

"Tama ba itong nararamdaman ko? Tama bang mainlove ako sa isang tao na may mahal ng iba?"

Kumunot ang aking noo, napalunok at naestatwa. Bakit ba kasi ang intense ng mga mata niya ha? Ang sarap tusukin eh pero hindi ko magawa.

"Tinagalog mo lang naman yung unang sinabi mo eh! Tsaka malay ko diyan sa nararamdaman mo. Never pa akong nakaramdam ng ganiyan." I scoffed.

I broke our eye contact at pinagkrus ang aking mga kamay. Bakit ba sa lahat ng topic eto pa? I'm suddenly feeling this some kind of uneasiness you know.

"Ceejay, paano kung malaman mo na ikaw yung tinutukoy ko?"

Napatingin naman ako sakaniya ng sabihin niya ito. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sakaniyang sinavi. Bakit ganito? Abnormal na puso.

Tumawa naman ako para mawala yung awkward atmosphere pero walang nangyari. Parang umaasa pa ako na totoo yung sinasabi niya. Ay ano daw?

"Aba malay ko. Siguro kahit na sabihin mong bestfriend kita baka layuan lang kita kasi alam mo na, ayaw kong maulit yung dati." Kahit na pilit, sinubukan ko paring sagutin yung tanong niya.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon