Kris's POV
"Ready?"
"Kahit naman hindi, kailangan ko paring gawin diba?" Naka-smirk na sabi ko.
"Oo. Responsibilidad mo yan eh." Seryosong sabi niya sa akin.
Responsibilidad? Oo pero noon yon. Si Cecaniah na ang responsibilidad ko pero sa ngayon, kailangan ko muna siyang iwan.
"Chanyeol, pwede bang humingi ng favor?"
"Ano yon?"
"When I'm about to say my vows, pwede mo bang tawagan si Cecaniah?"
"Kung yan ba ang huling hiling mo eh. Alangan namang hindi kita pagbigyan?"
Binato ko naman sakaniya yung unan at umiling-iling. Para naman akong mamamatay diyan sa sinasabi niya.
"Alam mo ba, sinabi ko noon kay Javs na handa ko siyang bawiin sayo sa oras na saktan mo siya? Pero pare hindi ko magawa kasi alam kong ikaw talaga ang mahal niya."
Hindi naman ako sumagot. Ako nga ang mahal niya pero hindi ko naman siya mapaglaban. Kung nakilala ko lang sana ng mas maaga si Cecaniah baka hindi ganto ang mangyayari.
"Babalikan mo naman siya diba? Hindi naman maghihintay sa wala si Javs?"
"Babalik naman ako eh pero hindi ko lang alam kung kailan." Halos pabulong kong sabi.
Wala naman ng nagbalak pang magsalita sa aming dalawa. Napuno ang kwarto ng isang nakakamatay na katahimikan.
"It's time." Nakangiting sabi ni Suho pero bakas sakaniyang mga mata ang kalungkutan.
I nodded my head and walked outside the room. Eto na ang araw kung saan magbabago lahat ng mga nakasanayan ko.
(Play video on the side)
Ceejay's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas nung huli kong narinig ang boses ni Kris. Dalawang linggo narin ang nakalipas simula ng umalis siya ng bansa.
Pagkatapos ng kasal nila ni Chanel ay pumunta na silang Europe. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-survive sa loob ng dalawang linggo eh. Para akong naging "living dead".
"Ceejay?" Napatingin ako sa pintuan at nakita si Kuya Ej.
"Bakit po kuya?" Walang gana kong sabi.
Lumapit siya sa akin at naupo sa aking kama.
"Pwede mo namang i-kwento ang lahat sakin eh bunso. Huwag mong kinikimkim." Seryosong sabi ni kuya habang nakatingin sa malayo.
Isa-isa nanamang tumulo ang aking luha at di ko namalayan na yakap na pala ako ng kuya ko.
"Kuya ang sakit. Hindi ko alam na ganto pala kasakit kapag nawala ang nag-iisang lalaking nagparamdam sayo ng sobrang pagmamahal."
F L A S H B A C K
Nag-aayos ako ng susuotin dahil magsisimba kami ngayong magkakapatid ng magvibrate ang cellphone ko.
Tumatawag si Chanyeol.
"Hello?"
(My love, thank you for being the best person I never was.) Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kris.
"K-Kris? Teka anong ibig sabihin nito?"
(I'm not really good at expressing my feelings but for you, my mind is filled with words I can never fathom. Remember the day we first met? I will never forget how your smile lit up my world. I love your smile so please, never forget to wear them.)
Napaupo naman ako sa kama. Naguguluhan sa mga nangyayari pero pinagpatuloy ko ang pakikinig.
(We started out as best friends until I realized that you're the person who's already holding my heart. I was afraid that you won't love me back but I was wrong. You reciprocated that love and gave me so much more.)
Sa mga oras na 'to narealize ko na kinakasal na sila ni Chanel. He's saying his vows infront of her but the message is for me.
(We may have had our fights but at the end of the day, I can never stay mad at you. You're the main reason why I go to school every single day and you're the reason why I thank God for my very own existence.)
Tumigil siya ng ilang segundo at narinig ko ang kaniyang pagsinghot. Dugyot na lalaki, hindi manlang nahiya sa mga bisita.
(Mahal na mahal kita, lagi mo yang tatandaan. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng rason para lumaban sa mga pagsubok ng buhay. Sana huwag kang mapagod na manatili sa aking tabi. Sana huwag kang sumuko dahil pinapangako ko, hinding-hindi ako bibitaw.)
Hindi naman ako mapapagod eh lalo na't susuko. Mahal na mahal rin naman kita. Sinabi ko naman na sayo yan diba?
(Kapag wala ka, ang puso ko ay kulang. Kapag wala ka, kaninong kamay ang aking hahawakan? Kaninong mga ngiti ang aking pagmamasdan? Without you, my dear love, I'm a sail in the storm.)
Those words...galing yan sa paborito naming kanta.
(Remember our promises? Remember our dreams? Someday we'll fulfill them together. And that someday is not far beyond our reach. I love you, always and forever.)
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay naputol na yung tawag.
E N D O F F L A S H B A C K
"Hindi ko inakala na yon na pala ang huling beses na maririnig ko ang boses niya kuya. Dineactivate niya lahat ng sns niya at hindi man lang siya nagpaalam sakin. It hurts, hearing the news from other people." Naiiyak na sabi ko.
"Kuya kung pwede ko lang ibaon na ang puso ko sa lupa para di na magmahal baka matagal ko ng ginawa pero alam mo ba kuya? Sinama niya papuntang Europe ang puso ko eh."
Niyakap ako ng mas mahigpit ni kuya at hinawi ang buhok na naka-harang saking mga mata.
"Alam mo Ceejay, bata palang kayo. You're like what? Nineteen? Masyado pang maaga para sabihin na totoo na yang pagmamahal na nararamdaman mo pero bunso, sa sitwasyon mo dito umiiral ang kasabihang "age doesn't matter". Alam mo kung bakit? Seeing how hurt you are for losing Kris makes my heart feel the same."
Pinunasan ni kuya ang mga luha ko at hinalikan ako sa aking noo. Just like what Kris used to do.
"Bunso, nangako naman siya sayo na babalik siya diba? That's the only thing that matters now."
Tumango ako at humiwalay sa pagkakayakap ni kuya.
"No matter what happens, kahit na 40 years old na kami pag binigyan kami ni Lord ng chance para magkasama hihintayin ko siya. Kahit kulubot-kulubot na ang aming mga balat at puti na ang mga buhok namin mamahalin ko parin siya."
Ngumiti naman si kuya at ginulo ang aking buhok. Yung totoo? Kakahawi niya lang kanina neto tapos ngayon guguluhin niya nanaman? Tss.
"That's my girl." Proud na sabi ni kuya.
Kris, if you think that I can't love you anymore than I do, the answer is I do.
--
Rei's POV: Magdiwang na ba tayo? Haha jk. Happy weekends bebes! :)