Ceejay’s POV
Tahimik ang buong paligid habang lahat ng butuin ay nakatingin lang saming dalawa. Nakakulong ako ngayon sakaniyang yakap, paano nga ba kami nauwi sa ganto? Hindi ko na alam. Ang tanging naaalala ko lang ay nagawa kong sabihin sakaniya ang mga bagay na matagal ko na dapat sinabi.
“So what happens tomorrow?” tanong ko sakaniya. Humigpit ang kaniyang yakap dahilan upang marinig ko ang bawat tibok ng kaniyang puso na ako dahilan.
I closed my eyes as I felt his lips touch my forehead. Napangiti nalang ako at sinuklay ang kaniyang buhok. I’ll never get enough of this feeling—this feeling being with the guy who holds my heart.
“Hindi ko alam. All I know is that I’m ready to face tomorrow as long as you’re with me.” Seryoso niyang sabi na nagpatibok sa puso ko.
We were enjoying each other’s company ng kumutan kami ng kapatid niya.
“Oh kumot. Bago kayo magsabihan ng kung ano-anong linya diyan isipin niyo muna kalusugan niyo. Magkasakit pa kayo niyan eh.”
Kinotongan naman siya ng kuya niya at kinurot ang magkabila niyang pisngi.
“Ang pangit pangit talaga ng kakambal ko. Kaya walang nanliligaw sayo eh. Lagi mo nalang inaaway ang kuya mong gwapo.”
“Ew ang dugyot mo. Ako pa ang tinawag mong pangit, tumingin ka naman kahit minsan sa salamin okay? Kumpara mo mga baba natin di hamak na mahaba yung sayo.” Hindi ko naman napigilan ang sarili ko kaya naman natawa ako dahil sa sinabi ni Alex. Kris and his razor sharp chin.
Kumunot naman ang noo ni Kris habang nakatingin sa aming dalawa ni Alex. Hindi niya siguro inexpect na pagtutulungan namin siya ng ganto.
“Alex Ruiz Wu! Pumasok ka na nga sa loob at yung boyfriend mong si Neon ang guluhin mo.” Inis na sabi niya sa kapatid.
“Fyi kuya, hindi ko siya boyfriend. Hindi naman ako pinapansin nun eh. Tss. Pangit mo na nga ang bobo mo pa.” Pahabol ni Alex at nagtatatakbo papasok ng bahay.
Napailing nalang ako sakanilang magkapatid at nagkummot. Lumalamig narin kasi ang simoy ng hangin.
“Ceejay…” tawag sakin ni Kris na seryosong nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.
“I love you so much.” He said, almost a whisper.
Napangiti naman ako ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Pero bakit ganto ang nararamdaman ko? Parang lalo lumalalim ang kutsilyong nakatarak sa aking puso.
“I love you, too, Kris.” Masaya kong sabi, leaving all those uncertainties behind.
Chanyeol-ah, I’m sorry. Sana mapatawad mo ako sa kung ano man ang kahahantungan ng ating pag-uusap.
--