Ceejay's POV
"Cee, paki-abot naman yung stapler oh."
Kinuha ko yung stapler at lumapit kay Denise.
"Gustong gusto ko talaga pag December. Paano ba naman, nakakasama natin ang isa't-isa." Tuwang tuwa na sabi ni Ellah.
Sumang-ayon naman yung iba at pinagpatuloy yung ginagawa nila.
Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng makilala ko si Kris.
Andito kami ngayon sa may gym, nagdedecorate kasama ang ibang department.
Malapit na kasi ang Christmas party ng buong school namin kaya busy na ang lahat.
"Oh guys, yung mga regalo niyo sainyong mga monito at monita ha? Huwag niyong kalimutan na iwanan yun sa may drop box." Announcement ng school president.
Nagsi-oo naman yung mga ibang estudyante habang abala sa pag-uusap kung sino ba ang mga nabunot nila.
"Oo nga pala Cee, sino ang nabunot mo?" Tanong sakin ni Sunshine.
"Hm? Ano--secret ko na yon."
"Asus. Pasecret secret ka pa diyan. Ang daya-daya mo." Singit naman ni Bianca.
"Hayaan niyo na nga. Baka nahihiya lang si Cee kung sino ang nabunot niya." Walang ganang sabi ni Kyle habang inaayos yung garlands.
"Uy Kyle bakit ang down mo ata?" Tanong sakaniya ni Zoe.
"Asus paano ba naman, naka-move on na sakaniya si Luhan." Natatawang sabi ni Vannie.
"Pwede ba, huwag niyo na nga mabanggit ang pangalan ng usa na yon. Alam niyo naman kung paano siya pinagpalit kaagad eh." Seryosong sabi ni Famille.
Nagkibit balikat nalang yung iba at pinagpatuloy yung ginagawa nila.
"Cecaniah!"
Napatingin kami dun sa babaeng nagsalita at nakita namin sina Scarlet at Justin.
"Oh Scarlet, Justin, kayo pala. What brings the two of you here?" Nakangiting sabi ko sakanila.
"We won these coupons para sa Shabu-Shabu baka gusto niyong sumama nina Den sa amin?"
Tinignan ko sina Den na agad namang tumango. Natawa naman ako at napailing. Ang mga babaeng 'to, basta pagkain game agad sila.
"We would love to join you." Masayang sabi ko.
Napangiti naman silang dalawa at parang mga bata na nagsitatalon.
"See you later girls!" Nagpaalam na si Justin at lumabas na mula sa gym.
"Funny, kahit dalawa lang sila parang napunan na nila yung space na iniwan nina Chelsea nuon." Bulaslas ni Famille.
Nagkatinginan naman kami nina Zoe at napangiti nalang. Maybe it's time to move on from the heartache they have left us.
"Let's give them a chance. Wala naman sigurong mawawala kung kakaibiganin natin sila diba?" Suggestion ni Vannie.
"They've been trying to reach out to us for the past three months. Kalimutan na natin yung nagawa ni Scarlet kay Ceejay. Hindi niya naman alam yon eh." Dagdag pa ni Kyle.
Napatingin naman sakin si Den kaya naman ngumiti nalang ako. May magagawa pa ba ako? Eh kaibigan ko narin naman ang dalawang babae na yon.
--
"Cecaniah, tikman mo 'to dali!" Tuwang tuwa na sabi ni Scarlet habang sinusubo sakin yung cabbage-wrapped-beef na ginawa niya.
"Masarap ba?" Sabi niya na parang bata na naghihintay ng candy.