Ceejay's POV
Months have already passed. Graduate na kami ngayon ng highschool at mga kolehiyo na.
Madami ng naiba sa amin sa paglipas ng mga araw, we took different paths for a better future.
Ngunit kahit ganon, ginagawa parin namin lahat para magkaroon ng small gatherings. Para saan pa ang mga pinagdaanan namin ng high school kung kakalimutan lang namin ang isa't-isa?
Masaya parin ang pagsasama ng magkakasintahan samin. Going strong pa naman sila kahit magkakaiba na sila ng department. Kaming dalawa ni Kris? Wala na.
Hindi na kasi nagwork-out ang relationship namin. Palagi nalang kami nag-aaway. Oo alam ko na sa isang relasyon, kailangan mag-away once in a while. Pero hindi na kasi healthy.
After graduation, nakipag break na siya sa akin. Hindi niya na daw kasi kaya eh di pumayag na ako kaysa naman mapilitan nalang siya sa akin. Ilang buwan narin ang nakakalipas and to tell you honestly, my heart still long for Kris.
Naniwala naman kayo? Biro lang kadi yon. Going strong kami ng boyfriend ko. Eight months narin kami noh. Obvious naman na mahal namin ang isa't-isa.
"Oh Chanyeol, one month nalang at manganganak na yung nabuntis mo pero hanggang ngayon hindi mo parin kilala." Natatawang sabi sakaniya ni Chen.
Pinatong naman ni Chan yung bag niya sa may lamesa at sinubsob ang mukha niya dito.
"Yun nga eh. Hanggang ngayon nagtatago parin siya. Nababaliw na ako guys." Frustrated na sabi niya.
"Basta pag nakilala mo na siya, kaming eleven ang ninong ha?" Nakangiting sabi ni Lay na nakaakbay sa girlfriend niyang si Justin.
"Oo ba. Lalo na yang si Suho. Panigurado credit card at trust fund agad ang regalo sa magiging anak ko." Nakangiti ng malapad si Chanyeol habang tinataas yung kilay niya.
"Oy ginawa mo namang banko central ng Pilipinas ang boyfriend ko." Natawa kami sa komento ni Bianca.
"Totoo naman ah, mas mayaman pa ata sa banko yang si Suho eh." Gatong ni Luhan.
Oo nga pala, may nakalimutan akong sabihin. Scarlet and Luhan are together. At first the others were agaisnt it pero sabi ni Chan at Kris, hindi nila kasalanang magmahal. Eh aayaw pa ba kami kung yung dalawa na mismo ang nagsabi na okay lang sakanila?
"Huwag na nga ako ang pag-usapan niyo. Napagplanuhan pala namin ni Xiumin na mag-out of town tayo after ng finals para naman marelax ang utak natin."
We looked at Xiumin who was nodding. Nagkatinginan naman yung iba at sumang-ayon. I guess a little vacation won't hurt.
"So it's settled then, alis tayo after finals." Nakangiting sabi ni Suho.
Pagkatapos naming maglunch ay kaniya-kaniyang balik na kami sa mga building namin.
Magkahawak ang kamay namin ni Kris habang naglalakad, pareho kaming kumukuha ng Architecture. Ewan ko ba kung paano pumasa sa entrace exam 'to.
Nasa loob na kami ng classroom ng mag-ring ang phone ni Kris. Tinignan niya naman ako at nginitian siya. Telling him to answer it. Alam ko kasing si Alex yon.
Bago siya lumabas ng classroom ay binigyan niya ako ng isang halik sa noo. Napangiti naman ako at pinagmasdan lang habang kausap niya ang kapatid niya.
Nursing din pala ang kinukuhang course ni Alex tulad ni Chanyeol though she's studying somewhere else.
Bigla namang nag-iba yung expression ng pagmumukha ni Kris dahilan upang kabahan ako. Inend na ni Kris yung call at pumasok na sa loob ng classroom.