Monito

338 18 12
                                    

Ceejay's POV

Eto na ang araw na pinakahihintay ko. The day that my monito will reveal his real identity.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Could it be Chan? Pero sabi niya sakin lalaki ang nabunot niya.

"Excited ka na bang makilala ang monito mo, Cee?" Nakangiting sabi sakin ni Den.

Tumango nalang ako at sumabay na sa pagpasok niya sa loob ng gym.

We were amazed how the gym looked after we decorated it for the past week.

"Ang gagara naman ng mga suot nila." - Elah

"Asus. Ikaw nga naka-dress pa eh." Asar naman sakaniya ni Fam.

"Nainggit pa kayo eh pare-pareho naman tayong magaganda." Nakangiting sabi ni Scarlet.

Nagkatinginan naman sila at nagsitawanan nalang. Baliw talaga ang mga 'to.

Ang owner ng school namin ang nag-open ng celebration.

Nagsimula kaming maglaro ng mga pambatang games at kung ano-ano pa.

Nasubukan din naming magmerge sa ibang department. Kahit pala magkakaiba kami, may mga pagkakasunduan rin kami.

"So while we're enjoying the food, we have a special guest from Seiso Academy." Masayang sabi ng school president.

"Let's welcome, The Misfits!"

Nagpalakpakan ang mga tao sa gym ng lumabas ang limang tao. Tatlong lalaki at dalawang babae.

"Wait isn't she the girl you talked to sa may Shabu-shabu?" Sabi ni Justin sabay turo dun sa babaeng inaayos yung gitara niya.

Tinignan ko naman ito at minukhaan. Oo nga noh? This is the third time that we will meet.

"Hello sainyo. Kami pala ang The Misfits. I'm Neon, the vocalist. Tapos sina Alex, Jo, Flame at Ice. First time naming tutugtog dito sa school niyo. So please enjoy our music."

Pagkatapos magsalita ni Neon ay nagsimula na silang tumugtog.

Simula palang ng tugtog ay nagenjoy na agad yung ibang estudyante.

Magaling sila. Lalo na yung vocalist nila. Malamig yung boses niya hindi tulad ng iba na pilit.

Napatingin naman ako dun sa babaeng nag gigitara. Halatang nahihiya siya pero ngumingiti parin siya.

Nang matapos silang kumanta at pinalakpakan namin sila.

"Whew. Ang warm naman ng welcome niyo sa band namin. Thank you." Sabi ni Neon.

"Oo nga pala, sabi samin ng owner ng school niyo pagkatapos naming kumanta ay pwede na kayong magpakilala sa monito-monita niyo. I'm Flame by the way." Nakangiting sabi niya.

Natawa naman yung faculty dahil sa kakulitan niya pero tulad nga ng sinabi niya, pinuntahan na namin yung mga monito't monita namin.

"Uy Lay, sorry ito lang ang nabili. I really don't know what you like kasi eh." Medyo nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman siya, yung kita yung dimples niya.

"It's alright. Thank you for this atsaka sa mga gifts mo nuon. Nakatulong yung Memory Plus Gold." Natatawang sabi niya.

Nginitian ko naman siya at niyakap. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa aking upuan.

Asan na kaya siya?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin.

Totoo ba 'to o isang panaginip lang? Bakit parang ang gwapo niya sa paningin ko?

"Ceejay..." Yung boses niya, kailan pa naging ganto kaganda?

"B-bakit?" Wait. Why am I stuttering?

"Wala lang. I just want to say that you look good today."

"Seryoso? Ikaw? Pinupuri ang itsura ko ngayon?" Natatawang sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at tumawa ng mahina. Why is he perfect when he laughs?

"I'm your bestfriend right? Haha. Atsaka, maganda ka naman ngayon."

Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa aking mga pisngi.

"Nakilala mo na ba yung monito mo?"

Umiling naman ako at napayuko nalang. Buong akala ko makikilala ko na kung sino siya.

"Cheer up. Makilala mo din yon."

Tumayo na siya mula sa kaniyang pagkakaupo at naglakad na palayo.

"Hey Kris!" Tawag ko sakaniya.

Tumigil naman siya at tumingin sa akin.

"You also look good today. Ang gwapo mo ngayon." Nakangiting sabi ko sakaniya.

He let out a chuckle and turned his back from me.

"Hi. Ikaw si Ceejay diba?"

"Wait you're--"

Inilahad niya yung kamay niya at ngumiti sakin.

"Alex. Call me Al."

"How's you know my name?" Gulong tanong ko sakaniya.

Umupo naman siya sa tabi ko at binigyan ako ng regalo.

"That's from your monito. Funny, napag-utusan pa ako. Pasalamat siya at kuya ko siya." Natatawang sabi niya.

"You're...brother?"

She smiled at me and nodded.

"Hindi kami magkamukha. Well it was nice chatting with you Ceejay. See you when I see you!"

She stood up and left me.

I unwrapped the gift and saw an album. Eto nanaman siya sa mga stolen shots ko.

"Meet me at the garden. Five pm sharp. See you there lovely lady."

Napahawak ako sa puso ko. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko? Nainlove na ba ako sa monito ko?

--

Dahan-dahan ako naglakad papunta sa may garden hanggang sa may makita akong figure ng isang lalaki.

Habang papalapit ako ay may lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

'Shet. Eto na 'to.' Bulong ko sa aking isipan.

Nang tuluyan na akong makalapit sakaniya ay humarap siya sa akin.

Halos lumabas na ang puso ko mula sa aking katawan ng makilala ko siya.

"Ikaw? Ikaw ang monito ko?"

Ngumiti naman siya at tumango. He opened his arms as I ran towards him.

"Baliw ka talaga! May ganon ka pang nalalaman! Nakakainis ka!"

Tumawa lang naman siya at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Sorry na. Napapangiti naman kita diba? Despite of the fact that you didn't know me at first, nagawa parin kitang pangitiin." Bakas sa boses niya ang saya.

I burried my face on his chest. Yung mga luha ko, patuloy lang sa pagbagsak.

"I love you so much." Bulong niya sa aking tenga

"I love you too, Chan. Thank you for the wonderful gift."

Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.

Napapikit nalang ako at napangiti.

Maybe I don't have to wait for the last leaf to fall anymore.

--

Rei's Corner: New plan, HAHAHA I'm sticking to this chapter :p huehuehue.

My Turn To CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon