“Tsk!” nilukot ko yung sketch ko. Pang-apat na ata 'to. Nanggigigil na 'ko.
Gan'to talaga 'ko pag badtrip, binubuhos ang lahat sa pag-sketch. Medyo gumagaan kasi pakiramdam ko pag nagddrawing ako. Ewan ko lang ngayon. Para kasing lalo akong nababadtrip sa kinalalabasan ng mga 'to.
Nagsimula ulit ako mag-sketch. Nakaka-inis kasi iyon at iyon ang kinalalabasan ng drawing ko. Panget!
Siguro nag-enjoy yung Alien na yun sa lunch niya kasama yung Keziah na yun. Bakit ko ba iniisip yun? Problema ko?!
Eh, ano naman kung masarap yung pinagsasaluhan nilang lunch? Di naman ako gutom.
Kanina pa 'ko nandito sa EXO Planet. Tinamad na 'ko pumasok dahil di rin naman ako makakapag concentrate.
Pupunitin ko sana ulit yung sketch ko nang may pumigil sa kamay ko.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Ang gwapo ko naman dito. Akin nalang, ah.” sabi niya habang pinagmamasdan yung drawing ko.
“Hindi ikaw yan!” inagaw ko yung sketch pad.
"Talaga? Eh bakit kamukha ko?” itinabi niya sa mukha niya yung sketch pad.
“Porket kamukha mo ikaw agad?! Hindi lang ikaw ang may ganyang mukha.”
“Ako lang kaya ang may gan'to ka-gwapong mukha dito.” Nag-pout siya tapos nagbukas ng lollipop. Tinapat niya sa bibig ko yung lollipop. “aah.”
Sinubo ko naman. Tsk!
Maya maya ay napansin niya yung nagkalat na lukot na papel sa may sahig at binuklat yon isa isa.
“Aish! Bakit mo nilukot 'tong mga to? Ang gwapo ko dito oh.”
Oo. Puro siya yung kinalalabasan ng sketch ko. Si Calix.
Ewan ko nga ba kung bakit, pero pag natapos na saka ko lang narerealize na kamukha niya yung naidrawing ko. Hindi na lang ako nagsalita.
“Feel better?” tanong niya sa'kin.
“Huh?”
“Nakakaganda ng mood yang lollipop. Di mo ramdam?” tanong niya. Naubos ko na kasi.
Hmp. Daming alam. Pero infairness, medyo nawala nga yung pagka-badtrip ko.
“Gagawin ko diyan?” mataray na tanong ko. Inaabot kasi niya ulit sa'kin yung lunch box.
“Aish! Di ka pa kumakain diba? Pabo!” binuksan niya yung lunch box dahil hindi ko talaga kinuha.
Bahala siya dyan.
Pero nung nakita ko yung laman, nagutom ako bigla. Sushi!
Kumuha siya ng isa saka niya sinubo. Napalunok ako. Tignan mo 'to. Akala ko ba para sa’kin yan? Bakit siya yung kumain? Talaga naman o.
“Aah.” Susubuan niya sana ako.
“Ako na.” inagaw ko sa kanya yung chopsticks.
“Aish.” Nag-pout siya. Disappointed ang bata.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Jugendliteratur"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."