Totoo ba tong nakikita ko?
Photoshop lang yan, Yesh. Maraming nagagawa ang photoshop.
“Now give me your phone.” Sabi niya pagkatago niya nung phone niya.
Nakanganga pa rin ako. Hindi kasi matanggap ng sistema ko yung pinakita niya. Tama si Keziah. Hindi katanggap tanggap yung wallpaper niya.
Inilahad niya ang kanyang kamay, naghihintay na ibigay ko ang phone ko. Wala sa sariling iniabot ko ito sa kanya habang hindi pa rin maproseso ng utak ko yung pinakita niya. Wala. Nakakawala ng wisyo yung picture.
“Why the hell do you have a fucking abs as a wallpaper?!” tanong niya habang kinakalikot ang phone ko.
Aba! Makapagsalita! Mas desente naman tignan yung abs ni Kai kesa dun sa… Basta!
“Teka nga! Eh bakit ikaw iyon ang wallpaper mo? Idelete mo nga yun!” utos ko.
“What’s wrong with our picture?” singhal niya.
Oo, picture naming dalawa yun. Magkatabi kami sa kama at tulog ako. Nakaunan pa ako sa braso niya. Ang porn tignan. Ano na lang iisipin ng makakakita nun?
“Ang bastos tignan.” Sagot ko.
“I don’t care. Yun lang ang picture natin kaya yun ang gagamitin ko.” Ibinalik niya sa'kin yung phone ko bago siya magsimulang maglakad.
“What the hell?!”
Pagtingin ko kasi ay iba ang wallpaper ko. Puwet na ng hamster. Anak naman ng tupa oh. Sa dinami dami ng pwedeng ipalit, yung puwet pa ng hamster. Sana pala hindi ko na lang dinownload tong picture na to. Nakigaya pa kasi ako sa latest craze sa Japan. Yan tuloy, hindi ko naman kasi akalain na darating ang araw na magiging wallpaper ko tong hamster butt na to.
💚💚💚
Pagdating namin sa room ay nagsasalita sa harap si Kean. Self introduction ata. For sure puro kayabangan na naman ang pinagsasabi nito.
Umupo si Taehyung sa tabi ni Keziah at umupo na lang din ako sa tabi niya. Bale nasa gitna namin siya ni Keziah.
“So, guys, sino sa inyo ang mahilig sumayaw aside from Ayesha?” biglang tanong ni Kean.
Ano?! Bakit nadamay na naman ako? Walangyang Kean to, pinapahamak na naman ako. Alam naman niyang hindi ako marunong sumayaw, eh.
Ramdam kong napatingin sa’kin yung ibang members. Tinignan ko si Kean nang masama. Ano na namang trip mo, Kean?
“You love dancing? That’s cool.” Jairus.
Hindi ako nakasagot. Ampots naman kasi eh. Hindi ako marunong sumayaw, pero dahil sa pinagsasabi ng Kean na yan iniisip tuloy ng lahat na magaling ako sumayaw. Waah! Dimunyu ka talaga, Kean!
Buti na lang nagtaas ng kamay si Briel at sinabing dancer siya. Weew! Thanks, Briel. Dahil sa'yo hindi ko na kailangan pa sagutin yung tanong ni Jairus. Atleast, hindi ako nagsinungaling diba. Wala ako sinabing marunong ako sumayaw o hindi, bahala na silang madiscover yun pag nagstart ang practice.
“Ako rin.” Kahel.
Weh? Dancer din si Kahel?
“Count me in.” Keziah.
Pati si Keziah? May talent siya? Ano na lang talaga panama ko sa kanya? Ano ako ganda ganda na lang? Pero sabi nga ni Pula mas maganda si Keziah, diba? Pero hindi ako makapapayag. Naniniwala ako na mas maganda ako. Weh? Oo na mas maganda na siya!
“I’m in.” Taehyung
Tinignan ko siya. Tong alien na to na mukhang hikain marunong sumayaw? Seryoso?

BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Roman pour Adolescents"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."