Hindi ko na nakausap si Pula kagabi dahil masama ang loob ko at nagkulong na lang ako sa kwarto. Ngayon ay hinihintay ko na lang na pumasok dito sa kwarto si Taehyung. Yun kasi ang ginagawa niya kapag pumupunta siya dito. Himala nga late na siya. Samantalang ang aga aga nun mambulabog.
Naglagay ba ako ng karatula sa labas ng bahay namin na bawal ang alien dito kaya hindi siya pumunta?
Tinignan ko ang oras sa phone ko. Oras na pala ng lunch. Naligo muna ako bago ako bumaba.
“Si nanay?” tanong ko kay Pula. Nakangiti siya sa’kin na akala mo last day na niya sa mundo. Leche ka! Akala mo hindi ko alam na aalis ka!
“Masama raw pakiramdam. Kain na.” ipinaghain pa niya ko ng pagkain sa plato ko.
Tinignan ko siya ng masama.
“Pwede ba wag kang magbait baitan kung iiwan mo rin lang ako. Maging cold ka na nga lang habambuhay! Bakit ka ganyan? Aalis ka na ba mamaya? Kaya sinusubukan mong maging mabait sa'kin?!” nawalan na naman ako ng gana kumain.
Dumiretso ako sa kwarto at sumubsob sa kama ko. Sa tuwing naiisip ko kasi na aalis si Kendra at Red ay nasasaktan ako. Biglaan naman kasi, wala man lang one year notice para naihanda ko ang sarili ko. parang hindi ako makahinga, naninikip ang dibdib ko.
“Yesha.” Narinig ko ang boses ni Pula. Alam kong nakapasok na siya dito sa loob dahil ramdam kong malapit lang ang pinanggalingan ng boses.
Nanatili akong nakasubsob. Ramdam ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko.
“Sorry kung hindi ko sinabi kaagad sa'yo yung tungkol sa pagalis ko. Akala ko kasi wala kang pakialam.”
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Shit lang! Wala akong pakialam? Magkakaganito ba ko kung wala akong pakialam?! May pakialam ako sa mga taong mahalaga sa’kin. Kaya leche lang talaga para isipin niyang wala akong pakialam!
“Bakit ba kasi hindi mo ko sinabihan ha?! Ang sakit eh! Akala ko magkaibigan tayo.”
“May magbabago ba kung sinabi ko sa'yo na aalis ako? Wala naman diba? Yun din naman ang patutunguhan.”
“Pero kahit na! Sana sinabi mo para alam ko.”
“Bakit pipigilan mo ba ko kung sinabi ko?!” napapikit siya.
“Hindi naman, diba? Hindi mo ko pipigilan. Kaya mas mabuti pang lumayo na lang ako para makalimutan ang nararamdaman ko sa'yo.” Dagdag niya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Nararamdaman? Anong nararamdaman?
Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya.
“Ganyan kabilis ang tibok ng puso ko tuwing napapalapit ako sa'yo. Hindi mo kasi alam kung paano magwala ang puso ko kapag nandyan ka.” Pula.
Hindi ako makakuha ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung saang parte ng utak ko hahagilapin ang mga salita na pwede kong itugon sa kanya.
“Mahal kita, Yesha.”
Nagkatitigan lang kami. Hindi ako kumukurap. Para akong estatwa na hindi gumagalaw sa pwesto. Nakikita kong unti unting lumalapit ang mukha niya sa'kin pero ayaw makisama ng pesteng katawan ko. Ayaw gumalaw! Gusto kong umatras pero putek, natraffic ata yung command na gusto kong ipadala sa aking utak.
Nararamdaman ko na yung hininga niya. Punyemas! Gumalaw ka naman magaling kong katawan. Makisama ka utang na loob.
“Susmaryosep! Ano bang ginagawa ninyong mga bata kayo?!”
Biglang lumingon si Pula sa pinanggalingan ng boses. Nagulat kaming dalawa. Saka lang nakisama ang katawan ko. Kailangan lang pala gulatin.
Nanlaki ang mata ko at napatayo ako kaagad nang makita ko si nanay at Taehyung sa may pinto.
“Hub!”
Nakatulala siya sa’ming dalawa ni Pula.
“Naku, Balong, lumabas ka muna. Ano ba kasing naisipan ninyong mga bata kayo?” Hinila ni nanay si Pula palabas ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Taehyung. Kagat kagat niya ang labi niya na parang galit na galit at walang nagawa kundi ang panggigilan ang sariling labi. Magsabi ka lang Taehyung kung gusto mo ako ang gagawa niyan para sa’yo. Pero hindi ito ang oras para sa kalandiang naiisip mo Felice. Maghunus dili ka!
“Una si Jairus, tapos si Kean, ngayon naman si Red.” Umiling siya. “Sino pa ba? Ilan pa ba ang magiging karibal ko sayo, Felice?”
Napipi naman ako. Ang sakit eh. Bakit parang pinapalabas niya na malandi ako? Na hindi ako kuntento sa kanya?
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod.
“Hindi ba pwedeng ako na lang, Felice? Kasi ako sigurado ako na ikaw lang.” sabi niya na nakayuko.
Naninikip ang dibdib ko.
“Taehyung.” Lumapit ako sa kanya.
“Mahal mo ko, diba?” tanong niya.
“Ano ba naman klaseng tanong yan?” hinawakan ko ang kamay niya para tumayo siya.
“Tell me you love me.” Niyakap niya ako.
“I love you.” Mahal ko siya. Wala ng iba. Nagkataon lang talaga na bigla siyang dumadating sa hindi inaasahang oras.
Hindi naman sa wrong timing siya. Actually, tama nga lang yun kasi kung hindi sila pumasok ni nanay ay baka nahalikan na talaga ko ni Pula.
“I love you more.” Pinagdikit niya ang mga noo namin.
Parang huminto sa pagtibok ang puso ko habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Pumikit ako and waited for his lips to touch mine. Hindi naman nagtagal at hinalikan na niya ako.
Dahan dahan niya kong inihiga sa kama habang hinahalikan ako. Ang init ng mga halik niya. Nakakabaliw. Ang sarap pumikit at namnamin ang bawat halik niya. Maya maya ay bumaba sa leeg ko ang mga halik niya.
“uhmm..”
Shit! Bahagya niyang ibinaba ang manggas ng damit ko to reveal my left shoulder. Hinalikan niya ang balikat ko papunta sa leeg at paakyat sa jawline ko hanggang sa bibig ko.
Hindi na ko makapag-isip ng tama. Shemay naman oh! Bakit ang sarap pala nito?
Itinaas niya ang laylayan ng damit ko at pinagapang ang mga kamay niya sa tyan ko papunta sa ibabaw ng bra ko. Ang init ng mga kamay niya.
“ahhh…” hindi ko napigilan ang sarili ko at napaungol ako.
Hinubad niya ang damit na suot ko at hinalikan ang tyan ko. Nakakakiliti. Hinawakan ko ang ulo niya para ilayo sa tiyan ko. Para akong bulate na binuhusan ng asin dahil hindi ako mapakali tuwing dumidikit ang labi niya sa katawan ko.
Nakapa niya sa dibdib ko yung lock ng bra ko. At inalis iyon. Nasa harap kasi ang lock ng bra na suot ko. Geez! Nakaramdam ako ng hiya. Tatakpan ko sana ang hubad kong dibdib pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. At ngumiti ng napaka pilyo. Leche ka Taehyung, wag kang ngingiti ng ganyan ngayon dahil lalo akong naakit sa’yo.
“Let me do the honor.” Sabi niya at inilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng boobs ko. Chansing na naman.
Napalunok ako. Kyah! Feeling ko pulang pula na ko ngayon. Huta! Ano ba tong ginagawa namin? So porn! Pero huta ulit, ayaw ko siyang tumigil. Waah!
![](https://img.wattpad.com/cover/15034920-288-k400524.jpg)
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."