Chapter 19 - A Taste of Bitterness

4.4K 123 9
                                    

“Wait!” sigaw niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

“I love Keziah.” Sabi niya paglingon ko.

I love Keziah.

I love Keziah.

I love Keziah.

Nag-echo sa tenga ko yung sinabi niya. Nakakabingi.

Ngumiti ako dahil HINDI AKO APEKTADO! Ano naman kung mahal niya si Keziah?! Alam ko naman e. Hindi na niya kailangan ipamukha.

“O tapos? Gusto mo ipagsigawan na mahal mo siya?! Diba umpisa pa lang naman ng deal na to, alam ko na!” sigaw ko. Naiinis kasi ako! Bakit? Kailangan ba ng dahilan para mainis?

Basta ang alam ko naiinis ako. Ang sakit sa dibdib. Gusto ko siyang sakalin hanggang sa bawiin niya yung sinabi niya na mahal niya si Keziah. Hindi ba pwedeng ako na lang? Kaya nga mayroong deal diba, para mailayo siya kay Keziah! Dahil hindi HINDI SILA PWEDE! Ang tanga niya!

“About that…” naglakad siya palapit sa'kin at pinunasan ang luha ko. Umiiyak na naman pala ako. Bakit ba masyado akong affected? Kainis!

“I'm ending this deal soon.”

Ending what?

"O-oh! Buti naman." sagot ko nang makabawi ako sa pagkabigla.

Hindi ko inexpect na ganito kabilis matatapos yung deal. Ang usapan namin ay three months pero ngayon pa lang ay gusto na niyang tapusin.

Nagbago na ba ang isip niya at gusto niya na lang ipaglaban yung sa kanila ni Keziah? Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pa niyang guluhin muna yung nananahimik kong puso?

"Let me just sort things out, then we'll end this. I'm sorry for all the trouble." sabi niya at naiwan akong nakatulala.

💚💚💚

“HOY! AYESHA FELICE CASTRENCE MIDDLETON! BUMANGON KA NA DIYAN!”

Nagulantang ang mundo ko sa sigaw ni Kendra. Napabalikwas ako ng bangon.

Nakasimangot akong humarap sa kanya.

“Oh? Aga aga sinisimangutan mo ang kagandahan ko.” Reklamo niya na naka-pout. Hilahin ko kaya nguso nito?

Umupo ako at ginulo ko yung buhok ko. “Aarrggh! Bakit ba kasi ang aga aga mo mambulabog?”

Wala pa akong matinong tulog kaiisip sa nangyari kagabi.

"Bakit ganyan mata mo? Umiyak ka ba?" Medyo nag-aalalang tanong niya at inilapit ang mukha para makita nang malapitan ang mukha ko.

"Okay ka lang?" she asked.

"Oo naman! Puyat lang ako."

"Weh?"

"Oo nga! Dun ka na nga!"

“Parang may parating na bagyo. Sige exit na ko. Ayoko ng tragic ending para sa kagandahan ko.” Sabi niya habang naglalakad palabas ng kwarto.

"Basta pag di ka na beastmode tawagan mo 'ko, ah. Ikalma mo muna sarili mo. Love you!" Pahabol pa niya bago isinara ang pinto.

Na-sense ata niya na hindi maganda ang mood ko ngayon.

Naligo na lang muna ako para mabawasan ang pagkabadtrip ko. Naiirita lang talaga ako sa nakita ko kagabi. Hindi ako apektado sa sinabi na Taehyung, nakakairita lang talaga yung nakita ko. Hindi talaga ako apektado kahit pa gusto na niyang tapusin ang deal. Wala akong pakialam. Naiinis lang ako. Hindi ako nasasaktan!

“Good morning!” masiglang bati niya sa'kin. Naka-upo siya sa bed ko paglabas ko ng cr.

“Anong ginagawa mo dito?” mahinahon kong tanong. Kahit ang totoo ay gusto ko na siyang sigawan at sipain palabas ng kwarto.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon