Chapter 36 - Baby Making 101

4.4K 108 5
                                    

Syet! This is it! Am I ready?

Diretso engagement na ba tong dinner na ito? Baka maunahan pa namin ikasal sina Jairus at Keziah. Charot lang! Wala pa akong balak gawin ang bagay na yun.

"Oy, hindi pa 'ko ready. Wag muna natin gawin ngayon, bukas na lang." wala sa sariling sabi ko nang hindi siya tinitignan. Feeling ko kasi magdidikit ang mga labi namin kapag humarap ako sa kanya.

“Pffttt… Hahaha!” umalis siya sa pagkakadagan sa’kin at tumawa ng tumawa.

What's funny? May nasabi ba akong nakakatawa? Actually, di ko na nga alam kung ano ang lumabas sa bibig ko.

“Are you serious, Felice? Hindi ka pa ready ngayon tapos gusto mo bukas na lang.” tanong niya at namumula na siya katatawa.

Napatakip ako ng unan. NAKAKAHIYA! Sinabi ko ba yun? Sinabi ko bang bukas na lang? Pwede bang mag-evaporate na lang ako bigla? As in now na.

Hinila niya ko paupo at niyakap.

“I’m just kidding wife. But if you want, let’s get married now and make babies later.”

Hinampas ko siya ng malakas at napahawak siya sa hinampas ko.

“Heh! Babies mo mukha mo! Wala na pahiya na ko! Pakasalan mo sarili mo! At gumawa ka na rin ng baby mag-isa!” tinulak ko siya at tumayo ako.

Sumunod siya agad at niyakap ako mula sa likuran.

“Are you mad?”

……

“Wife, galit ka?”

………

“Wife?”

……

“Wife naman. Don’t be mad. I’m sorry.”

………

“Uy…” hinarap niya ko sa kanya at nag-iwas ako ng tingin.

“Ayaw ako tignan ng wife ko.” Nasesense ko na naka-pout na siya ngayon.

Itinalikod niya ulit ako. Balik na naman kami sa back hug.

“Nagbibiro lang naman talaga ko kanina wife. Hindi ko alam na seseryosohin mo.”

“So, biro lang sayo lahat ng to?!”

“Of course not! I’m serious. I’m serious with you, and what I feel about you. I love you, Felice.”

He smiled.

“Promise. Ihaharap muna kita sa altar bago tayo gumawa ng babies. Hindi natin gagawin yun hangga’t hindi tayo kasal, so don’t tempt me.” Seryoso niyang sabi.

Nakatitig siya sa mga mata ko tapos bumaba ang tingin niya sa lips ko. Napalunok ako.

“For now, magpapaka-adik muna ko rito.” Pagkasabi niya ay kiniss niya na naman ako.

“I can never get enough of this.” Sabi niya at kiniss ulit ako.

ADIK!

💚💚💚

Humiwalay siya sa pagback hug sa’kin nang may kumatok sa pinto.

Naka-upo kami sa kama at naglalaro ako sa iPad niya habang siya ay busy sa pagyakap at pangingiliti sa’kin habang naglalaro ako. Kainis nga eh, hindi ako makapag-concentrate, lagi tuloy ako talo. Nauuna na naman kasi yung kilig ko. Ang hirap kaya magpigil ng kilig.

Lumapit siya sa pinto at pinagbuksan yung kung sino man na kumakatok.

“Hyung?”

“Tumawag si mom, babalik na raw sila sa Korea, hindi na sila nakadaan dito. Emergency, bigla raw dumating yung business partner nila from England.” Narinig kong sabi ni Jairus.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon