“Ano ba Kean!” bwisit kasi. Pagkabitaw niya sa kamay ko ay hinawakan niya rin ulit.
Hinila niya ako pero hindi ako binitawan ni Taehyung. Potek! Ano 'to tug of war at ako yung lubid?
“Let. Go.” Madiin na sabi ni Taehyung.
Hindi pa rin nasindak si Kean kaya pilit kong hinila ang kamay ko na hawak niya.
“Pwede ba, Kean, pass muna ko ngayon sa kagaguhan mo. Next time ka na manggulo. Lalo mo lang pinapagulo ang sitwasyon namin, eh.” Pagkasabi niyan ay ako na mismo ang humila kay Taehyung palayo kila Kean.
Magulo na nga ang buhay ko dahil kay Taehyung tapos dadagdag pa siya. Alam ko namang bored lang siya sa buhay.
“Bakit magkasama na naman kayo ni Keziah? Nakapagdecide ka na ba na ipaglaban yung nararamdaman mo para sa kanya?” naiinis kong tanong nang mapagod ako sa paglalakad. Binitawan ko na rin ang kamay niya.
Dito kami napadpad sa may play ground ng school. Oo may playground ang Galaxy kasi marami raw isip bata rito at isa na dun si Kim Taehyung.
“Oo nakapagdecide na 'ko na ipaglaban ang nararamdaman ko. Pero hindi para sa kanya.” Sagot niya. Napahawak siya sa dibdib niya at napapikit.
Huminga siya ng malalim.
“Para kanino?” kinakabahan kong tanong.
Paano kung para sa'kin? Paano kung gusto niya pala ako? Sana ako na lang. Wag kang mangarap, Yesh, malabong magkagusto sa'yo si Calix Kim. Haist!
“Wait, how did you know that guy?” tanong niya.
“Sino? Si Kean?”
Tumango siya at naghintay ng sagot.
“Sa kasamaang palad ay kuya siya ni Wren.” malungkot na sagot ko.
“Garcia?”
“Well, si Wren Henry Garcia lang naman ang kilala kong Wren. So, oo.”
“Is that true?” tanong niya na naniningkit ang mata.
“Na magkapatid sila? Sa pagkakaalam ko oo. Pero sa tingin ko parang hindi eh. Baka ampon si Kean.” Naisip ko lang naman baka ampon nga si Kean. Ang sama kasi ng ugali ng taong yun. Ang layo sa ugali nina Tito at Tita.
“No. I mean, what he said earlier. Is that true?”
“Alin dun? Marami siyang sinabing kahambugan, diba?”
“About you liking him.”
“May sinabi ba siya?” gusto ko na nga kalimutan yung kayabangan ng Kean na yun ipinaalala pa niya.
“Quit playing games, Felice. I’m asking you, do you really like him?” lalo siyang sumeryoso. Lalo rin tuloy siyang gumwapo. Ohmy! Ano ba tong naiisip ko? May deperensya na ata mata ko pati utak ko.
“Di ah!” deny ko. Hindi naman talaga eh. Never akong nagkagusto dun at lalong hinding hindi ako magkakagusto sa mayabang na yun.
“Then why are you blushing?” nilapit niya ang mukha niya para mas matitigan ang mukha ko.
Nailang ako. Lumayo ako sa kanya. Bakit ba ganyan siya makatitig?
“w..weh? di..nga?” pinilit kong magsalita ng tuwid. Pero syet, nauutal ako.
Umayos na siya ng tayo at inilagay ang mga kamay niya sa likurang bulsa ng pantalon. Ampogi! Bakit lalo ka gumagwapo sa paningin ko, Taehyung? Utang na loob, tigilan mo yan. Baka mahulog ako nang tuluyan sayo. Buti sana kung handa kang saluhin ako.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Genç Kurgu"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."