Mula noong araw na iyon ay lalong hindi na maalis sa isip ko si Taehyung. Hindi ako makapag concentrate sa trabaho kaya pinayuhan ako ni Wren na magleave na muna sa trabaho. At inaya niya akong magbakasyon sa isang resort sa Palawan.
Habang nakatanaw ako sa malayo ay niyakap ako ni Wren mula sa likuran ko. Ang higpit ng yakap niya at ipinatong ang baba niya sa may balikat ko.
"Pa-kiss nga." bulong niya at hinalikan ako sa balikat.
Kanina pa siya naglalambing pagkarating namin dito sa resort.
"Kalimutan mo muna siya.. kahit ngayon lang." bulong niya.
Kahit anong lambing kasi niya sa'kin ay hindi ko iyon magantihan. Naiisip ko si Taehyung at nasasaktan ako. Pakiramdam ko ngayon ay ginawa ko lang panakip butas si Wren kahit hindi naman iyon ang intensyon ko. Mahal ko rin si Wren.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mga kamay niya na nakayakap sa'kin. Tama siya. Dapat kong kalimutan si Taehyung. Napaka unfair ko naman sa kanya kung habang magkasama kami ay ibang lalaki ang nasa isip ko.
Pumihit ako paharap sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
Pinagdikit niya ang mga noo namin, "I love you." sabi niya saka hinalikan ang noo ko.
💚💚💚
"Sigurado ka? Ako na lang kasi."
Hindi ko siya sinagot at sumakay na ko sa jet ski. Tinuruan na niya 'ko magdrive nito dati. Feeling ko ang galing galing ko na magdrive kahit pangalawang beses ko pa lang ito susubukan.
Wala siyang nagawa kundi ang sumakay na lang sa likuran ko. Ipinaalala niya ulit kung paano ito paandarin at ginuide niya rin naman ako. Ang saya lang magdrive nito. Nakakawala ng stress.
Huminto kami sa malalim na parte ng dagat kung saan walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Magdadive ako dito kapag may nakita akong tao na lumalangoy sa ganito kalalim. Haha. Hinawakan niya ko sa bewang at dahan dahang inikot paharap sa kanya. Ramdam ko ang mainit niyang kamay sa balat ko.
"Wren.."
"Gusto kong sulitin ang araw na to Ye dahil baka bukas hindi na ako ang boyfriend mo." seryosong sabi niya.
"Sira." Niyakap ko siya at hinagkan sa pisngi.
Tumawa siya, "Tara na. Baka ma-sunburn tayo dito."
Oo nga. Naka two piece pa naman ako. Ayokong magdusa pagkatapos. Ang hirap kaya ma-sunburn.
Inalalayan niya ako para umayos na nang upo.
Pagkatapos ay pumunta kaming dalawa sa bayan para mamasyal at bumili ng pasalubong. Uuwi rin kasi kami kinabukasan dahil may mga naiwan pa siyang trabaho sa Maynila.
Natapos ang buong araw namin at talagang nag-enjoy ako. Hindi ko na ikukwento ng buo dahil tinatamad ako.
"Dito ka na matulog sa tabi ko." nakangiti kong sabi bago pa makalabas ng kwarto si Wren bitbit ang isang unan at kumot.
Lumingon siya, "Wag na. Baka kung ano pa magawa ko habang tulog ka."
"Edi gawin mo bago ako matulog." kinindatan ko siya.
Haha. Try ko nga kung kaya ko siya akitin. Para kasing hindi ako kaakit akit sa paningin niya eh.
Nalaglag ang bitbit niyang unan pati na rin ang panga niya. "Wag mo 'kong akitin. Tinatablan ako." natatawa niyang sabi at lumapit siya sa'kin.
"So?" tanong ko. Jusko. Magboyfriend naman kami, ano namang masama doon? At nasa tamang edad na kami. 27 na kami pareho.
"So pala ah." he smirked. Napalunok ako ng bongga nang inilapit niya ang mukha niya sa'kin at halos maduling ako.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Teen Fiction"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."