Chapter 9 - Childish Taehyung

6K 149 0
                                    

Ayesha’s POV

“Hindi ka pumasok kahapon?” tanong ko kay Taehyung. Nandito kami ngayon sa EXO Planet para magpalipas ng oras. Wala na kasing klase.

Umiling siya at lumapit sa drum set na nakapwesto sa isang sulok, malapit sa piano.

“Bakit?” lumapit din ako.

Yumuko siya at parang may hinahanap, “Nasaan kaya yung stick nito?” umupo siya at nagbukas ng bag.

I just stared at him. Naglabas siya ng dalawang lapis at ginamit na pamalit sa drum stick. Galeng!

Halos hindi marinig yung sound na napoproduce nito kaya itinigil niya rin ito. Tumayo siya at pumwesto naman sa piano. Nagsimula siyang tumugtog. Umpisa pa lang ay halata ng hindi marunong. Medyo naiinis pa siya dahil ang hirap daw tumugtog tapos tinatawanan ko lang.

Bigla na lang siyang sumeryoso at tumugtog ulit. Marunong din naman pala siyang magpiano.

Naghanap na lang ako ng paglilibangan habang todo concentrate siya sa pagtugtog ng piano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naghanap na lang ako ng paglilibangan habang todo concentrate siya sa pagtugtog ng piano. Umupo na lang ako sa sahig dahil sinumpong na naman ako ng sakit ko, ang KATAMARAN.

“Nagtext si Jairus. May meeting daw.” Sabi nito at inilahad ang kamay para tulungan akong tumayo.

💚💚💚

Pinagtinginan kami ng mga tao nang makarating kami sa room ng Bangtan. Hindi pa naman nagsisimula ang meeting pero naka-pwesto na ang mga members.

Nahagip ng paningin ko si Pula na naka-upo mag-isa sa bandang dulo. Naalala ko tuloy yung sinabi niya na kaya niya ako inaya sumali rito ay para may kakilala siya. May pagka-anti social kasi yan. Ako nga lang kinakausap niya dito sa school, as in yung usap talaga. Yung iba kasi kakausapin niya lang kung kinakailangan, as in no choice.

“Dun na lang tayo sa dulo.” Tinuro ko kay Taehyung yung mga bakanteng upuan malapit kay Red.

Tumango ito at nauna na akong maglakad papunta kay Pula, nakasunod lang siya. Pinili kong umupo sa tabi ni Red at umupo naman sa tabi ko si Taehyung.

Wala naman talaga ako balak makinig sa meeting kaya naglaro na lang ako sa phone ko. Si Taehyung naman ay tulog at talagang nakasandal pa sa balikat ko.

Deadma lang si Pula hanggang matapos ang meeting. Bastusan? Sana pala hindi na lang ako tumabi sa kanya kung useless din lang. Pinabayaan ko na lang sana siyang magpaka-loner. Nandyan naman yung mga babaeng nagpapa-cute sa kanya e.

Bago kami umalis ay nilapitan ko muna si Jairus para kausapin, iniwan kong tulog si Taehyung ang hirap kasi gisingin. Nagtext yung gagang si Kendra na i-try ko raw siya ipasok sa Bangtan dahil hindi siya nakapag audition tutal naman daw jowa ko si Taehyung na kapatid ng president. Nadaan niya na naman ako sa dirty tactics niya kaya ko 'to gagawin.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon