Kendra’s POV
“Yesh!” tawag ko kay Bruha. Bigla na naman kasi nag walk out.
Inilagay ko muna sa bag yung phone ko bago ko siya sinundan. Mamaya na ulit ako magseselca. Nai-stress lang ang kagandahan ko sa kanya.
Pagtapat niya kay Calix at Keziah ay hinwakan siya ni Calix sa braso pero tinabig niya rin ito agad. Ang taray! Magaya nga yang eksenang yan, mukhang nakakaganda.
Naiwan si Calix na walang nagawa kundi ang sundan siya ng tingin. Siniko ito ni Keziah.
“Follow her.” Keziah
Tinignan siya ni Calix saka ngumiti at umiling. Inakbayan siya nito at umupo na sila.
Ay kaloka! Di man lang sinundan si bruha? Ano bang meron sa kanila at panay ang LQ? At mas pinili pa talaga mag-stay kasama ang bestfriend kesa sundan ang nagmamagandang girlfriend. Dapat kasi si Jairus na lang, eh. Team KS for the win!
Di ko alam kung saan nagsuot yung bruha. Paglabas ko kasi wala na siya. Pagpunta ko sa BTS Planet ay wala rin siya. Bahala nga siya.
Ang init! Alam niyo yon? Ayokong matusta ang kagandahan ko.
Inilabas ko muna ang phone ko at nagselfie with a haggard face. Ipopost ko to sa instagram.
“Kendra, si Gon.” Sabi ng lalaking lumapit sa'kin na hinihingal pa dahil sa pagtakbo. Pawis na pawis ang lolo mo.
Humawak siya sa tuhod niya habang humihingal bago siya nagsalita ulit.
“Sumama ka sa'kin.” Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila patakbo papunta sa soccer field.
Habang tumatakbo kami ay saka ko lang narealize na team mate pala siya ni Gon.
“Anong nangyari?” nagaalala kong tanong.
Dinala niya ako sa locker room nila.
Nasaan si Gon? Wala naman ibang tao rito kundi kaming dalawa lang. Yung totoo, pinagtitripan mo 'ko? Tinignan ko siya ng masama.
Nagulat na lang ako dahil bigla siyang sumayaw at maya maya ay may tumugtog.
Bumukas ang pinto. May pumasok na team mate niya na mukhang nagtataka kung anong ginagawa ni koya. Nasisiraan na yata ng bait.
Napanganga ako nang pati si koya na kapapasok lang ay sumasayaw na rin. Nakisali pa sa trip ng team mate niya. Pero mukhang hiyang hiya siya sa ginagawa niya. Maski naman ako ay mahihiya kung ganyan katigas ang katawan ko.
Isa isang nagpasukan yung iba pang varsity at nagsisayaw. Infairness lang sabay sabay sila. Haha!
Hanggang matapos yung sayaw nila ay nakanganga lang ako sa kanila. Kaloka ang trip ng mga ‘to. Flash mob teh!
Nung napalitan na ang kanta ay nagkanya kanya na sila ng mundo na parang walang naganap na sayawan. Yung iba ay nagbukas ng locker. May pumasok sa shower room at may lumabas.
Pagbukas ng pinto ay may isang lalaking nakatalikod at sumasayaw. Gon?
Stucked at the moment ang lola mo. Hindi ako nakagalaw habang pinapanood siya mag-sexy dance.
Lumakad siya palapit sa'kin habang sumasayaw nang nakayuko.
“Kung hindi lang kami natalo hindi ko gagawin to.” Bulong niya.
Nagtatawanan naman yung team mates niya habang pinapanuod siya magsexy dance.
Bakit ang init dito? Am gonna hyperventilate. Help!
“Hoy gago, wag mo ko ivideo!” sigaw niya dun sa isa na naglabas ng phone. Waah! Bakit hindi ko naisip yun? Sana pala vinideo ko siya.
Sumimangot siya nung napansin niyang nakangiti ako.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Ficção Adolescente"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."