Ayesha’s POV
“Umiinom ka na naman. Hindi maganda sa atay yan, Wren!” sita ko sa kanya. Umiinom na naman kasi siya pagdating ko dito sa bahay nila. Kagagaling niya lang sa sakit tapos naglalasing na kaagad.
“Hayaan mo na lang ako.” Wren.
“Sira ka ba talaga?! Hindi ko hahayaang masira ang buhay ng kaibigan ko noh!”
“Matagal nang sira ang buhay ko mula nang iwan niya ko.”
Ang bitter naman nito masyado. Bakit ba siya nagkakaganyan? Ganun ba talaga kapag broken hearted? Hindi naman ako nagkaganyan nun kay Kennedy ah. At sana hindi rin ako magkaganyan dahil kay Taehyung. Subukan niya ko iwan, pasasabugin ko ang mukha niya.
“Ang drama mo naman. Tama na yan. Mag move on ka na. Maraming babae dyan!”
“Hindi ko sila kailangan! Si Ugly ang kailangan ko!” sabi niya at biglang ibinato yung hawak niyang baso. Adik to.
“Ay ewan ko sayo, Wren! Concern lang naman ako. Kung may magagawa lang sana ko eh.”
Tumingin siya sa’kin at akma akong hahalikan. Binatukan ko siya at agad akong lumayo sa kanya. “Gago ka Wren, hindi ako si Kendra!”
“Ye, tulungan mo ko mag move on.” Sabi niya bago siya bumagsak sa lamesa. Lasing na lasing na naman ‘to.
“Kean!” sigaw ko. Nasaan na naman kaya yung lalaking yon? Walangya talaga. Ipinaubaya na sa’kin ang pagaalaga sa kapatid niya. Nakakailang halik na sa'kin tong si Wren. Kapag nalaman to ni Taehyung patay ako. Baka gilitan niya ng leeg si Wren.
Lumapit yung isa nilang kasambahay. Kean na ho ang pangalan ninyo manang? Gusto ko sanang itanong pero hindi ito oras ng pagiging pilosopo. Tinulungan niya kong iakyat si Wren sa kwarto.
“Langya naman, Wren. Kung di lang talaga kita kaibigan baka ipinatapon na kita sa Bermuda Triangle. Nagtatampo na tuloy ang boyfriend ko dahil nawawalan ako ng oras sa kanya. Kung hindi lang talaga kita kaibigan. Nako talaga!"
💚💚💚
Kinabukasan, paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Taehyung na nagaabang sa labas ng sasakyan niya. Shit. Ang gwapo niya. Gusto malaglag ng panty ko buti nalang nakaharang ang shorts ko. Nakasuot lang siya ng white shirt pero napakagwapo pa rin tignan. Nakashades pa siya.
Ngumiti ako at ganun din siya. Naks naman talaga. Ang gwapo ng boyfriend ko.
“Hi.” Bati niya sa’kin.
“Hi.” Sagot ko. Medyo awkward.
“Pwede na ba kita idate?” tanong niya.
Pupunta sana ako ngayon kay Wren. Pero ayoko naman tanggihan siya ulit. Ilang araw na kaming hindi nagkikita kahit gusto niya dahil palagi akong nakila Wren. Baka magalit na siya sa’kin kapag tinanggihan ko pa siya.
“Sure.” I smiled.
Hinila niya ang kamay ko at saka niya ko niyakap. “Namiss kita.” Bulong niya.
“Namiss din kita noh.” Sagot ko.
Akala ko tapos na ang yakapan pero bigla niya kong hinalikan. Naku naman ang lalaking to. PDA na naman. Pero okay lang. Kung ganito ba naman kagwapo, aba’y dapat talaga idisplay yan.
“I will miss you.” Sabi niya bago ako hinalikan ulit.
💚💚💚
“Saan tayo?” tanong ko habang nagdadrive siya.
“Sa Theme Park?” tanong niya.
“Talaga?! Game ako dyan. Gusto ko yan.” Excited kong sagot. Mas gusto ko yung mga ganitong klaseng date kesa yung mga tipong fine dining na pagkarami raming kubyertos ang nakahain sa’yo. Minsan tuloy mapapaisip ka na lang kung kasali ba yun sa mga kakainin ninyo.
Pagdating namin sa theme park ay hinila ko kaagad siya papunta sa roller coaster. Natatawa naman siyang sumunod sa’kin. Kaso ang haba ng pila kaya pumunta na lang kami sa mga stall kung saan nakakabili ng iba’t ibang couple stuffs.
“Gusto ko ‘to.” Sabi ko at ipinakita ko sa kanya yung hat na mukhang Pororo. Isinuot ko iyon para tignan kung bagay.
“Ang cute Hub. Hanapin mo si Krong tapos bilhin natin.”
Sinunod naman niya ko at binili nga niya yung mga hat. Isinuot na rin namin para cute. Nagpicture din kami para may remembrance.
“Wife, tignan mo to.”
“Kyah!” tili ko at nagtatatakbo ako palayo nang bigla niyang itinapat sa mukha ko ang isang palaka. Yuck! Kadiri! Hinabol niya ko at tawa siya ng tawa habang ako naman ay tumitili. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
“Wag mo ilalapit sa’kin yan.” Mangiyak ngiyak na sabi ko. Pati siya ay mangiyak ngiyak sa katatawa. Ang sama ng taong to!
“Sige hindi na. Halika na dito.”
“Ayaw!”
“Halika na kasi. Itatapon ko na oh. Laruan lang naman to.”
“Ayaw! Totoo yan eh.”
“Laruan nga ‘to. Haha! Bilis na Wife.”
“Ayoko nga kasi. Itapon mo muna yan.”
Itinapon naman niya yun at siya na ang lumapit sa’kin. Inakbayan niya ko at tawa pa rin siya ng tawa. Ang saya niya ah.
Nadaanan namin yung horror house kaya inaya ko siyang pumasok.
“ayoko diyan. Hindi naman nakakatakot yan.” buong tapang na sabi niya.
“Hindi naman pala nakakatakot eh. Tara na.” hinila ko siya para pumila papasok. Agad namang may pumila sa likod niya kaya hindi na siya nakatakas.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. “Takot ka noh?” pangaasar ko.
“Hindi ah.” Sagot niya pero halata sa mukha niya na kinakabahan siya.
“Hindi ka takot pero ang higpit ng hawak mo sa’kin at pinagpapawisan pa yang kamay mo.”
Binitawan niya ang kamay ko at tapang tapangan siyang pumasok sa loob. Hindi muna ako sumunod agad para gulatin sya.
“Bulaga!”
“aaahhh!” sigaw niya at nagtatatakbo siya palayo sa’kin. Hahaha! Hindi pala takot ah.
“Ahhh!” sigaw niya ulit. Tumakbo na rin ako para sundan siya. Baka bigla yun atakihin ng asthma, kasalanan ko pa. haha!
“Aaahhhh!” narinig kong sigaw niya at natawa ako. “Wife!”
Hindi ako sumagot at sinundan ko lang kung saan nanggaling yung boses niya. Nakatalikod siya sa’kin kaya hindi niya agad napansin na nandito ako.
“Wife?”
Lumapit ako at hinawakan ko ang kamay niya.
“Aahh!” sigaw niya. Aalisin niya sana ang kamay ko pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya. Jusko! Gwapo nga, takot naman sa multo.
“Hawakan mong maigi kamay ko. Wag kang bibitiw, okay?” sabi ko at humigpit na rin ang hawak niya sa’kin.
“Basta hindi mo ko bibitawan.” Sagot niya.
Bigla akong tumakbo at sumigaw siya. Hahaha! Bakla ba ‘to?
Paglabas namin sa horror house ay hingal na hingal siya pero bigla siyang tumawa. “ang saya!” sabi niya. Hala! Kanina takot na takot tapos ngayon sasabihin niyang masaya. Baliw na ‘tong lalaking to.
Papunta na sana kami sa malaking Ferris Wheel nang magring ang phone ko.
“Wren?”
“Ye..” sagot niya.
“Umiiyak ka ba?” narinig ko kasi na parang humihikbi siya pero hindi siya sumagot
“Okay ka lang?” tanong ko ulit. Hindi ulit siya sumagot.
“Wren!” sigaw ko.
“Ye, pwede mo ba ko samahan?” tanong niya habang umiiyak.
Di ba talaga siya nagsasawa sa kaiiyak niya?
Tumingin ako kay Taehyung na kanina pa nakatitig sa’kin. “Pupuntahan ko si Wren.”
“Hindi ba pwedeng akin ka lang muna ngayon?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/15034920-288-k400524.jpg)
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."