Ayesha’s POV
Good morning! Alam mo yung feeling na pagmulat pa lang ng mga mata mo eh nakangiti ka na? Ganun ako ngayon. Ang saya saya. Tapos text pa niya agad ang nabasa ko edi biglang naging times ten yung saya ko.
Kahit simpleng “Good morning WIFE. See you later. 😉” lang yun kinikilig pa rin ako. Eh kasi WIFE daw oh! At saka ikaw kaya maka-receive ng ganung text from Kim Taehyung ewan ko lang kung di ka kiligin.
Pag punta ko sa kusina ay inabutan ko si Pula na kumakain ng breakfast. Ham and egg.
“Nasan yung sa'kin?” tanong ko. Wala kasi akong makitang breakfast na para sa’kin.
Hindi niya pinansin yung tanong ko at pinagpatuloy lang ang pagkain.
“Hindi mo ko ipinagluto?” obvious naman Yesh. Kitang kita oh, pagkain niya lang yan. Bulag ka?
“Dun ka magpaluto sa ka-date mo kagabi!” sagot niya. Tumayo siya at iniligpit yung pinagkainan niya saka nagwalk out.
Aba! Ang lakas ng loob nun layasan ang kagandahan ko ah. Anong problema ng Pulang yun? Bakit bigla na lang naninigaw? Nagtatanong lang naman ako eh.
“Tsk! May dalaw na naman yung Pulang masungit.”
Kendralicious Calling…
Bakit kaya tumatawag tong gagang to? Ang aga mang-istorbo ah. Bago pa ko makapag-hello ay nauna na siya magsalita.
Kendra: Bru, I need your help.
Me: Wala kong pera.
Kendra: Gaga! Kelan ba ko umutang sa'yo? Ikaw pa nga tong lagi nagpapalibre sa’kin.
Tsk. Edi siya na mayaman at ako na yung poorita na lagi nagpapalibre.
Me: Eh anong kailangan mo?
Kendra: Kasi si Wren…
Me: Ano? Pinagpalit ka na?
Kendra: Aray! Bakit nga ba ikaw pa tinawagan ko?
Me: Kasi maganda ako.
Kendra: Mas maganda pa rin ako. Seryoso na kasi bru, naguguluhan ako kay Wren. Nakita mo naman yung kulot na salot na kasama niya kahapon diba? Mas maganda naman ako dun. Tapos kung ipakilala niya eh special someone pa daw. Girlfriend niya ko bru, bakit may iba pang special someone?
Huminga ko ng malalim habang pinapakinggan ang mga reklamo niya sa buhay.
Me: Ikaw din naman diba? May Wren na tapos may Gon pa.
Kendra: Iba naman yun eh. Alam naman niya yung tungkol kay Gon. Bakit hindi ko alam yung tungkol dun sa kulot na yun?
Me: Pareho lang yun. Pareho lang kayong baliw. Ewan ko sa inyong dalawa. Hindi kayo makuntento sa isa. Maghiwalay na nga lang kayo kesa yung ganyan na naglolokohan kayo.
Naloloka na kasi ako sa kanilang dalawa. Pareho ko silang kaibigan kaya ayokong nagkakaganyan sila. Niloloko lang nila ang isa’t isa pati sarili nila.
Kendra: Di mo kasi maintindihan eh. Mahal ko si Wren bru!
Me: yun naman pala eh! Mahal mo naman pala bakit di pa iwan si Gon? Ano mahal mo rin si Gon? Hindi pwede yun bru, kailangan may mas mahal ka dahil hndi pwedeng pantay ang nararamdaman mo sa kanila.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi siya nakapag-salita agad. Impyernes medyo hiningal ang beauty ko sa lintanya kong yun.
Kendra: Mag-usap na lang ulit tayo pag hindi na ko masyado naguguluhan bru. Sorry pati ikaw nai-stress sa’min. Di bale, bagay naman sayo eh.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Подростковая литература"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."