Chapter 30 - One Time

4K 101 8
                                    

“Akala ko hindi ka pupunta? Sabi na hindi mo matitiis kagwapuhan ko eh. Hindi mo palalagpasin ang pagkakataon na makita ang gwapo kong mukha.”

Kapapasok ko pa lang ng room ay sinalubong na agad ako ng hanging taglay ni Kean. Sa dami ng pwedeng sumalubong sa’kin bakit siya pa? Lord, nakagawa po ba ako ng kasalanan at parusa kaagad ang nadatnan ko?

“Galingan mo mamaya, ah.” Bulong niya at tinapik ako sa likod.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Baka bumilib ka kapag pinakitaan kita ng talent ko.” Sabi ko at nilagpasan na siya.

Tignan mo nga naman oh. Nahagip kaagad ng mata ko si Taehyung na nakikipaglandian sa fiancé ng kuya niya. May pahawak hawak pa ng kamay na nalalaman. Tsk! Putulin ko yang kamay ninyo eh.

“Bru, akala ko di ka pupunta?” nilingon ko si Kendra na naka-upo katabi si Gon.

Nanlaki ang mata ko at tumingin ako sa direksyon ni Kean. Nasisiraan na ba ng bait ang babaeng to? Alam niyang nandito si Kean na kapatid ni Wren na tinu-two time niya tapos magpapakita siyang kasama si Gon.

Lumapit ako agad sa kanya. Mamaya ko na haharapin si Taehyung. Kakalbuhin ko muna tong babaita kong bestfriend. Hindi naman sa kinukunsinti ko ang kalandian niya pero ayokong mag-away sila ni Wren. Syempre team Wren pa rin ako.

“Nababaliw ka na ba?” bulong ko sa kanya.

“Bakit?” Kendra.

“Hiramin ko muna si Kendra ah.” Paalam ko kay Gon at lumayo kami.

“Alam mong nandyan si Kean tapos sinama mo pa talaga dito si Gon. Paano kapag sinumbong ka ng hambog na yun?” hindi ba niya naisip yun? Tsk.

“Alam naman niya eh.” Sagot niya.

“Ano?! Alam ni Wren na pinagsasabay mo sila ni Gon?!” di ko mapigilang di mapalakas ang boses.

Alam talaga ni Wren? Ang tanga naman nung bulol na yun. Bakit siya pumayag? Haay! Lalo tuloy ako nai-stress sa love life ng dalawang to.

Tumango si Kendra.

“Eh si Gon alam ba niya?”

Umiling siya.

“Wag kang maingay, okay?” sabay kindat sa'kin.

“KENDRA!” kainis to. Hindi ba niya naisip na may masasaktan sa ginagawa niya? In the end kailangan niyang mamili kung sino sa dalawa ang mas gusto niya at siguradong masasaktan yung hindi mapipili. Baka mamaya niyan siya pa yung masaktan bandang huli.

Ikaw din Yesh, kailangan mo mamili kung sino ang pupuntahan mo mamaya. Sabi ko sa sarili nang maalala ko na naman yung kailangan kong gawin mamaya.

“Sorry, bru. Ang hirap kasi talaga mag-decide eh. Sa ngayon tinitimbang ko pa kung sino ang mas mabigat sa dalawa. Sana naiintindihan mo.” Ngumiti siya na parang sinasabing ‘intindihin mo na lang ako’.

I sighed.

“Pasalamat ka kaibigan kita. Pero hindi kita kinukunsinti ah! Basta kung ano man ang outcome niyan wag mo kalimutan na nandito lang ako handang tawanan ka sa resulta ng katangahan mo.” Tumawa ako.

Wag ninyong masamain yung sinabi ko. Naiintindihan na yan ni Kendra na ang ibig ko talagang sabihin eh nandito lang ako para sa kanya.

“Wow! Salamat ha! If ever magtatalon ka pa habang tumatawa para damang dama!” Tumawa rin siya. Sabi sainyo nagkaka intindihan kami eh.

Bumalik na siya sa tabi ni Gon at inasikaso ko na ang dapat kong asikasuhin. Ang aking boyfriend na hindi ata ramdam ang existence ko dahil busy busyhan siya sa bestfriend niya.

Napansin niya lang ako nung umupo ako sa tabi niya.

“Nandito ka na pala.” Taehyung. Tumigil na rin siya sa pakikipag harutan. Buti naman.

“Kanina pa. Ilang beses na nga ko dumaan sa harap mo hindi mo pa ko napansin.” Nag-cross arms ako. Ganyan ba talaga siya kapag kalandian niya si Keziah, hindi niya napapansin yung mga tao sa paligid.

“Daan ka ulit. Promise mapapansin na kita.” Taehyung.

Tinignan ko siya nang masama. Yung nakamamatay na tingin. Ganun.

“Joke lang.” nagpeace sign siya. “Alam kong kanina ka pa nandito kinausap mo pa nga si Kendra diba, at yung mayabang na lalaki dun.” Nginuso niya si Kean na nasa harapan kausap si Briel.

“Eh, bakit di mo ko pinansin nung dumaan ako sa harap mo?” nakita niya naman pala ako eh.

Tumingin siya kay Kean. “Anong pinagusapan ninyo nung mayabang na yun?”

“Guys, ready na ba kayong lahat? Warm up na tayo? Since nandito na yung hinihintay ko.” Biglang nagsalita si Kean. Nakatingin siya sa may gawi ni Kendra at tumingin sa may pinto ng room.

Pati tuloy kami napatingin sa may pinto. May pumasok na isang lalaking blonde ang buhok at may kasamang kulot na girl na hanggang balikat niya ang height.

Napatayo bigla si Kendra.

Yan na nga bang sinasabi ko eh. Nasapok ko ang noo ko.

Sino ba yang babaeng kasama ni Wren? In fairness ah, bagay sila. At bagay din sa kanya yung bago niyang hairstyle. Buti at nagsawa na siya sa buhok niyang rainbow.

“Maybe you already know my brother Wren. He’s going to be my assistant. And this is Sofia, his…” tumingin si Kean kay Wren na parang tinatanong kung anong sasabihin niya pagpapakilala kay Sofia.

“Someone special.” Si Wren ang sumagot habang nakatingin siya kay Kendra.

Someone special? Tinignan ko si Kendra na parang nanlalambot na napaupo sa sinabi ni Wren. Ano bang nangyayari sa dalawang to? Sila na diba? Tapos may iba pa silang karelasyon. Aba’y matinde!

💚💚💚

Unang itinuro nina Kean at Wren yung mga basic sa pagsayaw. Bago yun ay hinati muna kami sa dalawang group. Yung isang group si Kean ang magtuturo tapos yung isa naman kay Wren. Syempre pinili ko magpaturo kay Wren kesa kay Kean.

Balak pa nga sana ni Kean na ilagay ako sa group niya sinaway lang siya ni Wren. Haha.

Pagtapos ng lintik na workshop ay umuwi agad ako sa bahay para mag-pahinga at makapagready sa date ko mamaya. Alam ko na kung sino ang pupuntahan ko. Sana lang tama yung desisyon ko.

Ano kayang magandang isuot? Ano bang bagay na attire para sa dinner date?

Habang naghahanap ako ng maisusuot ay nakita ko yung panyo ni Jairus na hindi ko pa naisasauli sa kanya. Kinuha ko ito. Haay.

Eh?

Inilapit ko pa sa mata ko yung panyo nung may napansin akong naka embroid na letters dito. KS. Saan ko nga ba nakita yung initials na to?

KS?

Lumapit ako sa study table ko at hinanap yung mga notes na natanggap ko from someone. Kung hindi ako nagkakamali, KS din yung initials nung sender.

“KS. Si Jairus si KS?”

May naalala ako bigla. KS din yung naka-save na pangalan ni jairus sa phone ni Kendra. Hindi kaya alam ni Kendra na si Jairus at KS ay iisa?

Pero bakit? Bakit niya ko pinapadalhan ng notes? May kinalaman ba to kung bakit niya ko gustong maka-date? May gusto ba siya sa'kin?

Hindi. Malabong magkagusto sakin si Jairus. Si Keziah ang gusto niya. At engaged na sila kaya malabo talaga.

Inilagay ko sa bag ko yung panyo at nagsimula na ko mag-ayos ng sarili.

💚💚💚

“Manong, saglit lang. U-Turn po tayo.” Sabi ko sa driver ng taxi nung malapit na kami sa lugar na napili kong puntahan. Bigla kasing nagbago ang isip ko.

Parang may nagsasabi sa’kin na puntahan ko yung isa. Hindi kasi ako mapakali. Siguro naman mapapanatag ang kalooban ko kapag pinuntahan ko siya.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon