“Kaya mo ba?” tanong ko. Para kasing hirap na hirap siya sa pagtayo kaya inalalayan ko na siya.
“Let’s take a cab. Hindi ko na kayang mag-drive.” sagot niya.
Tama. Sa itsura niyang yan mukhang hindi nga siya makakapag-drive.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Dadalhin ko sana siya sa ospital pero sabi niya wag na raw. Malayo naman daw sa bituka. Gamutin ko na lang daw siya sa bahay namin. Ayaw niya sa bahay nila.
Bakit ba hindi ko naisip magtaxi na lang kanina? Eh babayaran ko rin naman pagdating ko sa bahay? Haay! Umiral na naman ang katangahan ko. Napahamak pa tuloy si Taehyung. Buti na lang at nakita niya ko dahil kung hindi baka pinagpipyestahan na ko ng mga adik na yun ngayon.
Isinandal ko sa balikat ko ang ulo ni Taehyung at hinawakan siya sa pisngi.
“Paano pala yung sasakyan mo?” naalala ko kasi baka iniwan niya yun kung saan. Baka manakawan pa.
“Ipapakuha ko na lang.”
May tinawagan siya at inutusan niyang kunin ang sasakyan niya dun sa pinagiwanan niya.
Pagdating namin sa bahay ay dinala ko siya sa kwarto ko para makahiga siya nang maayos. Bumaba muna ako para kumuha ng yelo at first aid kit para magamot ang sugat at pasa niya.
Kawawa naman ang Hub ko. Nagalusan na ang gwapo niyang mukha. Hindi ko mapapatawad yung mga panget na gumawa nito sa kanya.
“May kasama ka sa kwarto?”
Nagulat ako nang biglang nagsalita si Pula sa likuran ko.
“Dito matutulog yung boyfriend mong payatot?” Pula.
“Ano bang paki mo?” bumalik na ako sa kwarto.
Nakakainis yung Pula na yun. Akala mo tatay ko kung makapagtanong. Ano naman sa kanya kung dito matutulog si Taehyung? Wala naman kami gagawing masama eh.
“Ouch. Dahan dahan.” Reklamo ni Taehyung habang ginagamot ko ang galos niya.
Siya na nga tong tinutulungan, nagrereklamo pa. Eh kung pumayag sana siyang magpadala sa ospital edi nagamot pa sana ng tama yang sugat niya.
“Bakit ba kasi nakipagbugbugan ka doon?”
“Alangan namang pabayaan na lang kita?! Hindi ko hahayaang gawin nila yung kung ano mang kagaguhang binabalak nila sa’yo!” galit na sagot niya.
“Eh bakit ka nagagalit?!”
“Sino bang hindi magagalit sa ginawa mo?! Muntik ka na mapahamak, Felice! Ano bang pumasok dyan sa utak mo at naisipan mong maglakad nang ganitong oras?! At saan ka ba galing ha?! Kung saan saan kita hinanap!”
“Eh wala akong pera eh. Nasa sasakyan mo yung gamit ko kaya naisipan kong maglakad na lang.” Pagdadahilan ko.
“Tangina naman eh! Dapat nagtaxi ka na lang. Alam mong gabi na at malayo ang bahay ninyo!”
Nabugbog na siya sa lagay na yan pero may lakas pa rin siyang magalit. Paano na lang kaya kung nasa tamang kundisyon siya? Baka ibitin ako nito ng patiwarik sa katangahan ko.
“Aish. Wag kang iiyak. Kasalanan mo rin naman eh. Alam mo naman na delikado maglakad mag-isa sa gabi lalo at babae ka pa.” naging mahinahon bigla ang boses niya. Ang bipolar talaga nito.
May pumatak na luha sa mata ko. Waah! Bakit ba ko umiiyak? Bakit ba kasi siya nagagalit? Naiiyak tuloy ako.
“Kasasabi ko lang eh. Ssshhh. Uljima, gwaenchana (Don’t cry, it’s okay).” Taehyung. Pinunasan niya ang luha ko.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Подростковая литература"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."