Monday. Oh, how I love Monday. Di ko pa nga naeenjoy ang weekend tapos Monday na naman agad. Kaiyak.
"Yesha, pwede ba 'kong humingi ng pabor, nak?" tanong ni Nay Yoleng habang kumakain ako ng almusal.
"Oo naman, nay. Kaw pa, lakas mo sakin eh." Sagot ko.
"Tumawag kasi yung kapatid ko sa probinsya, dito na raw kasi sa Maynila mag-aaral yung anak niya. Baka pwedeng dito na muna siya tumuloy? Nakausap ko na rin naman ang mama mo."
"Sige po, Nay. Wala pong problema." Sagot ko at tinuloy ko na ang pagkain.
"Salamat, 'nak. Tatawagan ko na muna yung pamangkin ko." Paalam niya.
💚💚💚
JAIRUS BYUN AND KEZIAH LEE GOT ENGAGED.
Yan ang balita ngayon sa buong Galaxy University. Bilis talaga ng balita. Eh nung Friday lang yun nangyari. Pero di na rin ako magtataka, malamang karamihan sa nandon sa party ay taga Galaxy kaya mabilis kumalat ang balita.
"Omo, Bru! Engaged na pala sina Jairus at Keziah. Kaya pala di ko na sila nakikita magkasama ni Calix." Yan ang bungad sa'kin ni Kendra pag pasok niya sa room.
Himala. Wala ata yung mga panira sa araw ko?
"Bago tayo magkalimutan, Ayesha Felice Middleton. Paano naging kayo ni Calix, ha?" ayan na naman po siya. She's been asking that since forever.
"He asked me to be his girlfriend and I said yes." walang ganang sagot ko.
"Ganun kadali? Ikaw pa ba? E mas bitter ka pa sa ampalaya pagdating sa ganyan. Kung alam ko lang na isang Calix Byun lang pala katapat ng kabitteran mo edi sana matagal na ko gumawa ng paraan para magkakilala kayo."
"Whatever, Kendra Lopez." Sabi ko at as usual, walk out na naman ako.
Pumunta na lang ako sa favorite place ko dito sa Galaxy. Ang EXO planet. Ganun talaga pangalan ng mga room dito dito kasi nga Galaxy diba. May BTS planet, BtoB planet, SoShi planet, at iba pa. Meron pa ngang SHINee World e. Ang cool ng Galaxy, noh?
Dito sa EXO planet, wala masyadong pumupunta. Isolated kasi 'tong lugar na 'to. Ako nga lang ata ang nagtatyaga pumunta dito.
Kinuha ko yung gitara na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Para kasing music room 'tong EXO Planet. Dito pwede kang magwala kasi walang makakarinig sa'yo.
Umupo ako sa lamesa at nag-strum. Pero huminto rin ako dahil 'di naman ako marunong mag-gitara. Trip ko lang i-strum.
Pumunta ko sa favorite spot ko sa EXO planet. Ang Jongin's arms, kung saan may malaking couch na masarap tulugan.
Bawat sulok ng EXO Planet ay may pangalan. Hindi ako ang nagpangalan nun. Nakita ko lang na may mga naka-sulat. Di ko na iisa isahin.
Haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon
Haruman neowa naega sonjabeul su itdamyeon
Haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon
Haruman (haruman)
Neowa naega hamkkehal su itdamyeonNagising ako dahil may narinig akong kumakanta. Actually, sa sobrang boring ng buhay ko wala na akong ginawa kundi ang matulog.
Yung boses ang hot. Ang manly. Ang sarap pakinggan kahit di ko maintindihan yung kanta.
Bumangon ako para tignan kung sino yung kumakanta. Pamilyar kasi yung boses.
"Calix?"
Nagulat siya tapos biglang tumawa.
"What are you doing here? Haha." Tumatawang tanong niya. Baliw na ata 'to.
"Natutulog. Ikaw anong ginagawa mo rito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/15034920-288-k400524.jpg)
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Ficção Adolescente"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."