Chapter 49 - Alone

3K 87 9
                                    

Ayesha’s POV

Alam mo yung ang bigat ng nararamdaman mo tapos wala kang mapaglabasan ng sama ng loob. Ang hirap eh. Ang sakit sa lalamunan lumunok pero ayaw naman bumagsak ng mga luha mo.

Kahit tirik na tirik ang araw ay nandito ako sa sea side. Nakaupo mag-isa at nakatingin sa kawalan. Ngayong kailangan ko ng kaibigan saka naman sila wala. Yung kaisa isang kaibigan na akala ko hindi aalis e umalis din. Sino kakausapin ko ngayon? Kanino ako maglalabas ng sama ng loob sa ginawa ng boyfriend ko?

Haay. Parepareho lang silang mga lalaki. Mga manloloko. Makakita lang ng ibang lalandiin iiwan na kaagad ang girlfriend. Sana lahat na lang ng lalaki katulad ni Wren na magwawala sa airport makausap lang yung taong mahal niya.

“Miss.”

Lumingon ako sa kumalabit sa’kin. May hawak siyang puting panyo at iniaabot sa’kin. Sa itsura niya ay isa rin siyang malanding nilalang na akala lahat ng babae e papatulan siya porket gwapo siya. Yun ang nakikita ko sa kanya.

“Mukha ba kong umiiyak?” mataray na tanong ko.

Kapag inabutan ng panyo umiiyak kaagad Yesh? Pero sa itsura niya kasi parang iyon ang gusto niyang iparating sa’kin. Na kailangan ko ng panyo para punasan ang luha ko na invisible naman.

“Nope. Pero sa itsura mo ngayon mukhang malapit na.” sagot niya.

Inirapan ko siya at tumingin na lang ulit sa malayo. Mas maganda pang view ang dagat kaysa sa kanya kahit gwapo siya.

“Iniwan ka ng boyfriend mo?” tanong niya

Bwiset. Hindi naman kami close tapos tanong ng tanong. Ihulog ko siya dito eh.

“By the way I’m L.” pakilala niya.

Hindi ko ulit pinansin. Ano naman ngayon kung siya si L? Ako naman si M! Tsk. Ang effort ng pangalan niya ah. Masyadong pinag isipan at mahirap bigkasin.

Natahimik siya.

“I can be your boyfriend for today.” Offer niya.

Muntik na akong magdive sa dagat dahil dun sa sinabi niya. Ang lakas ni koya ah. Makapagpresinta akala mo mas gwapo siya sa Taehyung ko. Haller. Oo gwapo siya pero wala nang mas gwapo pa sa lintik kong boyfriend kahit mukhang hikain yung malanding payatot na yun.

“Excuse me lang ha. Hindi ko kailangan ng boyfriend.”

“Kidding aside, I can be a friend.” Umupo siya sa tabi ko.

Friend? Tsk. Lahat ng friend ko nawawala, nasa ibang planeta. Iniwan ako tapos magppresinta kang maging friend ko. Push mo yan.

“Ayoko.”

“E gusto kita maging kaibigan.” L

“E ayoko.” Ako

“Wala ka sigurong kaibigan.” L

Natahimik ako sa sinabi niya. Wala akong kaibigan? Ouch. Feeling ko below the belt yung sinabi niya. Pero totoo naman eh, wala akong kaibigan. Umalis silang lahat at iniwan ako. Tapos yung boyfriend ko ayun naglalandi sa iba. Sinabihan ko lang na nakakasawa yung pagmumukha niya naghanap na kaagad ng iba tapos hindi na ako kilala. Leche!

“Ngayon pwede mo na to gamitin.” Sabi niya at iniabot ulit sa’kin yung panyo.

Bwisit. Naiyak ako nung sinabi niyang wala akong kaibigan. Kailangan ba ipamukha sa’kin yun? Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo niya at siningahan ko yun bago ko ibalik sa kanya.

“Salamat.” Sabi ko.

Nakangiwi naman niyang tinanggap yung panyo. Diring diri siya. Magpapahiram ng panyo tapos magiinarte.

“Bwisit ka, Kim Taehyung! Maghahanap ka na lang ng kalandian yung mukha pang paa!” bigla kong sigaw na ikinagulat ng katabi ko at nung iba pang tao sa paligid. Lahat sila napatingin sa’kin.

Kanina ko pa gustong gawin to. Ang isigaw ang nararamdaman ko tutal wala naman ang mga kaibigan ko na pwedeng makinig sa’kin so isisigaw ko na lang. Baka sakaling umabot sa London at Korea yung sigaw ko.

Napailing si L at bigla akong hinila patayo.

“Eskandalosa. Sumama ka sa’kin. May alam akong lugar kung saan pwede mo isigaw lahat ng hinanakit mo sa buhay.” sabi niya.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hindi naman siya mukhang kidnaper o ano eh. Mukha naman siyang mabuting mamayan ng Pilipinas na hangad lang makatulong sa kapwa.

Dinala niya ako sa isang lugar na malayo sa kabihasnan as in walang masyadong building. Isang malaking bahay na napaliligiran ng glass wall na binakuran at binabantayan ng isang panot na mamang guard ang pinagdalhan niya sa’kin.

“Uy, binata na si Leru.” bungad sa’min ni L. este…

Napatingin ako sa katabi ko tapos dun sa sumalubong sa’min. Potek. Bakit dalawa ang L?

“Isang tawag mo pa sa’kin ng Leru makakatikim ka na sa’kin N.” banta niya dun sa lalaki.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo Neru nga ang itawag mo sa’kin hindi N.” reklamo nung isa.

Feeling ko pinapanood ko ngayon si L na kinakausap ang sarili niya sa salamin. Waah! Kambal sila! Ngayon ko lang narealize.

“Si Ethan?” tanong ni L.

“Tulog. Girlfriend mo yan kambal? Ang ganda ah.” N o Neru

Hindi niya pinansin yung sinabi ni N at dinala ako sa isang malaking garahe na punong puno ng mamahaling sasakyan. Lumapit siya sa isang black na audi at pinasakay niya ako.

Ngayon ko lang napansin, may race track pala sa loob. Ang cool.

“Seatbelt.” Utos niya.

May pinindot siya tapos dahan dahang bumaba ang hood ng sasakyan. Syemay. Ilang beses ba ko mapapasabi ng ‘ang cool’ dito sa lugar na ‘to?

“Isigaw mo lahat ng gusto mong isigaw habang umaandar tayo.” Naglean siya at parang may kinukuha sa bandang gilid ko. Isa pang seatbelt. Ikinabit niya rin yun sa’kin para mas secured daw ako.

“Ready?” tanong niya.

Tumango ako at napatili na lang ako. Hindi niya ko ininform na paliliparin niya pala tong lintik na sasakyan na ‘to. Humiwalay pa ata ang kaluluwa ko dun. Kapag ako nakunan kailangan mo ko tulungan gumawa ng bago. Chos!

Habang tumatagal ay nageenjoy ako sa sasakyan. Ang sarap ng hangin. Ang sarap sa feeling. Nagsimula akong sumigaw ng kung anong maisipan ko. Ilang beses kong minura ang malanding si Taehyung. Hindi ko rin pinalagpas ang pagkakataon na isigaw lahat ng sama ng loob ko sa pangiiwan sa’kin ng mga kaibigan ko. Nung nagsawa ako ay itinaas ko ang kamay ko. Feeling ko nasa roller coaster ride ako. Ang saya!

💚💚💚

Hindi na ko nagpahatid sa kanya sa bahay kahit gusto niya. Nakakahiya naman. Nagpahatid na lang ako sa pinakamalapit na bus stop.

Pagdating ko sa bahay ay diretso na ko sa kwarto at naligo. Nakakapagod yung ginawa namin. Sabi ni L ganun daw ang ginagawa niya para mawala ang stress niya sa katawan. Yung pinagdalhan niya raw sa'kin ay hide out ng team nila. Member siya ng isang race team na tinatawag niyang IR. Hindi ko naitanong ang ibig sabihin.

Bago ako matulog ay tinitigan ko muna ang phone ko. Wala man lang nagtetext sa’kin. Lalo na yung Taehyung na yun. Wala ba siyang balak magsorry sa pambababae niya? Magiging okay naman kami basta mag-explain at magsorry lang siya eh. Kung ayaw mo ko itext hindi rin kita itetext!

Dumapa ako sa kama at niyakap ko si Tae Tae at saka ako umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon