Red’s POV
“Oh saan ka pupunta, Balong?” tanong ni Nanay Yoleng nang makita niya akong palabas ng kwarto. Nakabihis ako ng pang-alis kaya siguro niya natanong kung saan ako pupunta.
“Sa Galaxy, Nay.” Nanay din ang nakasanayan kong itawag sa kanya dahil yun ang gusto niya. Ewan ko ba.
Nagpatawag na naman ng meeting yung President ng Bangtan. Meeting kahapon tapos meeting na naman ngayon. Ang sabi lang selected members lang ang pinatawag ngayon at isa ako doon.
Nandun din kaya si Yesha? Buti pa yon kahit hindi nag-audition pasok agad. Samantalang ako kinailangan ko pa kumanta sa harap ng maraming tao para lang makapasok. Sanay naman ako mag-perform sa harap ng audience dahil may banda ako sa probinsya.
Nakasarado na ang pinto nang makarating ako sa room ng Bangtan. Aalis na sana ako pero may magandang babae na nagbukas ng pinto. Nakasuot ito ng puting dress na halos kakulay na ng balat niya. Akala ko noong una ay nakakita ako ng anghel na bumaba sa lupa. Hihintayin ko pa sanang maglabas siya ng pakpak kaso nagsalita siya.
“You’re Red Castro, right?” tanong nito. Muntik na akong matulala sa ganda niya, buti na lang at nakabawi ako kaagad.
Tumango lang ako na parang walang pakialam kagaya ng ginagawa ko sa harap ng ibang tao.
Siya yung babaeng kasama nung hilaw na boyfriend ni Yesha noong araw na nagpasa kami ng form. Ano kayang pangalan niya?
“Come in.” ngumiti ito at natangay ako kaya napangiti rin ako. She’s one of the few persons who had made me smile.
Hinanap ko agad si Yesha nang makapasok ako. Nandon siya at naka-upo sa tabi nung boyfriend niya, kasama rin nila si Kendra at may kasama pa silang lalaki na rainbow ang buhok.
(Wren Henry Garcia, ang lalaking parrot)
Nandito rin yung dalawa naming kaklase na tagahanga ni Yesha. Si Kahel at Briel. Sila lang ang kilala ko. Meron pang tatlong estudyante pero hindi ko sila kilala.
“Pula!” kinawayan ako ni Yesha at sumenyas na lapitan ko sila.
I hesitated. Ayokong lumapit sa kanya kapag nandyan ang boyfriend niya. Ayokong nakikita siyang may ibang lalaking kasama. Ayoko. Naiinis ako. Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.
Naglakad ako papunta sa direksyon nila pero nilagpasan ko sila. Damn. Umupo ako malapit kay Kahel.
Tumingin ako kay Yesha na nakatingin din sa'kin. Ang sama ng tingin niya sakin kaya nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na walang pakialam. This is how I am. I care less. I act cold.
💚💚💚
Ayesha’s POV
“Pula!” tinawag ko si Pula na kapapasok lang ng room. Isa rin pala siya sa selected members na ipinatawag. Hindi ko alam na nakapasa siya sa audtition, hindi ko siya napanood.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."