Epilogue

8.1K 183 39
                                    

Mahabang panahon man ang hinintay ko ay hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay masaya ako sa naging desisyon ko.

"Ayan na si Engineer." kinalabit ako ni Liza.

Nakasubsob kasi ang ulo ko sa desk. Inaantok talaga ako. Wala rin naman kasi ako masyadong ginagawa ngayon dito sa office.

Tinignan ko si Wren na nakangiting naglalakad palapit sa'kin. Araw ng date namin ngayon. Once a month kasi ay lumalabas kaming dalawa para mag-date. Pero friendly date lang at may curfew ako. Kailangan before 8 ay nasa bahay na ko dahil kung hindi ay hindi ako patutulugin ng magaling kong asawa. Buti nga at pumapayag siya na magdate kami ni Wren dahil malaki raw ang utang na loob niya rito.

"Wren, next time na lang tayo magdate. Ang sama ng pakiramdam ko." Sabi ko habang naglalakad kami.

Hindi naman ganoon kasama ang pakiramdam ko pero inaantok kasi talaga ko. Gusto ko na humiga sa kama at matulog nang mahimbing.

"Sige. Basta may utang kang date sa'kin. May pupuntahan rin kasi ako ngayon. Hahatid na lang kita sa bahay ninyo."

Tumango na lang ako at natulog hanggang sa makarating kami sa bahay na ipinatayo ni Taehyung na ako mismo ang nagdesign. Kaya pala ang arte arte niya noon kasi ang gusto niya ay yung bahay na siguradong babagay sakin. Ang daming alam.

"Hindi ka na ba papasok sa loob?" tanong ko kay Wren.

"Hindi na. Baka mahuli pa ko sa pupuntahan ko."

Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako sa loob. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay dinig na dinig ko na ang malakas na music. Talagang yung bagong kanta pa nila Pula ang pinatutugtog niya.

Nakita ko kaagad si Taehyung na isinasayaw si Cali. Napangiti ako. Ang kulit lang panoorin. Feel na feel niya ang pagsasayaw kaya medyo nagulat siya nang makita niya ako paglingon niya. Tumawa siya at hinawakan ang maliit na kamay ni Cali para pakawayin sa'kin.

"Baby, nandito na si eomma." he said and Cali giggled.

Lumapit ako sa kanila. Hinalikan ako ni Taehyung sa labi.

"Hi baby. Ang galing ninyo magsayaw ni appa, ano?" sabi ko habang kinukuha ko si Cali.

Calila Fae is our little angel. She's one year old. Ayoko na ikwento kung anong hirap ang dinanas ko noong ipinanganak ko siya dahil juice colored. Lahat ata ng Santong kilala ko ay natawag ko nung oras na 'yon at hindi rin nakaligtas sa pagmumura ko si Taehyung.

Pagkatapos namin noon mag-usap sa resort ay nagkaayos din naman kami. Naging awkward pa kami noong una pero after ng ilang linggo ay naging okay na rin ang lahat. Nagpakasal din kami kaagad noong 28th birthday ko dahil baka abutin na naman daw kami ng sampung taon kung hindi kami magpapakasal kaagad.

Napamura na lang siya noong gabi ng honeymoon namin nang matuklasan niyang virgin pa rin ako. Ang sabi raw kasi ni Wren ay nakuha na niya ako kahit hindi pa. Malamang sinabi iyon ni Wren para pagselosin siya nang bongga. At dahil nga nalaman niya kung paano ako iginalang ni Wren noon ay malaki rin ang tiwala niya rito ngayon.

"Mabuti naman at hindi kayo lumabas ni Wren ngayon."

Umupo ako sa couch karga si Cali at sumunod siya. Umupo siya sa tabi namin. Inakbayan niya ako at inamoy ang buhok ko. Ang adik nito. Ilang araw ko na napapansin na maya't maya ay inaamoy niya ang buhok ko pag may pagkakataon.

"Inaantok kasi ako." sagot ko habang nilalaro ang kamay ni Cali.

"Naka-isang round lang naman tayo kagabi ah kaya maaga tayo natulog. Bakit ka inaantok ngayon?"

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakakahiya talaga 'tong lalaking 'to. Paano kapag narinig siya ng kasambahay namin? Nakakahiya.

"Ang ingay mo. Nakakahiya." Sita ko sa kanya.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon