Chapter 17 - Hot and Cold

4.6K 123 5
                                    

Kasama ni Taehyung si Briel pagpasok ko sa room 201. Naka-higa siya at mukhang bagong gising.

“Anyare sa'yo?” tanong ko at lumapit sa kanya.

“Kamusta katawan mo? Masakit pa?” tanong din niya sa'kin.

Umiling ako. Hindi na ito kasing sakit nang kanina. Nilagyan ko rin kasi ng ointment bago ako natulog.

“Namumula mukha mo.” puna niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Inalis ko ang kamay niya. Masakit din pala yung sampal ni Keziah. Kaya siguro namula mukha ko. Nako! Humanda talaga sa'kin yunh babaeng yun.

“Wala to. Eh ano nga kasi nangyari sayo?” tanong ko ulit.

Mukhang wala siyang balak sumagot kaya si Briel na ang sumagot para sa kanya.

“Nahimatay siya kanina, baby.” Briel. Lakas talaga maka-baby nito kahit kailan.

“Baby who?!” tanong sa kanya ni Taehyung na matalim ang tingin sa kanya.

Biglang nag-iwas ng tingin si Briel at pasimpleng lumabas ng kwarto habang sumisipol. Haha. Akala mo ah.

“Selos?” tanong ko.

“No way.” Taehyung. Bigla siyang tumalikod ng higa para hindi ko makita ang mukha niyang nagseselos. Haha.

“Uy, Taehyung! Bakit ka nga nahimatay kanina?” tanong ko.

Naka-isip na naman ako ng kabaliwan dahil hindi niya sinasagot ang tanong ko.

“Siguro, naisip mo pa rin yung kiss noh kaya ka nahimatay? Hindi mo kinaya ang kilig. Haha.” Pang-aasar ko. Natatawa na lang ako sa naiisip ko. Paano nga kaya kung yun nga ang dahilan? Grabe nemen.

Syempre affected pa rin ako sa kiss. Pero move on din, diba? Baka hindi yun sinasadya. Naakit lang siya sa kissable lips ko. Naiintindihan ko siya.

“Uy!” sinundot ko ang tagiliran niya.

“What?” humarap din siya sa'kin sa wakas

“Bakit ka nga kasi nahimatay?”

“Wala.”

“Weh? Nahimatay nang walang dahilan?”

“Aish! Mainit kaya ako nahimatay.” Naiinis na sagot nito. Sabagay, summer kasi kaya matindi ang init. Kahit naman siguro ako hihimatayin din pag ganun.

Pero kasi…

“Akala ko dahil sa kiss…” napatakip ako sa bibig ko.

Waah!

Bobita! Anong pinagsasabi ko?

Napansin kong namula siya at tumalikod ulit. Tumalikod din ako ng upo sa kamang hinihigaan niya. Awkward!

Hindi pa ako nakuntento at lumipat ako sa kabilang kama. Gosh! Ano na naman ba kasing pinagsasabi ko? Ito talagang bibig kong 'to. Nako!

Natigil ako sa pagsampal sa bibig ko nang may kumatok at pumasok si Jairus.

“Taehyung-ah, gwaenchana?” tanong nito sa nakababatang kapatid.

Lumapit ito kay Taehyung at inabutan ito ng tubig.

“Ne (yes). Gwaenchana.” Umupo si Taehyung at ininuman yung tubig.

Nakaneks. Ang sweet ng magkapatid kahit step brothers lang sila. Sana may ate rin ako na pwedeng mag-alaga sa'kin.

“Yesh, I’m sorry about that. Keziah told me what she did to you. I’m really sorry.” sabi ni Jairus sa'kin.

Bakit siya ang nagsosorry? Hindi ba dapat yung Keziah na yun ang mag-sorry sa'kin? Nananampal nang walang dahilan. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa mga gaya niya.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon