Chapter 55 - Sometimes Love Ain't Enough

3K 86 7
                                    

“Ipainom niyo na lang sa kanya ‘tong gamot kapag nagkamalay na siya.” Sabi ng doktor.

Dito na namin dinala sa bahay nila si Wren at nagpatawag na lang ng doctor si Kean. Nakapagpalit na rin ako ng damit dahil pati ako ay basang basa kanina. Damit ni Wren ang ginamit ko.

“Kuha lang ako ng pagkain. Wag ka magalala, hindi ko lalagyan ng gayuma dahil baka lalong lumakas ang tama mo sa’kin.” Paalam ni Kean at lumabas na siya ng kwarto.

Ang kapal talaga ng mukha! Kung hindi lang ako gutom hindi ko kakainin yung ihahanda niyang pagkain.

Hinawakan ko ang kamay ni Wren. “Wren naman eh. Alam ko mahal mo si Kendra. Pero hindi naman ata tama na gawin mong miserable ang buhay mo dahil sa kanya.”

Hindi na ko umuwi at magdamag kong binantayan si Wren. Sabi ni Kean ay tumawag na siya sa bahay para ipaalam na dito ako matutulog. Hindi ko pa naman dala ang phone ko.

“Yesh..”

Nagising ako dahil parang may tumatawag sa’kin. Tinignan ko kung sino.

“May naghahanap sa’yo. Nandun siya sa baba.” Sabi ni Manang Belen bago lumabas ng kwarto.

Sino naman kaya ang maghahanap sa’kin dito sa bahay nila Wren? Lumabas na lang ako para tignan kung sino yung naghahanap sa’kin.

“Taehyung?”

Hindi siya ngumiti at nanatiling nakatitig sa’kin.

“Tara. Umuwi ka na.” sabi niya at hinawakan ang wrist ko.

“Teka lang. Babantayan ko pa si Wren.” Angal ko.

Tinignan niya lang ako at nakaramdam ako ng takot.

“Umuwi ka muna. Maguusap tayo. Ihahatid nalang ulit kita dito mamaya kung gusto mo.” Sabi niya at hindi na ko pumalag nang hilahin niya ko palabas ng bahay nila Wren. Mahinahon ang pagkakasabi niya pero may diin ang bawat salita. Nakakatakot.

Hindi kami nagiimikan hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinenyasan naman ako ni mama na lagot daw ako. Kainis talaga to si mama. Dumiretso kami sa kwarto at dun kami nagjombagan. Chos.

“Maliligo muna ko.” Sabi ko at tumango siya. Umupo muna siya sa gilid ng kama ko.

Bakit ba ang seryoso niya ata masyado ngayon? Galit ba siya sa’kin? Akitin ko na lang kaya siya pagkatapos ko maligo? Chos!

“Anong paguusapan natin?” tanong ko pagkatapos ko maligo.

“Bakit hindi ka nagsabi sa’kin na aalis ka kahapon?” seryosong tanong niya.

Oo nga pala. Kausap ko nga pala siya kahapon nung umalis ako. Haay! Ulyanin ka, Felice!

Nag-alala lang din ako nang husto kay Wren kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.

“Pumunta ko dito kasi akala ko kung ano nang nangyari sa’yo. Hinintay kita hanggang gabi. Iniwan mo pa ang phone mo.” Dagdag niya.

Napapabuntong hininga na lang ako sa sermon niya. Naku naman eh. Bakit ba kasi hindi ako nagsabi sa kanya? Yan tuloy. Tampo na naman yan.

“Sorry, Hub. Nawala kasi sa isip ko. Nagalala lang kasi ako kay Wren.” Sagot ko.

Ngayon siya naman ang nagbuntong hininga at nakuyom niya ang kamao niya. Huminga ulit siya ng malalim saka ngumiti.

“Sunduin kita bukas. Date tayo.” Sabi niya.

Bukas? Okay na kaya si Wren bukas? Malamang hindi siya gagaling kaagad. Gusto ko rin sana na magdate kami ni Hub pero kailangan ko pa bantayan si Wren.

“Hindi ba pwede sa ibang araw na lang? Babantayan ko pa kasi si Wren.”

Bigla namang sumama ang mukha niya. “Nandun naman ang kapatid niya ah. Hindi ba tayo pwedeng lumabas bukas?”

“Busy masyado yun si Kean. At saka kailangan ni Wren ng kaibigan.”

“Kahit saglit lang, Wife. Kain lang tayo sa labas tapos ihahatid din kita kila Wren kung gusto mo.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“Sa ibang araw na lang Taehyung. Makakapaghintay ka naman diba? Pwede naman tayo magdate sa ibang araw. Hintayin muna natin maging okay si Wren. Huh?"

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Naglagay ako ng damit dun at nilagay ko na rin ang phone ko para hindi ko makalimutan.

“Babalik na ko kila Wren. Wag mo na ko ihatid.”

Lumabas na ko ng kwarto pero sumunod siya sa’kin. “Ihahatid kita.”

“Wag na. Umuwi ka na.”

“Ihahatid nga sabi kita!” bigla siyang nagtaas ng boses kaya nagulat ako.

“Please. Kahit ito lang, Felice. Hayaan mo na kong ihatid ka sa bestfriend mo. Ayokong sayangin ang oras na pwede kitang makasama.” Huminahon din bigla ang pananalita niya.

"I'm sorry." Napayuko ako, "Babawi ako after this."

"It's okay." Lumapit siya para yakapin ako. "Sorry din, Wife."

💚💚💚

Umuwi rin siya pagkahatid niya sa’kin. Medyo nainis ako sa kanya kanina. Akala ko ay hindi niya maintindihan na kailangan ako ngayon ni Wren.

“Wag kang sumimangot. Baka maturn off ako.” Sabi ni Kean nang mapansin niyang nakasimangot ako. Wala na ba talaga tong magandang sasabihin? Puro pambubwisit lang ba talaga ang alam nito?

“Hindi pa ba siya nagigising?” pagiiba ko ng usapan. Ayokong patulan ang kahambugan niya ngayon.

“Nagising siya kanina. Hinanap ka niya. Alis na muna ko. Baka malungkot yung mga tagahanga ko kapag hindi ako nagpakita ngayon. Kaya mo naman na yan, noh? Hindi niyo na ko kailangan dito.”

“Baka tangahanga.”

“Kunyare ka pa e isa ka rin naman sa kanila.” Nagsmirk siya at saka siya lumabas ng kwarto. Ang kapal talaga!

Hinipo ko ang noo ni Wren kung mataas pa ang lagnat niya. Hindi naman na siya ganun kainit. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nagmulat siya ng mata.

“Yeye.” Tawag niya sa’kin.

Ngumiti ako. “Kamusta pakiramdam mo?”

Bigla siyang bumangon at niyakap ako. “Masakit.” Sabi niya. Maya maya ay naramdaman kong para siyang umiiyak kaya hinaplos ko ang likod niya.

“Sana hindi na lang ako sumunod doon. Shit! Ipinamukha ko lang sa sarili ko na hindi na talaga niya 'ko mahal." sabi niya habang umiiyak.

Tae. Bakit pati ako naiiyak?

“Alam ko nasasaktan ka. Pero mawawala rin yang sakit na yan, Wren. Nandito lang ako kung kailangan mo ng kaibigan.”

Hinigpitan pa niya ang pagyakap sa’kin at nagpatuloy sa pag iyak. “Bakit ba kasi hindi na lang ako ang pinili niya, Ye? Ang sakit. Shit! Mahal na mahal ko naman siya eh!”

“Minsan kasi Wren hindi sapat na mahal mo lang siya. Kailangan mahal ka rin niya. Pwede rin namang mahal ka rin niya pero hindi na talaga siya masaya. Just let her go, Wren.”

“Sana nga ganun lang kadali. Pero mahirap, Ye. Masakit.”

Oo masakit. Alam ko naman yun eh. Hindi ka naman magkakaganyan kung hindi masakit diba? Pero sana matanggap mo na hindi na masaya sa'yo si Kendra kahit mahal ka pa niya. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano ka niya kamahal, Wren. Pero siguro kay Gon siya masaya.

“Okay lang yan. Nandito ako. Hindi ako aalis sa tabi mo.”

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon