Paglabas ko ng room nila Kendrabels ay nakasandal sa pader si Taehyung at nakabulsa ang mga kamay. Naka all white siya. Feeling anghel? Ano to photoshoot? Makapag project akala mo may camera sa harap niya.
Nilagpasan ko siya at bigla siyang nagsalita.
“I’m really confused.” Taehyung
Confused? Delayed? Baka buntis? Haha.
Confused daw. Neknek niya. Saan naman siya naco-confuse? Di kaya sa gender niya? Ohmy! Di naman sana, sayang lahi niya.
I shook my head to remove all those crazy thoughts.
“All this time I thought I’ll never feel this way.” sabi niya habang naglakad palapit sa'kin.
“Please help me find the answer.” Mas lumapit siya at napapikit ako.
Ikinulong niya ako sa kanyang mga braso.
Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Abnormal na ba 'ko? Aatakehin na ba ko sa puso?
“I’m sorry.” he whispered.
Sorry? Saan? Tinitigan niya ko sa mata.
Inilapit niya ang mukha niya.
“Ehem. Ehem.”
Napalingon kaming pareho sa tumikhim.
Naka-cross arms ito at nakataas ang isang kilay.
“PDA masyado?” Kendra. Hinila niya ako.
“Ikaw bata ka. Maharot ka masyado!” kinotongan niya ako.
Lintek na to! Nanira na nga ng moment may gana pang manakit.
Kinaladkad niya ko palayo kay Taehyung na walang nagawa kundi magkamot na lang ng batok.
“Nako Middleton, harot harot! Ligo muna bago landi. Di na nahiya!” litanya niya.
“Wow ha! Porket bagong ligo ka?”
Nasa tapat na kami ng room ko nang may naalala ako. Yung masamang pangitain na nakita ko.
Hindi naman dapat ako affected, diba? DEAL LANG ‘TO! Hindi dapat ako masaktan sa mga bagay na gusto niyang gawin. Masaktan? No. Hindi ako nasasaktan. Wag nga kayo. Nandidiri lang ako sa nakita ko. Yuck!
“Bakit mukha kang nalugi? Ayaw maligo? Eew!” Kendra.
Binatukan ko siya.
“Eto na nga oh! Maliligo na!” sabi ko habang papasok ng CR.
💚💚💚
Last day na namin ngayon dito sa Island. Ang sabi nila may party daw mamaya. Ang daming alam sa buhay. Wala naman akong interes sa mga ganyang party. At saka marami akong iniisip.
“Please help me find the answer.”
“I’m sorry.”
Hindi maalis sa isip ko yung mga sinabi niyang yan nung huli kaming nagka-usap. Pagkatapos kasi niyan ay napansin kong parang iniiwasan niya 'ko. Hindi ko alam kung bakit.
Ano ba yung hinahanap niyang kasagutan? Hindi niya man lang iexplain yung ibig niyang sabihin. He left me puzzled.
Tapos na ba ang deal? Okay na ba sila ni Keziah? Pero hindi eh. Napansin ko kasi na parang naging awkward silang tatlo sa isa’t isa, si Taehyung, si Keziah, at si Jairus. Pinapasakit nila ang ulo ko. Pero bakit ba kasi pati sila pinoproblema ko?
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya tinignan ko kung sino. Ang init init tapos naka-suot siya ng itim na v-neck shirt. Pangarap ata niyang matusta sa sikat ng araw.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
“May problema ba?” tanong niya.
Wow! Kelan pa siya naging concern sa'kin? Anong meron at siya pa ang unang nag-approach sa'kin?
Umiling ako.
“Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako.”
Kailangan ko ba ng tulong? Sa tingin ko kaya ko pa naman ito solohin ngayon.
“Tatandaan ko yan. Thanks, Red.” I smiled.
Alam niyo na ha? Pag kailangan ko ng tulong nandyan lang daw si Pula. Paki-remind ako pag nakalimutan ko.
“Mas maganda siya sayo.” komento ni Pula nang dumaan sa harap namin si Keziah kasama si Yana.
“Wow ha! Compliment ba yan? Sabihin mo lang para makapag-thank you ako.” Sarcastic kong sabi.
Natawa siya at napangiti ako. Marunong na talaga siya tumawa. Improving.
“Just telling the truth.” Siya.
“Ouch ha!” sabi ko at hinampas siya. Ano kayang nakain nito at ikinukumpara ako kay Keziah?
“Truth hurts, you know.” At tumawa ulit siya. Nakuha pa mang-asar. Pakibalik nga po yung Pula na tahimik para walang nang-aasar sa'kin.
“Di hamak talaga na mas maganda siya sayo.”
“Kailangan pa ulitin?” singhal ko.
Umiling siya.
“Ipinapa-mukha ko lang sayo. Hahahaha.” Lintik tong Pulang to. Sarap lunurin sa dagat.
Bakit ba lagi na lang ako inaapi ng mga kaibigan ko? Ang hard nila sa'kin. Oo kaibigan ko na si Pula, I’m declaring it. Pero wag niyo sasabihin sa kanya, baka hindi niya matanggap. Alam niyo na, loner yan.
“Eh kung ingudngod ko kaya mukha mo sa buhangin?” tumayo ako para ingudngod siya pero hindi ko nagawa.
Bakit? May humawak kasi sa kamay ko para pigilan ako sa binabalak kong pagpaslang kay Pula. Tsk!
Bigla niya kong hinila palayo. Bwiset. Naka-ligtas tuloy si Pula.
“Ano ba?!” reklamo ko. Kaasar kasi tong Taehyung na to. Iiwasan ako tapos ngayon bigla na lang manghihila.
Naningkit ang mga mata niya.
“Wag mo kong paniningkitan ng mata. Badtrip ka alam mo yon? Nakaka-inis ka eh.”
“Do you like him?” matabang niyang tanong.
“Ano naman sayo kung gusto ko siya?!” kung maka-asta akala mo TOTOO kong boyfriend. Tsk. Baka nakakalimutan niyang deal lang to. Nagpapanggap lang kami FOR HIS OWN BENEFIT.
Ako lang naman talaga yung lugi sa deal na to eh. Siya lang ang nakikinabang. Ano bang makukuha kong kapalit dito? A broken heart? Mukhang nagkamali ako sa pakikipag-deal sa kanya. Thrill ang hanap ko kaya ako pumayag sa kalokohan na to. Pero hindi ko inakala na maapektuhan pala ako sa lahat ng to.
“May iba ka rin namang gusto diba?! Wag kang selfish.” Dagdag ko.
Siya lang ba ang may karapatan na magkagusto sa iba habang on-going ang deal? Wala naman yun sa usapan diba? Ang usapan namin, HINDI AKO PWEDENG MAGKAGUSTO SA KANYA, hindi ang HINDI AKO PWEDENG MAGKAGUSTO SA IBA.
Kung tutuusin ay halos nasa simula pa lang kami. Wala pa kami sa kalahati ng deal pero bakit ganito? Ang gulo na agad ng buhay ko. Lalo na ng puso at isip ko. Bakit ba kasi ang galing niya umarte?
“If being selfish means getting pissed while watching you talk and laugh with another man because I only want you to laugh with me. Then yeah, CALL ME SELFISH.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Nag-malfunction na naman ang utak ko.
“I love Keziah, you knew it right from the start. But YOU, you’re making me doubt my own feelings." he paused as he shook his head, "No. You made me realize that I only loved her as a friend."

BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."