Deadma lang kaming lahat at itinuloy ang pagkain. Pansin ko lang pati si Jairus halos hindi nababawasan yung pagkain. Ganon ba talaga mga rich kid? Eh bakit si Taehyung hindi naman ganon? Nakadalawang plato na nga siya eh.
Si Pula naman tahimik lang sa pagkain. Ganyan yan pati sa bahay. May sariling mundo palagi. Si Kendra naman at Wren nakuha pa magsubuan sa harap namin. Kaasar! Sinipa ko nga sa ilalim ng mesa.
“Aray ha! Inaano kita?” reklamo ni Kendra.
“Wala. May kumagat kasi sa'king langgam, nasipa tuloy kita.” Sarcastic kong sabi.
“Wow ha! So, kayo lang may karapatan maging sweet? Kayo lang ba mag-jowa sa table na 'to?” sagot niya. Kami pa ngayon? Kailan kami naging sweet?
Tapos na rin naman kami kumain kaya hindi na rin ito maituturing na kabastusan diba?
“Ewan ko sa'yo.” Singhal ko. Bakit ba ang sweet ng dalawang 'to ngayon? Ang plastic ha! Mas bagay sa kanila ang nagbabangayan. Pag sweet nagbebreak kaagad, di niyo ba alam yon?
Pinabalik na kami ni Jairus sa mga rooms namin, may activity daw kasi bukas. Parang team building ata to.
Naisipan kong lumabas muna at magpahangin sa tabing dagat. Ang ganda ng view, kitang kita yung mga stars sa langit tapos nagrereflect pa ito sa dagat. Ang ganda rin pagmasdan ng buwan kahit hindi full moon. Pero mas maganda siguro to pag full moon.
Dahan dahan lang ako sa paglalakad habang dinadama ang ihip ng hangin. Feeling ko gumagawa ako ng music video, ayoko lang mag-project ng todo kasi baka may makakita sa'kin at mapagkamalan akong nasisiraan ng bait.
“Ay, music video!” nagulat ako nang biglang may kumalabit sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko. Feeling ko nalaglag yung puso ko.
“Bakit di ka pa nagpapahinga?” tanong ni Jairus. Naka-suot siya ng plain white sleeveless shirt at floral shorts. Ohmygod! Perfect to para sa music video. Haha. Naka-suot kasi ako ng floral sando at white shorts. Bagay talaga kami.
“Naisipan ko kasi magpahangin muna. Ikaw?”
“Same.” Umupo siya sa may buhangin at gumaya ako. Gaya gaya ako e, bakit ba.
Nakatingin siya sa buwan. Ang sakit men! Di ba pwedeng ako na lang tignan niya? Charot! May Keziah na yan, wag malandi.
Nakipagtitigan na lang din ako sa buwan, baka sakaling matunaw at ako na lang ang tignan ni Jairus. Pero habang tumatagal ay parang lalong gumaganda ang buwan. Para itong nakangiti sa’kin. Kinikilig siguro sa'min ni Jairus.
“The magic of the crescent moon.” Napalingon ako kay Jairus na nakatingin pala sa'kin. Ngingiti sana ako kaso kanina pa pala ako nakangiti.
“I love watching the crescent moon because it never fails to make me smile.” Sabi niya.
Ah okay. So yung magic ng crescent moon ay mapapangiti ka pag nakita mo ito? Kung alam niya lang kung bakit ako naka-ngiti. Naisip ko kasi kinikilig yung moon sa'min kaya kinilig din ako. LOL
“Edi pinapanood mo rin ang full moon?” diba maraming lovers ang nagaabang nun kasi romantic daw. Ano naman kayang romantic dun e isang malaking bilog lang naman ang makikita mo, baka lunatic pwede pa.
“Nope. Hindi marunong ngumiti ang full moon. Haha.” Natawa siya sa sinabi niya. Sabagay may point siya, hindi marunong ngumiti ang full moon. Para itong isang malaking cookie sa langit.
Nanatili kaming nakaupo sa buhangin at nakatitig sa buwan hanggang sa antukin ako. Kung hindi pa niya ko nakitang naghikab ay malamang dito ako makakatulog.
“Pasok na tayo sa loob.” Sabi niya at tinulungan niya ako sa pagtayo.
Sa lobby sila matutulog. Ang bait nila e. Dumiretso na ko sa room KO at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Taehyung na natutulog sa isang bed.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."