Estrangherong Alien calling…
Ako: Oh, bakit?
Siya: Naayos mo na gamit mo? Ipapaalam ko lang sayo na may outing ang Bangtan bukas, just in case na hindi nag-sink in sa utak mo yung mga sinabi ni Hyung sa meeting kanina.
Ako: Tsk. Saan ba pupunta?
Siya: Hundred Islands
Ako: Talaga? Libre?
Siya: Di ka talaga nakikinig kanina, noh? Tsk. Sa susunod nga wag ka masyadong matutulala pag nagsasalita ang kapatid ko. Pahalata ka masyado.
Tapos in-end niya yung tawag bago pa 'ko makasagot.
Salbahe! Hindi man lang sinagot yung tanong ko kung libre ba yon.
Bubulabugin ko na lang si Pula. Tutal mukha namang nakinig siya kanina.
“Pula!” kinalampag ko yung pinto niya kaya binuksan niya ito kaagad.
“What?!” singhal niya. Tinulak ko siya at pumasok ako sa kwarto niya. Wala siyang nagawa at sumunod na lang sa'kin. Bahay ko to e.
“Sabihin mo sa'kin lahat ng pinag-usapan kanina sa meeting.” Sabi ko at humiga ako sa kama niya.
Naningkit bigla ang malaki niyang mata pero wala akong pakialam. Hinintay ko siyang magsalita.
“Aray!” reklamo ko. Binato niya kasi ako ng maliit na notebook. Pwede namang iabot na lang, diba? Tsk!
“Get out.” Sabi nito at binuksan ang pinto.
Tinignan ko muna yung laman ng notebook at nung nakita kong notes ito sa meeting kanina ay lumabas na 'ko. Pero siyempre inirapan ko muna siya. Suplado much. Kaasar! Daig pa ang babaeng may regla.
💚💚💚
Wren’s POV
“Tumawag si Yeye.” Kalalabas lang ni Ugly sa banyo. Katatapos niya lang maligo.
“Anong sabi?”
Lumapit ako sa kanya at kinuha yung towel na gamit niya sa pagpapatuyo ng buhok at ako ang nagtuloy nito.
“Wala.”
“Mali pala yung tanong ko. Anong sinabi mo sa kanya?” nagdududa nitong tanong. Wala naman ako sinabi kay Yeye, diba?
“Wala.” Sagot ko at sinuklay nang buhok niya.
“Anong wala?! Ikaw pa ba? Yang mukhang yan hindi mapagkaka tiwalaan.” Sabi nito habang nagsusuot ng earrings. May dinner date kasi kami kaya nandito ako sa bahay nila para sunduin siya.
“Wala nga.” Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya inilabas ko ito para tignan kung sino nagtext.
‘Call me when you’re not busy. I need to talk to you.’ Binura ko agad ito pagkabasa ko. Baka mabasa pa ni ugly.
💚💚💚
Ayesha’s POV
“Malay ko ba? Hindi niyo naman kasi sinabi sa’kin na 1 week pala tayo dun. Akala ko uuwi rin kaagad.” kanina pa 'ko pinapagalitan ni Kendra dahil isang pares lang ng damit ang baon ko. Malay ko bang magtatagal kami doon.
“Hindi kasi nakikinig!” nakapamewang siya sa harapan ko, akala mo nanay na sinesermunan ang anak.
“Pwede naman umuwi, diba? Di pa naman tayo aalis.” Nandito pa lang naman kami sa school, hinihintay pa namin yung bus.
“Ewan ko sayo! E kung binasa mo sana yung notes ni Red, diba?” inagaw niya sakin yung notebook ni Red at iwinagayway sa harap ko.
“Binasa ko naman a!” inagaw ko ito sa kanya. Grabe talaga to!
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Teen Fiction"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."