Chapter 54 - Stay With Me

3.6K 86 6
                                    

Naalimpungatan ako nang madaling araw at wala sa tabi ko si Taehyung. Bumangon ako para hanapin siya at nakita ko siya sa kusina. Nakasubsob sa lamesa ang ulo niya.

"Hub, okay ka lang?" agad akong lumapit sa kanya.

Itinaas niya ang ulo niya at nakahawak siya sa dibdib niya. "gusto mo ng tubig?" nagaalalang tanong ko.

"Pakikuha yung gamot sa bulsa ng bag ko." Nanghihinang sabi niya.

Tumakbo ako kaagad papunta sa kwarto para kunin yung gamot na sinasabi niya. Potek! Saang bulsa ko hahagilapin yung gamot na yun? Ang daming bulsa ng bag niya. Inisa isa ko iyon hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Hindi lang isang klase ng gamot yung nakita ko kaya kinuha ko na lahat para sigurado.

"Alin ba dito?" tanong ko at iniabot ko sakanya yung tatlong klase ng gamot saka ako kumuha ng tubig.

Kumuha siya ng tig-isa non at ininom ng sabay sabay. Sinubsob niya ulit ang ulo niya sa lamesa. "Hub, anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin na kita sa ospital? Saan ba ang masakit?" nagaalalang tanong ko.

Umiling siya. Niyakap ko siya at hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa maging okay na ang pakiramdam niya. Nagsisimula na rin lumiwanag ang paligid nang bumuti ang pakiramdam niya.

"Wife, wag ka aalis sa tabi ko ah." Hinawakan niya yung pendant na bigay niya sa'kin at inikot yung ring ng Saturn at bumukas iyon. Naglagay siya ng gamot at saka iyon isinara. Kumunot ang noo ko.

"Pill box locket to?" namamanghang tanong ko.

Nagnod naman siya.

"Para saan yung gamot? At bakit mo to ibinigay sa'kin eh kailangan mo pala to?" Tanong ko. Paano kung bigla na lang ulit sumama ang pakiramdam niya at kailangan niya ng gamot? Juice colored naman tong lalaking to. Gusto pa ata mapahamak.

Huhubarin ko sana yung kwintas pero pinigilan niya ko. "Please don't."

"Bakit? Kailangan mo 'to. Ano ka ba naman."

"Mas kailangan kita. Wag kang aalis sa tabi ko kung ayaw mong mapahamak ako. At saka hindi naman seryoso tong sakit ko. Bihira naman umatake kaya wala kang dapat ipag alala." Sabi niya.

"Kahit na! Ano ba kasing meron sa'yo? Ano bang sakit yan?"

"Asthma lang to." Sagot niya.

Asthma? Sabagay, mukha naman siyang hikain. Kaya pala ang payat niya. Kaya siguro lagi siyang sinasabihan ni Jairus na wag masyado magpagod.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay. Pumuta kami sa tabing dagat at pinaupo niya ko.

"Anong gagawin natin dito? Ang lamig." Ang lamig kasi ng simoy ng hangin dito since medyo madilim pa.

Niyakap niya ko mula sa likuran. Nakaupo kasi siya sa likuran ko.

"Malamig pa?" tanong niya at umiling ako. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Yayks. Nakakakiliti!

"Abangan natin ang sunrise." Sabi niya.

Ganun lang ang pwesto namin habang nagaabang ng pagsikat ng araw.

"Sunrise pala yun. Akala ko sunset." Akala ko talaga sunset yung nasa drawing niya. Iyon din kasi ang sabi ni mama.

"Alin?" tanong niya.

"Yung drawing mo. Infairness ah. Nahirapan ako intindihin."

Tumawa siya. "Hindi kasi ako kasing galing magdrawing ng wife ko. At saka, mas gusto ko ang sunrise kesa sunset."

"Bakit? Eh halos pareho lang naman yun."

"Sunset means that it's the end of the day. But sunrise means a start of another day. Which do you prefer, an end or a beginning?"

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon