Ayesha’s POV
Pagkatapos ng activity ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Taehyung kasi wala siya. Actually, wala akong pinansin kahit sino sa kanila.
Dumiretso ako sa kwarto at for the first time nag-lock ako ng pinto. Ayoko ng istorbo.
“Yah!”
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Taehyung.
Naka-upo siya sa kama at naka-cross arms pa. Parang tatay na papagalitan ang anak na ginabi ng uwi.
“Labas!” sigaw ko at binuksan ang pinto na kaka-lock ko lang.
Bwisit talaga! Anong ginagawa dito ng lalaking to?
“Ang sungit mo.” Taehyung.
“O tapos?”
“Sinasabi ko lang.” Siya.
“May sasabihin ka pa?” tinaasan ko siya ng kilay. Nakabukas pa rin yung pinto at hinihintay ko siyang lumabas.
“Marami.” Sabi niya at hinila ako saka isinara ang pinto.
“Wala akong pake sa sasabihin mo. Labas!”
“Yah! Yah! You’re rude.”
“I know.”
“Ano ba talagang problema mo?” tanong niya na medyo naiinis na.
Problema ko? Ano nga ba? Kailangan ba talaga lagi ng dahilan para sa isang bagay?!
Napaisip tuloy ako. Ay peste! Masakit sa bangs mag-isip.
Dahil ayaw niya lumabas ay ako na lang ang lumabas at sinundan niya na naman ako. Ano bang gusto niya? Nakakainis!
“Yah! Yah!” tawag niya. Naka-sunod lang siya habang naglalakad ako. Nakaka-irita.
“Tantanan mo nga 'ko!” umalingawngaw sa hallway ang sigaw ko.
“Ano ba kasing problema?! Bakit ba hindi mo na lang sabihin para hindi ako mukhang gago dito kakaisip kung may mali ba kong nagawa sayo.” mukhang naiinis na rin siya. Kasalanan ko pa ngayon?
Feeling ba niya walang mali sa nangyari kagabi?
Hanggang sa makarating kami sa labas ay kinukulit niya pa rin ako. Bwisit talaga oh.
Nakita ko si Kendra at Wren na naka-upo sa buhangin at naglalampungan. Lalo tuloy ako nainis. Bakit ba may mga taong manloloko? Two timer. May gf/bf na nga naghahanap pa ng iba. Hindi makuntento sa isa.
“Pwede ba! Wag kayong PDA! Bwisit!” dumaan ako sa pagitan nilang dalawa para mapaghiwalay sila. Nakakairita.
Hindi ko sila gustong sigawan pero badtrip talaga ko. Bwisit kasing Taehyung to, imbes na nagkukulong ako ngayon sa kwarto nang walang madamay sa topak ko. Tsk.
“Yah! Bakit pati sila dinadamay mo? Ano ba talagang problema mo?!” tanong niya.
“Problema ko? Gusto mo talagang malaman?!” huminto ako sa paglalakad, “Ikaw! Ikaw ang problema ko!”
“Mwo? (what)” gulat gulatan pa siya.
“Magtatanong tapos hindi makikinig. Peste!”
“Narinig kita. Ano bang ginawa ko sayo?”
"Wow! Parang walang nangyari kagabi? Matapos mong makipaghalikan sa iba itatanong mo sa'kin kung ano ang problema ko? Bakit ba kasi hindi mo na lang tapusin yung deal ngayon din? Para lang tayong gago dito, eh!"
Yumuko siya at hindi kaagad nakasagot.
"Ayoko na! Dun ka na kay Keziah tutal siya naman talaga ang mahal mo."
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."