Magaalas dos na nang makarating kami sa airport. Tanginang traffic yan. Sa susunod magpapagawa na ko ng sarili kong daan. Tumakbo ako papasok pero hinarang ako ng guard dahil bawal daw ang nakainom. Hinanapan pa ako ng passport at ticket, at nakuha pa kong kapkapan hindi rin naman pala ako papapasukin. Pambihira!
“Wren!”
Lumingon ako sa tumawag sa’kin at nakita ko si Yeye na namumula ang mga mata.
“Nakaalis na siya.” Yeye. Bigla niya kong niyakap.
Natulala ako. Wala na. Nakaalis na. Tangina! Sinadya ba niyang hindi ipaalam sa'kin para hindi ko siya mapigilan sa pagsama sa gagong yun?
Humiwalay ako sa kanya at tumakbo ako. Hindi siya pwedeng umalis!
“Sir, bawal talaga kayong pumasok.” Sabi nung guard.
“Tangina! Tumabi kayo! Hindi ako pwedeng iwan ni Ugly!” nagpumilit akong pumasok pero dalawa silang humaharang sa’kin.
“Tama na, Wren.” Awat sa’kin ni Kean.
Tinadyakan ko siya.
“Wag mo kong pakialaman dahil hindi ikaw yung iniwan! Hindi ikaw yung nasasaktan!” nagpumilit ulit akong pumasok.
Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito dahil sa kagaguhang ginagawa ko ngayon. Nagpatawag pa sila ng dagdag na security. Kahit isang batalyon pa ang ipadala ninyo dito hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakakausap si Ugly.
“Damn it, Wren! Wag kang gumawa ng eksena dito. Hinatid kita rito para makausap mo si Kendra hindi para magwala ka!” alam kong galit na si Kean sa tono ng boses niya. Hindi siya madaling magalit. Sa katunayan ay pangalawang beses ko pa lang narinig ang tono niyang yan.
💚💚💚
Ayesha’s POV
Ngayon ko lang nakitang magwala si Wren. Matagal na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Ganyan niya talaga kamahal si Kendra. Naaawa ako sa kanya.
“Damn it, Wren! Wag kang gumawa ng eksena dito. Hinatid kita dito para makausap mo si Kendra hindi para magwala ka!” nagtaas ng boses si Kean.
Kinilabutan ako sa tono ni Kean. Grabe! Nakakatakot din pala magalit ang hambog na to. Ngayon ko lang din siya nakitang ganyan kaseryoso.
Nalaglag ang panga ko at napatakbo ako papunta kay Wren nang bigla niya itong suntukin. Hindi ko maimagine kung gaano kasakit ang suntok na yun kasi nawalan ng malay si Wren. Mabuti at may lumapit kaagad na medics. Grabe tong magkapatid na ‘to ang lakas gumawa ng eksena.
Inalalayan namin ni Kean ang walang malay na si Wren at dinala sa sasakyan niya. Sumabay na ako sa kanila since nagtaxi lang naman ako papunta rito. Infairness ah mukhang brand new ang sasakyan ni Kean.
For the first time in forever ay narinig kong manahimik si Kean. Hindi niya ko pinepeste. At hindi ko rin naman gugustuhing kausapin siya dahil baka ako ang mapagbuntunan ng galit. Mas maganda nang tahimik kami dito.
Pagdating sa bahay nila ay iniwan ako ni Kean sa kwarto ni Wren. Ako na raw bahala sa kapatid niya. Napa-oo na lang ako dahil baka hindi ako makalabas ng buhay dito kapag umangal ako.
“Kendra…” tawag ni Wren.
Lumapit ako at nakita kong may pumatak na luha mula sa mata niya. Kawawa naman siya. Hanggang sa panaginip si Kendra pa rin ang nasa isip niya.
Haay naku Wren kung pwede ko lang hilahin si Kendra pabalik dito ginawa ko na. Pero mahal ko kasi kayong dalawa eh. Hindi ko siya pwedeng pigilan kung saan siya masaya. Ang magagawa ko lang ngayon ay damayan ka gaya ng pakiusap niya.
Humingi ako ng bimpo sa kasambahay nila na naglilinis ng mga basag na gamit. Kanina pa siguro nagwawala si Wren at walang awang pinagbabasag ang mga walang kamalay malay na gamit nila.
“Manang, baka pwede po magpatulong na bihisan si Wren.” Pakiusap ko sa isa pa nilang kasambahay. Tatlo ang kasambahay nila. Mayaman eh.
Pinunasan ko muna si Wren at tinulungan ako ni Manang Belen na bihisan ito. Akalain mo yun may abs na pala ang payatot na to. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng puberty.
Nagpaalam na ako kay manang matapos kong gawin ang dapat kong gawin. Gusto ko na umuwi, tutal tulog na si Wren. Gabi na rin kasi.
Nagjeep lang ako pauwi. Potek kasi, naubos ang pera ko sa pamasahe sa taxi papuntang airport para lang maabutan si Kendra. Nagawa pa naming magdrama na magkaibigan. Iyakan to the max pa kami na akala mo iyon na ang huli naming pagkikita.
💚💚💚
Isang linggo pagkaalis ni Kendra ay flight naman ni Pula. Juskong mahabagin. Iiyak na naman ako mamaya. Tapos hindi pa nagpaparamdam ang magaling kong boyfriend. Sineryoso ata yung sinabi ko na nagsasawa na ko sa pagmumukha niya.
Well, hindi ko naman masyado dinidibdib ang hindi pagpaparamdam ni Taehyung dahil busy din ako sa pagdamay kay Wren. Walangya. Araw araw umiinom, target niya ata mabutasan ng atay sa lalong madaling panahon. Walang sawa rin niyang iniiyakan si Kendra. Naaawa na nga ako sa tear duct niya, gamit na gamit.
“Oy Pula, susulat ka ah.” Sabi ko kay Pula bago siya sumakay sa taxi na maghahatid sa kanya sa airport.
Ayaw niya magpahatid sa’min ni nanay. Baka raw magbago bigla ang isip niya at hindi na umalis. Sayang daw ang naghihintay na opportunity sa kanya sa Korea.
Pinat niya ang ulo ko, “Hindi na uso ang sulat ngayon. Skype na lang tayo minsan. Paturo ka sa boyfriend mong payatot para hindi ka napagiiwanan ng sibilisasyon.”
Inirapan ko siya. Peste ‘to. Aalis na nga nakuha pa mang insulto. Kabanas! Syempre marunong ako gumamit nun, hindi naman ako pinanganak nung panahon ni kopong kopong noh.
“Oo na! Ingat ka dun ah. Wag mo ko kakalimutan pag sikat ka na.”
“Oo naman. Gagawa pa ko ng kanta na para sayo. Abangan mo.”
Hinampas ko siya at itinulak papasok sa taxi na kanina pa naghihintay.
“Ang keso mo. Lumayas ka na nga bago pa kita pigilan.” Sabi ko na nakangiti.
💚💚💚
Nakaalis na si Pula kaya naman nagtungo na ko sa bahay nila Wren para samahan siya sa pagpapakalasing. Chos. Di ako umiinom ah. Sinasamahan ko lang siya para hindi siya masyado malungkot.
“Manang, si Wren po?” tanong ko kay Manang Belen.
“Ay naku, kaaalis lang.”
“Ah ganun po ba? Saan daw po pupunta?”
Saan naman kayang lupalop ng Earth pupunta yung broken hearted na yun?
“Sa London. Susunduin daw si Kendra.” Sagot ni Manang.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa sobrang pagkabigla. As in pupunta siya ng London, agad agad? As in now na talaga? Karakaraka?
“Seryoso kayo manang?” baka kasi joke time lang tong si manang. Sinusubukan niya lang kung madali akong utuin.
“Oo. Hinatid siya ni Kean.”
Waah! Umalis nga talaga siya! Huhu! Naiwan na naman ako. Lahat na lang sila umaalis. Ang lakas naman kasi ng tama ng bulol na yun kay kendrabels. PNP. As in, Patay Na Patay.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Ficção Adolescente"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."