Chapter 44 - Favor

3.6K 95 3
                                    

Ayesha’s POV

“Push mo talaga pumunta dito araw araw, noh?” tanong ko kay Taehyung.

Halos magiisang linggo na kasi na lagi siyang nandito sa bahay after ng Bangtan Night. Kulang na lang dito siya tumira. Nakakasawa na pagmumukha niya. Kung alam niya lang. Ang sarap maglagay ng karatula sa labas na nagsasabing ‘Bawal ang ALIEN dito’

“Baka kasi mamiss kita.” Sabi niya sabay kindat. Akala mo naman cute! Tsk! Ang pogi niya kaya.

“Hindi ka pa ba nagsasawa? Ako kasi sawa na sa pagmumukha mo eh. Wala ka na ba ibang matambayan? Try mo naman sa ibang friends mo.” Kailangan niya rin naman ng time with his friends diba? Hindi yung lagi na lang siya nakabuntot sa’kin. Akala mo naman mawawala ako sa kanya.

Inirapan niya lang ako at saka nagpout. Marunong na pala siya mang-irap ngayon. Improving. Haha.

“Hmp! May date nga pala kami ni Kendrabels mamaya. Bawal ka sumama. For girls only.” Pinangunahan ko na siya. Sigurado kasi magpipilit na naman yan sumama. Parang timang, gusto lagi akong nasa tabi niya.

“Sige na nga. Pupunta na lang ako kay Keziah.” sabi niya saka kumuha ng fries at sinubo.

“Subukan mo. Hindi ka na ulit makakapunta dito.” Pagbabanta ko. Tinignan ko siya ng masama. Keziah na naman. Wala ba siya ibang friends bukod kay Keziah?

“De joke lang, wife. Selos ka na naman.” Niyakap niya ko.

“Tse! Hindi ako nagseselos. Sige pumunta ka na dun sa Keziah mo!” inalis ko yung braso niya na nakayakap sa’kin at nagcross arms ako. Ako magseselos? Hah! Alam ko namang patay na patay siya sa’kin, so bakit ako magseselos? Pakiexplain nga. Mas maganda naman ako kay Keziah. Matindi ang paniniwala ko.

Narinig kong may nagbukas ng pinto kaya napatayo ako kaagad. Mahirap mahuli sa akto ng pakikipag harutan noh.

“Nay!” agad akong lumapit at nagmano, tinulungan ko rin siya sa bitbit niya. Ganun din ang ginawa ni Taehyung.

“Nay, kamusta ang bakasyon?” tanong ko.

1 month din kasi siyang nawala. Sana naman nagenjoy siya sa bakasyon niya.

“Ayos naman. Kumain ka na? Eto may dala akong suman.” Sabi niya at inilagay sa lamesa yung plastic na dala niya.

“Wow! Alam mo talaga favorite ko, nay. Thank you.” Kumuha agad ako ng plato at nilagyan yun ng asukal at powdered milk. Masarap kasi isawsaw sa asukal at gatas yun.

Pagbalik ko ay naguusap si nanay at Taehyung. Naipakilala ko na dati si Taehyung kay Nanay kaya feeling close si loko.

“Nak, nasan nga pala si Balong?” tanong ni nanay.

“Umalis, nay. Di sinabi kung saan siya pupunta.” Salbahe yung Pula na yun, basta na lang ako nilalayasan. Hindi man lang nagsasabi kung saan siya pupunta tapos kung makapagsermon sa’kin dinaig pa ang Santo Papa. Kaloka!

“Ah baka inaasikaso yung mga papeles niya.” Nanay.

“Ano pong papeles?” I asked curiosly. Ano namang papeles ang inaasikaso ng Pula na yon?

“Yung para sa pag-alis niya. Hindi ba niya nasabi sa'yo?”

Hindi ko naituloy ang pagsubo ng suman dahil sa sinabi ni nanay. Ayun na eh, on the way na tapos naudlot pa. Aalis si Pula? Saan naman siya pupunta?

Umiling ako. “Saan po siya pupunta?” tanong ko. Ibinaba ko na yung hawak kong tinidor dahil parang nawalan ako ng gana bigla. Baka makasaksak pa ko ng katabi.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon