"Oy, hindi date 'to ah. Mamamasyal lang tayo kasi walang magawa sa bahay. Basta hindi tayo nagde-date." Paglilinaw ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng subdivision namin.
Tumango naman siya. Atleast nagkakaintindihan kami.
"Saan pala tayo pupunta?"
"Basta sumunod ka na lang." Sagot niya at nauna na maglakad.
Pumunta kami sa cinema at siya pumili ng papanuorin namin. Hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko. May kalahating oras pa kaming maghihintay bago magsimula yung movie na papanuorin namin.
Sa labas ng cinema ay may mga pwedeng paglaruan. Mayroong spot the difference, meron din kung saan pwede kang magtake ng picture.
Lumapit siya sa screen at naglaro ng spot the difference. At syempre sumunod ako para guluhin siya.
"Wag kang magulo." Hinwakan niya yung kamay ko at inilayo sa screen para hindi ko siya magulo.
"Ang damot mo. Gusto ko rin maglaro." Pilit kong nilalapit yung kamay ko tapos hahawiin niya ulit.
"Pinapatalo mo lang, eh." Red.
"Hindi ah. Tinutulungan kaya kita." At tinap ko yung maling sagot. Game over. Haha.
Tinignan niya ako nang masama at lumipat sa iba pang laro. Yun naman binabato ng maliliit na bola. Hindi ko alam kung anong tawag dun.
Lumapit ulit ako at nanggulo. Binabato ko yung mga skull. Pag natamaan kasi yun mababawasan yung life mo hanggang sa matalo ka.
"Ayos ka rin noh? You're aiming to lose instead of winning." sabi niya. Tumigil na siya sa paglalaro at hinayaan niya na lang ako.
"Hindi, ah. Chinachallenge lang kita." Natatawa kong sagot.
"Minsan kasi kailangan mo rin ng competitor para mas galingan mo pa. Gaya ngayon, sinasadya kong guluhin ka para galingan mo sa paglalaro. It's either manalo ako sa pagpapatalo sa game mo or you beat me in making you lose the game. Diskarte mo na yan kung paano mo tatalunin yung sagabal sa'yo." Binato ko yung dumaan na heart which is a bonus life for the game.
"I'm not aiming to lose, Red. I have my own goal. Sometimes, losing is winning and winning is losing. Parang spot the difference lang yan. Mukhang pareho pero maraming pagkakaiba." I smirked. Ibinato ko yung last ball at tinamaan ko yung target.
LEVEL UP!
Actually, medyo naguluhan din ako sa sinabi ko pero sana ay nagets niya yung gusto kong iparating.
Umuwi na rin kami nung napagod kami sa pamamasyal. Kanina bago magsimula yung movie ay bumili siya ng nachos. Yun daw kasi ang trip niyang kainin kapag nanunuod ng movie. Tapos 4D yung theater na pinanooran namin edi kailangan mag-suot ng specs. Grabe lang, ang gwapo niya pag naka-salamin. Nakaka-bulag.
💚💚💚
"Tanga ka kasi." Tatawa tawang sabi ni Pula habang naglalakad kami pabalik sa bahay.
Naisipan kasi namin maglakad papasok ng subdivision tutal gabi na, masarap maglakad lakad.
Tinatawanan niya yung pagkakadapa ko. Ang ligalig ko kasi kanina at may nalalaman pa ako pasayaw sayaw habang naglalakad, nadapa tuloy ako.
"Di maka-move on?" natatawa rin ako kapag naaalala ko yun. Buti na lang walang ibang tao sa labas at hindi nila nakita kung paano ako manghuli ng palaka. At itong lokong to, imbes na tulungan ako ay tinawanan pa ako.
"Ang cute mo kaya." Pinisil niya ako sa pisngi.
"Alam ko! Wag mo na ipamukha." Hinawakan ko yung kamay niya na nakakurot sa'kin. Panggigilan daw ba ang maganda kong mukha.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Novela Juvenil"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."