Nakabalik na kami sa Manila. Malaki ang nagbago after ng outing namin. Hindi na kagaya ng dati ang samahan naming magkapatid. Nagkaroon ng gap sa pagitan naming dalawa.
“Seokjin, are you sure you’re not coming with us?” tanong ng mom ko. Kararating lang din nila galing Korea to take care of some business matters.
Tumingin muna ako kay Taehyung na nasa likod niya bago ako sumagot.
“I’m not feeling well, mom.” Sagot ko at humarap na ulit ako sa computer. May inaayos ako para sa Bangtan Night.
“Okay. Take a rest then.” Mom
Lumabas na siya ng room ko at naiwan si Taehyung.
“Hyung.” Tawag niya sa'kin.
“Wae? (Why)” nakatutok pa rin ako sa computer.
“Ahm… Uhhh… Aish!” Taehyung. Parang hindi niya alam kung paano niya sasabihin yung gusto niyang sabihin.
“What is it?” this time tinignan ko na siya pero sandali lang.
“Can I ask you something?”
“I want to ask her on a date. Eotteoke?” Taehyung.
“That’s your problem.” Pati ba naman date nila poproblemahin ko pa. Broken hearted na nga ako tapos sa'kin pa siya hihingi ng advice para sa date nila.
“Hyung!” lumapit siya sa'kin.
“You’re old enough, Taehyung. Pati ba naman pakikipag date sa’kin mo itatanong?”
Yumuko siya at pinagdikit ang dalawa niyang daliri sa magkabilang kamay. Parang bata.
“You know I’ve never been on a date before. And I don’t know how to ask her out.” Sabi niya.
Ngayon lang ulit kami nag-usap ng matagal after nung outing. Mga 3 days din kaming hindi nagpansinan na magkapatid.
“Then let me be the one to date her.” I smirked.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
“Yah! Nevermind! I’ll just do it my way.” At padabog siyang lumabas ng kwarto.
Pero bago siya nakalabas ay may pahabol ako.
“I’m serious.” ako
“Date her after the deal if you want. But not now, I won’t let you.” Sabi niya at isinara ang pinto.
I’m sorry, Taehyung. But I have made up my mind. I’ll confess to her.
I’m not expecting something in return. It’s for myself. I don’t want to be a coward anymore. After this, I’m letting her go.
💚💚💚
Ayesha’s POV
“Hoy, Pula! Tulungan mo naman ako dito!” sigaw ko sa kanya. Peste kasi tong Pula na to. Ang sarap ng tulog. Samantalang ako hirap na hirap sa paglilinis ng bahay.
Wala kasi si Nanay, umuwi sa probinsya kahapon at naiwan kaming dalawa ni Pula.
Akala ko ba nandyan lang siya kung kailangan ko ng tulong? Oo, nandyan nga siya pero hindi naman ako tinutulungan. Pag ako nainis palalayasin ko to.
“Ang ingay mo!” lumabas siya ng kwarto na bagong gising. Gulo gulo pa yung buhok niya. Parang ano… Parang… Basta, ang sexy tignan. I mean, ang panget niya. Hmp.
Dumiretso siya sa ref at kumuha ng gatas. Nakapikit pa siya habang umiinom. Nagmumog na kaya tong ungas na to?
“Ako na dyan.” Lumapit siya sa'kin at kinuha yung basahan na hawak ko. Sinuklay pa niya yung buhok niya gamit ang kamay niya. Wow! Effortless. Ano kayang shampoo nito? Parang napaka-smooth ng hair.
“Mabuti pa nga nang may pakinabang ka.” Umupo ako sa sofa at nagbukas ng TV.
“Uupo at manunuod ka na lang dyan? Magluto ka na, tanghali na.” sabi ni Pula habang nagpupunas ng sahig.
Tumayo na lang ako at padabog na pumunta sa kusina. Lasunin kita dyan, eh.
Nagsaing na ako at bumalik sa panunuod ng TV. Mamaya na yung ulam. Pagiisipan ko pa kung anong masarap lutuin. Yung hindi mahahalata ni Pula na may lason. Hahaha!
“Tapos ka na magluto?” tanong niya. Tapos na siya maglinis. Ang galing.
Umiling ako.
“Tsk! Ako na magluluto, baka lasunin mo pa ko.” Pumunta siya sa kusina at sinundan ko. Kainis! Natunugan niya ang binabalak ko.
Pinanood ko na lang siya habang nagluluto. Infairness, ang sarap niya magluto. Pagkatapos kumain ay siya rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Ganyan dapat. Matuto naman siya maging gentleman hangga’t wala si Nanay. Hindi yung puro pagsusuplado ang alam niya sa buhay.
💚💚💚
Nakakabagot talaga kapag bakasyon. Walang magawa dito sa bahay. Tapos wala rin ako maka-usap. Nagkukulong kasi sa kwarto si Red, at nandito rin ako sa sarili kong kwarto.
“Pasyal tayo.” Nagulat ako nang biglang may nagsalita.
Hindi talaga to marunong kumatok.
“Huh?” Ako.
“Pasyal tayo. Nakakabagot dito.” Red.
“Date?” pangaasar ko. Haha. Paano kaya kapag nag-aya siya ng date? Ganito rin kaya kahambog? As in bigla na lang siya susulpot at sasabihing ‘date tayo’.
Nanlaki yung mga mata niya na natural namang malaki.
“Wag na nga!” sabi niya at dinabog yung pinto.
Lokong ‘to. Bigla na lang nagdadabog. Tinanong ko lang naman kung magde-date kami, anong masama dun?
Bahala nga siya. Ang gulo ng lahi niya.
Wala pang isang minuto at bumukas ulit ang pinto.
“Date na kung date! Maligo ka na.” Pula. At sinara ulit ang pinto.
Ano daw? Date nga talaga? Kami? As in, kaming dalawa? Magde-date kami?! Waah! Paulit-ulit? Pero date talaga? As in D-A-T-E?!
Ayoko! Haha. Ayoko nga makipag-date sa kanya. Magagalit si Taehyung. E kasi nga diba, ayaw niya daw ako nakikitang may ibang kasama?
Pero hindi naman niya malalaman, diba? At saka hindi niya naman siguro kami makikita.
De joke! Friendly date lang naman 'to, walang malisya. Ako lang naman ang malisyosa rito. Wala naman masama kung mamasyal kami ni Pula dahil bored kami parehas. Baka masiraan pa kami ng bait dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
A Deal with Mr. Stranger ✓
Teen Fiction"If breaking her heart is the only consequence for my happiness.. I'm still going to take the risk."