Chapter 38 - Misunderstood

3.5K 88 3
                                    

Ayesha’s POV

After 2 weeks ng pagtitiis ko sa kahambugan ni Kean ay finally Bangtan Night na bukas. Last practice na ngayon. Kasali ako sa mga sasayaw, ang galing ko eh. Mukha lang akong tuod na nagsising and dance.

Ibang group ang kasama ni Hub magperform since all girls kami dito. Hub na ang tawag ko kay Taehyung since wife ang tawag niya sa’kin. Short for husband, ayoko kasi ng hubby gusto ko 1 syllable lang.

“Wife.” Inabutan niya ko ng tubig. Water break kasi.

Kung wala pang tumawag sa hambog na si Kean ay wala pa ata siyang balak pagpahingahin kami. Buti pa si Wren mabait sa tinuturuan niya which is Taehyung’s group. Sa ibang room sila nagpapractice, nangapitbahay lang ang magaling kong boyfriend.

Sumandal ako sa balikat niya at sinandal niya rin yung ulo niya sa’kin. I’m so tired na kaya. Palibhasa mukhang hindi nauubusan ng energy yung hambog na yun. Di na naawa sa’min. Ako pa yung laging pinapansin.

“Hub, may napapansin ka bang kakaiba kay Kendra at Wren?” tanong ko. Kasama kasi sa group niya si Kendrabels.

Pansin ko lang kasi parang lalo silang nagkakalabuan ni Wren at nagiging mas okay yung relasyon nila ni Gon.

“Uhm, kay Garcia wala. Pero kay Kendra meron.”

“Ano?”

“She’s weird.” Taehyung.

“Akala ko pa naman kung ano. Matagal nang weird yun.” Akala ko something na involved si Wren yung napansin niya. Yung kawirduhan lang pala ni Kendrabels.

“Not as weird as the usual. I think she’s trying to act like a normal person when Wren is around.” Taehyung.

“Di nga?!” seryoso? Si Kendra nagpapakanormal pag nandyan si Wren? Aba’y weird nga yun. Abnormal yung gagang yun eh.

“And she’s being herself with Killua.” Dagdag ni Taehyung.

Alam ni Taehyung yung tungkol sa magulong relasyon nila Kendra dahil sinabi ko. Haha. At napagalaman ko na close din siya kay Gon Killua dahil team mates sila dati.

“Baka pinagseselos niya si Wren.” Ako.

“Maybe, but I don’t think so.” Taehyung.

Kanina pa ko ineenglish ng lalaking to ah. English day ba ngayon? May araw na ang galing niya magtagalog, may araw na kinokorean niya ko at hindi kami nagkakaintindihan, at may araw din na English lang siya ng English. Isa pa tong weirdo.

Inalis niya sa pagkakasandal yung ulo ko. At hinarap ako sa kanya.

“I have an idea.” Siya.

“Ano?”

Tinuro niya nguso niya.

“Kiss muna.”

Tsk! Ayan na naman tayo eh. Mukhang kiss! ManyaKISS! Haha.

“Solohin mo na lang yang idea mo.” Uminom ako ng tubig tapos kinuha niya yung bote at uminom din.

He smirked. “Indirect kiss will count.” Tumawa siya.

Biglang uminit ang pisngi ko. Waah! Counted ba talaga yun? Indirect kiss? Di ko na kaya to! Araw araw na ko magbabaon ng tubig tapos papainumin ko muna siya bago ako uminom. Hahahaha! De joke!

“Guys, resume na tayo para maka-uwi tayo nang maaga.” Kean.

Tumayo ako para pumwesto na sana pero hinawakan ni Taehyung ang kamay ko. Tinignan ko siya ng nagtataka kung bakit niya ko pinigilan.

“I love you.” Taehyung.

Ngumiti ako. Alam ko naman eh and I love him too, ramdam niya naman siguro.

Binitawan na niya ang kamay ko nang hindi ako sumagot. Nag-wink muna siya bago bumalik sa practice room nila.

“Kapag ako ba ang nag I love you sasagutin mo ko ng I love you too?” bulong ni Kean nung dumaan ako sa harap niya.

Huminto ako. Asa siya! Bakit ko naman siya sasabihan ng I love you too?! The hell!

Tumingin ako sa kanya at naka-smirk siya sa’kin. His signature smirk.

Pero pwede rin pala noh? Diba nga kaya ayoko mag I love you sa isang tao kasi baka may mangyaring masama gaya ng napapanuod ko sa movies. Bakit hindi ko i-try kay Kean nang mapatunayan? Haha.

Okay lang naman kahit may mangyaring masama sa kanya. Ayos pa nga yun eh, mawawalan ng hambog sa mundo. Joke! Kahit naman dimunyu siya sa buhay ko ay masama magwish nang masama sa kapwa.

Napansin kong medyo nagtaka siya. Hindi ko kasi mapigilang di mapangiti sa naiisip ko.

“I love you.” Sabi ni Kean. Ginaya pa niya yung pagkakasabi ni Taehyung ng I love you. Nangaasar lang yan.

This time ako naman ang nag-smirk. At ngumiti ako ng malapad.

“I love you too.” sagot ko sabay wink din sa kanya. Hahaha! Akala mo ikaw lang may ganyang talent? Tsk!

Medyo natigilan siya pero nakabawi din kaagad. Lumingon siya sa may pinto kaya lumingon din ako.

Nagulat ako nang makita ko si Taehyung na masama ang tingin sa’min ni Kean. Nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

“Taehyung.” Tawag ko pero agad siyang tumalikod at naglakad palayo.

Tinapik ako ni Kean sa balikat at umiling siya sa’kin.

“Hindi ka dapat sa’kin nag I love you too kundi dun sa boyfriend mo.” Kean.

For the first time ay mukha siyang seryoso at matino ang sinabi niya. Pero hindi naman ako sincere dun sa sinabi ko eh. Sinubukan ko lang naman.

“Wag ka magalala, matagal ko na alam na mahal mo ko.” Dagdag niya.

Tinignan ko siya ng masama. Binabawi ko na yung sinabi ko na matino siya for the first time.

“Bwisit ka talaga! Alam mong nandyan siya kanina noh? Nananadya ka lang.”

Nag-smirk siya.

“Syempre oo. Malay ko bang mahal mo pala ako. Nasaktan tuloy boyfriend mo.” Kean.

“Arg! I hate you!”

“Kasasabi mo lang kanina mahal mo ko. Haha!” Kean.

Wala na kong panahon makipaggaguhan sa Kean na to. Kailangan ko pa sundan si Taehyung.

💚💚💚

Taehyung’s POV

Pabalik na sana ako sa practice room nang may naalala ako. May pinapakuha nga pala sa’kin si hyung sa practice room nila wife kaya ako pumunta dun.

Pagbalik ko sa practice room nila, I saw her talking to Kean. She’s smiling and so is Kean.

I walked closer and heard something that made my blood boil.

“I love you.” Kean said.

Can I wring this bastard’s neck now?

My wife smirked and answered, “I love you too.”

Did I heard it wrong? She didn’t say I love you too, right?

Tell me she’s kidding.

Bakit siya nag-I love you too sa Kean na yun? While she can’t say those words to me.

Mahirap ba sabihin sa’kin yun at ganun kadali kay Kean? Does it mean na totoo yung sinabi nun ni Kean na may gusto sa kanya si Felice? Damn it!

Bakit pa niya 'ko sinagot kung may iba naman pala siyang gusto?! Is she just using me?

Lumingon silang dalawa sa’kin. She looked like I just caught her in the act of doing a crime. Nagulat siya na narinig ko yung sinabi niya. Hindi niya in-expect na maririnig ko yun.

It damn hurts to hear her say those words to another guy. I’ve been waiting for her to say those words to me but she fucking can’t. I thought I should give her time until she can say that, but damn it. Hindi niya lang pala talaga ako mahal at yung Kean na yun ang mahal niya!

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon