Chapter 50 - Saeng-il Chukhahae

3K 88 6
                                    

“Hi baby!” masiglang bati ni Briel nung pababa ako sa hagdan.

Muntik na ko malaglag dahil sa pagkagulat. Anong ginagawa nilang dalawa dito?! Alam nila ang address ko? Naglevel up na ba ang pagiging tagahanga nila at ngayon ay stalker ko na sila?

“Anong ginagawa ninyo dito? Paano kayo nakapasok?” medyo nagpapanic na tanong ko.

“Pinapasok kami ni Manang Yoleng.” Sagot ni kahel.

“Nabalitaan namin na umalis daw si Kendra at si Red. Nandito kami kasi baka kailangan mo ng kaibigan.” Briel.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang galing ng timing nila ngayon ah. Kailangan ko nga ng kaibigan. Bakit ba nakalimutan ko na nandiyan lang nga pala sa tabi tabi ang annoying duo na pwede kong maging kaibigan kahit hindi katiwa tiwala ang pagmumukha nila.

“Baka kailangan mo rin ng boyfriend mylove. Pwede ako.” Pagpepresinta ni Kahel.

Natawa na lang ako. Walang improvement ang dalawang ‘to. Ang sakit pa rin nila sa bangs.

“Ako na lang baby. Mas gwapo ako dito kay Kahel. Tapos may abs pa ko.” Itinaas niya yung damit niya at napatakip ako ng mata. Walangyang Briel ‘to. Ang aga aga ginagawang makasalanan ang mga mata ko.

“Ganito nablang. Idate natin ng sabay si Yesh tapos may the handsome man win na lang ano?” hamon ni Kahel kay Briel.

Pumayag naman si Briel kaya naligo na ko at nagbihis para makaalis na kami. Sasama na lang ako sa dalawang baliw kesa mabaliw ako dito mag-isa kakaisip sa boyfriend ko na walang pakialam sa’kin. Atleast ngayon may karamay ako.

“Mas maganda ‘to.” Kahel.

“Mas maganda ‘to.” Briel.

Kanina pa kami dito sa mall at nahuhuramintado na ang brain cells ko sa dalawang to. Hindi sila magkasundo sa mga bagay na gusto nila. Ang sakit sa atay. Bandang huli ako rin ang nagdedecide kung anong gagawin namin at kung saan kami pupunta.

“Umuwi na nga lang tayo. Pinapasakit ninyo ulo ko.” Reklamo ko.

“Hindi ka pa namin pwedeng iuwi. Lagot kami.” sabi ni Kahel.

Bigla siyang siniko ni Briel.

“Ngayon lang kami magkakaroon ng pagkakataon na makadate ka kaya sulitin na natin. Diba, Kahel?”

Ngumuso si Kahel na nakahawak pa rin sa sikmura niya na siniko ni Briel. Susuko ang brain cells ko sa dalawang ‘to.

Finally ay medyo nagkasundo na silang dalawa at medyo nakahinga na ang brain cells ko. Pumunta kami sa Blue Magic at pinapili nila ako ng kahit ano daw na gusto ko. Bibilhin daw nila para sa’kin. Pinili ko yung isang blue na teddy bear at nung babayaran na nila eh nag-away pa sila. Ayaw daw nila maghati sa bayad. Bandang huli dalawa ang kinuha kong teddy bear, isang blue isang pink at tig isa sila ng binayaran. Kaloka.

Pagdating namin sa bahay ay nakapatay ang ilaw. Medyo madilim na kasi. Umalis siguro si Nanay. Pero may naaamoy ako na parang may iniihaw sa likod ng bahay.

“Oy!” reklamo ko nang biglang tinakpan ni Kahel ng blindfold ang mata ko. Wala akong makita. Pilit kong inaalis yung blindfold.

“Wag kang magulo. Sumunod ka na lang. Sumusunod lang din kami sa utos.” Briel.

“Leche kayong dalawa! Wag ninyo kong kidnapin mas mayaman kayo sa’kin. Wala akong pambayad ng ransom.” Reklamo ko habang pinipilit ko makawala.

Tumawa sila pareho at inalalayan ako sa paglalakad. Sumunod na lang ako kesa kaladkarin nila ako. Mamaya may itinatago pala silang baril at bigla na lang nila ko paputukan kapag naimbyerna sila sa’kin. Kawawa naman yung mga may crush sa’kin. Iiyak silang lahat. Magluluksa ang buong Pilipinas kapag nawala ako.

Nang huminto kami sa paglalakad ay mga isang minuto rin siguro ang lumipas bago may nag-alis ng blindfold ko.

“Happy birthday, Wife.” Bulong ng nagtanggal ng blindfold ko at niyakap ako mula sa likuran.

Napatingala ako sa kalangitan nang may narinig akong tunog ng fireworks.

OMG! Ang ganda ng fireworks! Nakakaiyak. Nakaka-touch. Teka. Birthday ko ba ngayon? Anong date ba ngayon? Bakit niya ko binati ng happy birthday?

“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you.” May mga kumakanta.

Masyado akong naaliw sa panunuod sa makukulay na fireworks kaya hindi ko kaagad napansin na hindi lang kami ang tao dito sa likod ng bahay. Nangilid ang luha ko nang makita ko yung babae na may hawak ng cake na may nakasinding kandila.

“Ma!” agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Kinuha ni nanay yung cake na dala niya.

“Happy birthday, anak.” Garalgal na sabi ni mama.

Grabe! Naiyak na talaga ako. Sobrang miss ko na kasi si mama. Ang tagal din namin hindi nagkita. Ang dami ko gusto ikwento sakanya. Ang dami ko gusto gawin kasama siya.

“Thanks, ma. I love you.” First time kong sabihin sakanya ‘to. Alam kong alam niya naman na mahal ko siya pero ngayon ko lang kasi ivovoice out ‘to. Alam niyong takot ako mag I love you sa isang tao. Pero para sa’kin si mama ang pinaka deserving na makarinig nito. She deserves to know that I love her.

Lalong naiyak si mama sa sinabi ko. Humagulgol siya sa pag-iyak.

“Ma, thank you kasi ikaw ang mama ko. Thank you kasi kung hindi dahil sa’yo wala sanang Felice na magcecelebrate ng birthday ngayon. Thank you ma.” Sabi ko habang umiiyak.

Birthday ‘to at hindi lamay pero syet lang, feel ko talaga umiyak ngayon. Bihira kasi ako magcelebrate ng birthday na kasama si mama. Usually kasi ay tuwing Christmas siya nakakauwi sa bansa.

Pagkatapos ko magdrama ay may pumasok na katanungan sa isip ko. “Ma, bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka? Kelan ka pa nakauwi?”

Bahagyang natawa si mama sa biglaang tanong ko. Lumingon siya sa gawi ni Taehyung at ngumiti.

“Sinundo ako ng boyfriend mo. Gusto ka raw niya i-surprise.” Nakangiting sabi ni mama habang nakatingin kay Taehyung na nakatayo malapit sa’min. Ngumiti din siya kay mama.

“What?! Sinundo ka? Saan? Sa airport?”

“Sa Canada.” Sagot ni mama. “Ikaw ah anak, hindi ka nagsasabi sa’kin na may boyfriend ka pala na kasing sweet niya. Ang swerte mo.”

Muntik nang hindi madigest ng magaling kong utak ang sinabi ni mama na sinundo siya ni Taehyung sa Canada. Kaya ba isang linggo siyang hindi nagparamdam kasi nandun siya sa Canada nung time na yun?

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon