Chapter 37 - Kendra-in-disguise

4K 90 3
                                    

Ayesha’s POV

Kanina pa wala sa sarili si Taehyung habang nagdadrive. Ano kayang iniisip ng lalaking to?

“Oy, okay ka lang?”

Napalingon siya sa’kin na parang nagulat. Tumango lang siya.

“Sigurado ka? Kanina ka pa wala sa sarili eh. Baka maaksidente tayo niyan.”

“Yeah I’m fine.”

Fine daw eh halata naman na may iniisip siya. Tsk! Hayaan na nga lang kung ayaw niya ishare. Baka iniisip niya yung nakita niya. Affected masyado. Di pa rin ata talaga nakakamove on kay Keziah.

💚💚💚

Kendra’s POV

Lumabas ako ng bahay na naka-diguise. Pinagtataguan ko kasi yung naggagwapuhan kong mga boyfriend. Baka pag-agawan na naman ako. Hmp. Ang hirap talaga maging maganda. Kainis.

Kanina galing dito sa bahay si Wren pero pinagtaguan ko, pinasabi ko kay mommy na sabihin wala ako. Ganun din si Gon. In-off ko rin ang phone ko para di nila ko ma-contact.

I need a break. Kailangan ko ng beauty rest.

Todo shades pa ako kahit gabi na, at talagang naka-hoodie pa ako. Baka maexpose na naman ang kagandahan ko eh.

Ang init pala ng ganitong get up. Tiis ganda kung tiis ganda to.

“Kyah!” tili ko nang bigla na lang may humila sa’kin papunta sa madilim na part ng park.

“RAPE! RAPE! RAPE!” sigaw ko.

Tinakpan nito ang bibig ko habang nagpupumiglas ako. Kapag ako nakawala rito bibigwasan ko 'to.

“Tha panget mong yan, atha kang rereypin kita.”

Yabang nito! Nagsusuggest lang naman eh. Hmp! Kunyare pa, pinagnanasaan niya rin naman ako. Hahaha.

“Sinusundan mo ba 'ko?!” tanong ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Naka-disguise na nga ako eh. Gusto ko lang naman mapag-isa.

“Pinagtataguan mo ba ko?!” he asked back.

Obvious ba? Ang manhid ng bully na to. Magdidisguise ba ko kung hindi ako nagtatago?

“Bakit naman kita pagtataguan?”

“Eh bakit ka nakasuot nito?” tinanggal niya yung suot kong shades na heart shape. “At ito?” inalis niya sa ulo ko yung hoodie na may bunny ears. Ang cute kaya.

“Nababaliw ka na ba talaga, Kendra? Ang init init ganyan ang suot mo?! At heart shape shades pa talaga with hoodies na may bunny ears. Kung magdidisguise ka try to be normal not abnormal.” sermon niya.

Kaimbyerna tong Bully na to. Ang KJ. Sayang effort ko magdisguise kung makikilala naman pala niya ko agad. Ang hirap maging maganda, kapansin-pansin.

“Bakit ka ba nandito? Dun ka na nga sa SPECIAL SOMEONE mong kulot!” Maghahanap na nga lang ng isasabay sa’kn yung kulot pa. Pakulot din kaya ako?

“Nagseselos ka ba?”

Ako magseselos? Dhuh! Bakit naman ako magseselos sa babaeng kulot? At saka may Gon pa ko noh! Pinagsisisihan ko na yung sinabi ko kay bru na mahal ko siya.

“Bakit naman ako magseselos?! Dyan ka na nga, makikipagkita pa ko kay Gon.” Pero syempre char lang. Tinataguan ko nga tapos makikipagkita ako. Tinalikuran ko siya.

“Hello Sofia?... Ah yes… may nakita lang akong kakilala… I’ll be right there…”

Lumingon ako para tignan si Wren na may kausap sa phone. So, nagkataon lang na nakita niya ko dito? Nakakatampo ah. Akala ko pa naman sinundan niya ko. Haay Kendra assumera mana kay Ayesha.

Nag-smirk siya sa’kin saka siya tumalikod.

Arrgg! Bwisit ka, Wren! Magsama kayo ng kulot na yun!

In-on ko ang phone ko at tinawagan ko si Gon. Akala mo ikaw lang ang pwede makipagkita ngayon sa iba? Pwes! Nagkakamali ka!

“G!... Nalowbat kasi ang phone ko… Galing ka raw sa bahay kanina?...” talagang nilalakasan ko ang boses ko para marinig ni Wren. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya I’m sure na naririnig niya ko.

“Sige… Puntahan mo na lang ako dito sa park ng village namin… Okay… love you too…”

💚💚💚

Wren’s POV

Di raw nagseselos. Tsk. Tumalikod siya sa’kin kaya nagkunwari akong may kausap sa phone.

Nakakagago pala magpanggap na may kausap kahit wala naman talaga. Nang mapansin ko na mukhang nagseselos nga siya nag-smirk ako at saka ako tumalikod at naglakad. Natutunan ko yan kay Kean. Ganyan ang ginagawa niya pag may gusto siyang paaminin na babae. May pakinabang din naman yung gago kong kuya kahit papaano.

“G!...” narinig kong sabi ni Ugly. Nagpapanggap lang yan Wren, wag kang padadala sa arte ni Ugly.

“Nalowbat kasi ang phone ko… Galing ka daw sa bahay kanina?...” binagalan ko pa ang paglalakad para marinig ko ang usapan nila nung hello kitty na yun.

“Sige… Puntahan mo na lang ako dito sa park ng village namin… Okay… love you too…” ano?! Bakit siya nag I love you sa hello kitty na yun?!

Sa’kin lang siya dapat mag-I love you!

Wag kang babalik, Wren. Wag kang lilingon. Hindi totoo yung narinig mo. Pinagseselos ka lang din ni Ugly.

Nung alam kong hindi na niya ako nakikita ay nag-iba ako ng daan. Patago akong bumalik at nagtago sa likod ng mga halaman.

Awts! Kanina pa ko kinakagat ng lamok dito. Ano pa bang ginagawa ni Ugly diyan? Naka-upo siya sa swing at nakatitig sa phone niya. Bakit ba di pa siya umuwi? Parang tanga.

Dinial ko ang number niya at nakita kong tinitigan niya lang ang phone niya hanggang kusang mamatay yung tawag. Tsk! Bakit ayaw niya sagutin yung tawag ko?!

“K! Sorry natagalan ako. Buti nakipagkita ka sa’kin. Akala ko pinagtataguan mo na ko eh.” Sabi nung babae ay lalaki pala na dumating. Ano ba talagang nagustuhan ni Ugly diyan sa Hello Kitty na yan eh mas mukha pa yang babae kesa sa kanya.

Tumayo siya at sinalubong si hello kitty, at nakita kong kiniss siya nito sa cheeks. Gago to, ah! Ako lang pwedeng humalik kay Ugly!

“Okay lang. May pinuntahan kasi ako kanina kaya hindi mo ko inabutan sa bahay.” Ugly.

Tsk! Sinungaling. May pinuntahan daw, eh ang tagal kong nag-abang sa labas ng bahay nila hindi naman talaga siya umalis. Buti na lang malakas ako sa kasambahay nila at sinabing nagtatago si Ugly nung bumalik ako.

“Ah ganon ba? Nag-dinner ka na?” Hello Kitty.

Medyo humihina ang usapan nilang dalawa kaya mas dumikit pa ko sa halaman para marinig ko sila ng maayos.

“aw!” aray! May tinik pala tong halaman na to.

“Ano yun? Narinig mo ba yun?” tanong ni Ugly kay hello kitty.

Tinakpan ko ang bibig ko. Baka mabisto pa ko, pagkamalan pa kong stalker.

Nakita kong palapit siya sa pinagtataguan ko kaya napilitan akong magpanggap na pusa.

“meow. Meow. Meow.” At dahan dahan akong tumakas mula sa pinagtaguan ko.

Saktong nakaalis na ko nang makalapit sila. Phew! Muntik na yun Wren.

Ang hapdi ng balat ko. Asar! Nagasgasan pa ang makinis kong kutis sa halaman na yun. Para akong kinalmot ng pusa.

Paano ko pa maririnig yung pinaguusapan nila ngayon?! Paano kung pagsamantalahan ng Hello Kitty na yun ang Ugly ko?! Ako lang pwedeng gumawa nun!

Hindi pwedeng mapunta sa iba si Ugly dahil akin lang siya. At hindi siya pwedeng maglandi sa iba. Kailangan na talagang mawala sa landas ko yung Hello Kitty na yun.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon