Chapter 8 - The Ugly and The Bully

5.9K 136 11
                                    

Ayesha’s POV

Pagkatapos ng exam namin ay nowhere to be found na naman ang bruhang si Kendra. Bigla na lang nag-evaporate. Kaninang umaga napansin ko na parang problemado siya, at bago ko pa siya natanong ay naglaho na si gaga.

Pumunta na lang ako sa Bangtan para may magawa naman ako sa buhay ko gaya ng ibang estudyante na abala sa paga-apply sa iba’t ibang clubs.

“Next!” tawag ng isang officer sa susunod na maga-audition. Sa dami na ng nakapag-auditon ay dalawa pa lang ang pinalad na makapasok sa Bangtan. Ang tindi naman kasi ng panel. Isa sa kanila si Jairus. Wala si Taehyung, hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo.

Agaw pansin ang pagpasok ng susunod na applicant. Naka-suot ito ng sleeveless shirt na abot hanggang bewang ang butas, at naka-jeans na butas butas, nagdamit pa siya.

“Mr. Erone Briel Park?” paninigurado ni Jairus.

Deputa! Si Briel ba talaga yan? Bakit ang sexy? Pero oo nga mukha pa lang Briel na. Hindi lang halata sa katawan. Kanina lang mukhang gusgusing bata to tapos ngayon swag na. Aba’y nag-evolve!

Tumango ito at may ibinigay na flash drive sa isa sa mga staff. Tumingin muna siya sa'kin tapos nag-smirk bago tumalikod para hintayin magsimula ang music.

Kasabay ng explosion effect ay ang isang back flip na nagpanganga saming lahat na nanunuod. Nagsimula siyang umindak sa hiphop music na baon niya. Mayroon pang part na nagtaas siya ng shirt at napa-nganga ako sa nakita ko. Abs! Nagtilian lahat ng mga babae. Pati ako ay nakitili na rin. Classmate ko yan eh! Kailangan icheer!

Matapos ang nakakalokang performance ay oras na para sa hatol ng judges. Sigurado namang pasok siya, hinihintay na lang ang comment ni Jairus.

“We’ll let you know if you made it or not.” Sabi nito at itinuon ang pansin sa mga papel na nasa harap niya.

What?! Bakit ganon? Hindi ba dapat sabihin na niya agad na pasok ito gaya nung dalawang nag-audtion kanina. Kung tutuusin ay di hamak na mas magaling si Briel sa mga 'yon.

Nagsimulang magbulungan ang mga audience at walang pakialam si Jairus. Patuloy lang siya sa pag-scan sa mga papel sa harap niya.

Kinausap siya ng iba pang panel. Mukhang hindi siya interesado sa mga sinasabi ng mga ito. Tumingin na lang ako kay Briel na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harap ng judges. I think Jairus is being unfair. Siguro naman kung tatanungin mo lahat ng nandito ay sasabihin nilang deserving si Briel na makapasok sa Bangtan.

Tumayo ako at pumalakpak. Nagtinginan naman silang lahat sa'kin. Bigla na lang kasi akong umeksena habang loading pa ang lahat sa kaganapan. Isa isa din silang nagtayuan at nagsipalakpak. Mga gaya gaya. Pero atleast, standing ovation si Briel kahit ganon ang desisyon ni Jairus.

“Welcome to Bangtan.” Biglang nagsalita si Jairus kaya na-divert na sa kanya ang atensyon ng lahat. “Next please.”

Paglabas ni Briel ay sinundan ko siya para i-congratulate.

“Congrats!” patakbo akong lumapit sa kanya at sinuntok siya sa braso, bagay na pinagsisihan ko dahil ako pa yung nasaktan. Ang tigas ng muscles. Bakit hindi ko ata to napapansin dati? Ngayon lang talaga.

“Thanks, baby.” kumindat ito, buti na lang sanay na 'ko sa kaka-baby nitong Briel na to, “Tara sa cafeteria? Sagot ko.” Dagdag nito habang pinupunasan ang pawis sa katawan. Gusto ko mag-volunteer na punasan yung pawis niya kaso wag na. I’m shy.

Hindi ako marunong tumanggi sa libre kaya gora na ko. Sayang din yan.

Pumwesto kami sa table na malayo sa kabihasnan. Yung wala masyadong tao. Umalis na muna siya para bumili ng makakain at naiwan akong mag-isa sa table.

A Deal with Mr. Stranger ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon