Kabanata 1

14.5K 405 119
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng bahay ko. Hindi ko kasi maipaliwanag itong nararamdaman ko.

Kanina pa ako natapos sa pagkain ko. Ang sarap nga ng ulam ko eh. Ang pambansang ulam ng mga pogi.

Pechay.

Paborito ko kasi ang pechay lalo na kapag isinasawsaw ko iyon sa patis. Heaven ang feeling kapag kumakain ako no'n.

And speaking of pagkain... Kanina pa nga ako hindi mapakali. Iniisip ko kasi kung nasa labas pa rin ba 'yung palaboy na babae kanina.

Katunayan, hindi naman halata na palaboy siya. Mukha kasi siyang mayaman na spoiled brat, nalaman ko lang na palaboy siya dahil medyo may karumihan na ang suot niya.

Ano kayang nangyari sa babaeng iyon at pagala-gala sa kalsada? Haaayyy. Bahala na nga. Wala naman akong pakialam sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala.

Umupo muna ako sa sofa upang kumalma. Binuksan ko ang t.v at agad kong nakita ang kamukha ko. Well, sabi sa akin ni Allan at Peter ay kamukha ko raw si Daniel Padilla.

Sus! Hindi naman ako naniniwala dahil mas gwapo pa ako doon. Wala namang abs iyon eh, tapos ako mayroon. Hehehe.

Wala rin pala akong trabaho ngayon. Sa susunod na araw pa dahil iyon ang schedule ko. Paiba-iba naman kasi ang araw ng pagpasok ko sa trabaho ko dahil working student ako.

Masipag na pogi kasi ako dahil bukod sa nag-aaral ay nagtatrabaho pa. Kaya maraming mga girls at pa-girls ang inlove na inlove sa katulad ko dahil bukod sa pogi na, macho pa at syempre ay masipag pa.

Napahinga ako ng malalim nang maramdaman kong humahangin ng malakas. Shet! Bakit ang lakas ng hangin? Eh nakapatay naman ang electricfan ko?

Siguro dahil gwapo ako at ayaw lang akong mapawisan ni Lord. Hehehe ang bait mo talaga sa akin big brother.

Nawala lang ang pagtataka ko sa malakas na hangin na bumabalot sa bahay nang marinig ko ang pagpatak ng ulan sa bubong ng bahay ko.

Shet naman!

Ngayon pa umulan ng malakas kung kailan butas ang yero sa may bandang kwarto ko?

Bahala na nga, kapag tumila ang ulan kinabukasan ang bukas ko na lang kukumpunihin ang nabubulok na yero sa bahay ko. Tamang-tama, day off dahil sabado at wala rin akong pasok sa school.

Heaven!

Napasulyap ako sa bintana nang makita kong kumidlat ng malakas kaya mabilis kong pinatay ang telebisyon at saka prenteng umupo sa sofa.

Nakataas pa ang paa ko sa may lamesa dahil ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang lamig! Para akong naka-aircon.

Napasarap ako sa pwesto ko kaya hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko nang marinig kong sunod-sunod na kumidlat ng malakas.

Narinig ko pa ang malalakas na pagtahol ng mga aso ng kapitbahay ko. Tumatahol lang naman ang mga friends kong aso kung may tao sa labas.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng bahay.

Pagbukas ko ng pintuan ay halos mapanganga ako nang makita kong may nakahigang babae sa harapan ng bahay ko.

Nanginginig at basang-basa ng ulan.

Teka?!

Ito 'yung palaboy kanina ah?

Dali-dali akong kumuha ng payong sa loob ng bahay. Binuksan ko iyon at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng babaeng nakahiga sa malamig na semento.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon