Woah!
This is it! This is really is it!
Kanina pa nga nakamulat ang mata ko at kanina ko pa tinititigan ang calendar sa cellphone ko!
April 20!
Hindi ko inaakala na sa araw na ito ay bubungad sa akin ang bago kong Vivo V7+ na regalo sa akin ng dalawang mababait at magigiting kong kaibigan.
Kaya naman tulad ng pag improve ng cellphone ko ay pag improve din ng mga pictures ko. Kung dati ay hindi naman high definitions ang kinukuhanan ko ng litrato, ngayon ay ultra HD na ang mga photos ko with selfie hd camera! Ang bangis!
Speaking of selfie ay napansin ko si Pech na natutulog ng mahimbing sa tabi ko. Napangiti pa ako nang makita ko ang halos natutuyo ng laway sa may gilid ng labi niya.
Hinawakan ko ang malambot at nakaka-akit na labi niya at saka ko iyon dahan-dahang idinikit sa labi ko.
Heaven!
Ang sarap sa feeling na maidikit ko ang labi ko sa napaka lambot na labi ng minamahal ko. Pero bakit parang ang init niya?
Ah siguro dahil hindi ko nabuksan ang aircon kagabi.
Muli ko siyang hinalikan, Kaya naman bago pa matapos ang nakakabaliw sa kasiyahan na umaga ko ay muli kong kinuha ang cellphone ko at saka nag status.
Feeling happy!
Feeling happy kasi birthday ko ngayong araw at dahil nga birthday ko ay tinambakan ako ng mga birthday greetings ng nga pasikat at pabibo kong friends lalo na si Allan at Peter.
Mamaya-maya ko na lamang rereplyan ang mga taong bumati sa akin sa facebook ko. Ang importante ay makapaghanda ako ng pagkain para sa aming dalawa ni Pech.
Mamayang tanghali ay pupunta sina Allan at Peter dito sa resthouse at balak ko naman mamayang hapon ay pupunta kami ni Pech sa bayan upang kumain naman sa labas, iyon ay para sa meryenda at dinner na namin ni Pech.
May naitabi naman akong pera at binigyan din ako ni Allan at Peter ng tulong nila. Sa totoo lang ay sobra-sobra na ang itinutulong sa akin ng dalawa kong kaibigan pero wala naman akong magawa kung hindi tanggapin ang iniaalok nilang tulong sa akin dahil wala naman akong mapagkukunan ng iba ko pang pangangailangan kung hindi sa kanila lang din naman.
Habang nagluluto ako ay halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may yumakap sa akin, "Hmmm..." Si Pech!
Kakagising lang niya.
Ngumiti ako at saka hininaan ang apoy sa kalan bago ko siya hinarap at pinisil ang nakakagigil na pisngi niya, "Pech ko, nagluluto ako para sa celebration natin sa birthday ko!" Masaya na sabi ko sa kanya habang pinipisil-pisil ng marahan ang malambot na pisngi niya.
"Dito ka lang sa tabi ko, love. Panuorin mo akong magluto." Natutuwang sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang upuan malapit sa mesa at initabi ko ang upuan na iyon malapit sa kinaroroonan ko. "Ayan.. Diyan ka umupo, Pech.. Para maka-relaks kayong dalawa ni Baby." Sabi ko sa kanya. "Pero... Bakit ang tamlay mo?" Tanong ko sa kanya nnag mapansin kong tila matamlay siya ngayon.
Kinapa ko ang noo at pati ang leeg niya at napamura ako ng halos mapaso ang kamay ko sa mainit na katawan niya. Kaya pala kanina ko pa napapansin na mainit siya habang natutulog pa siya sa kama naming dalawa!
Hindi ako maka-concentrate. Pinalipat ko na rin si Pech sa sofa bed namin at pinabalik ko sa pagpapahinga ang taong mahal ko.
Balak ko pa naman sana na pumunta kami ni Pech mamaya sa bayan para makagala naman at para mai-celebrate ko na rin ang birthday ko.
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria