Kabanata 16

6K 238 55
                                    


"Nagrereklamo nga si Chelsea sa akin. Bakit mo daw hinawakan ang boobs niya?"

Nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo at panunuyo ng lalamunan nang maalimpungatan ako.

Nang maimulat ko ang mata ko ay agad kong nakita ang dalawang kaibigan ko na nag-uusap sa isang gilid. Hindi pa nila ako napapansin dahil masaya silang nagke-kwentuhan.

"Ha? Anong hinawakan? Wala akong hinahawakan na boobs noh?! Baka naman imagination lang ni Chelsea iyon." Sagot naman ni Allan sa sinabi ni Peter.

"Siguro nga.. Eh tayong magkakaibigan, magagaling tayong maglamas ng mga kayamanan." Natatawang sabi ni Peter sabay baling ng tingin sa akin. Nanlaki pa ang mata niya nang makitang mulat na ako. "Gising na pala si Hunter..."

"Pare?! Anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ni Allan. Sabay rin silang lumapit sa akin.

Gusto ko sanang suntukin ang dalawang kaibigan ko lalo na ng sabay nila akong yakapin ng mahigpit.

"Sa wakas.. Gising ka na rin." Ani Peter

Kaya lang, ayoko naman silang saktan dahil kaibigan ko silang dalawa. Para ko na nga silang kapatid.

Salamat na lang dahil mayroon akong mababait at magigiting na kaibigan na tulad ni Allan at Peter. Buti na lang talaga at narito silang dalawa para tulungan kaming dalawa ni Pech.

Wait....

Wait?!

Speaking of Pech..... "N—Nasaan si Pech?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang inililibot ang tingin sa buong kapaligiran.

"Si Pech?" Balik na tanong sa akin ni Allan at nagkatinginan pa silang dalawa ni Peter na para bang magkasintahan.

What the heck?! Sila na bang dalawa?!

Bakit hindi ako na-informed?

And speaking of informed... Kailangan ko ding malaman kung nasaan ako. "Nasaan ako?"

"Nasa hospital ka bro.. Tatlong araw ka na ngang natutulog. Mabuti nga at nagising ka na ngayon." Sagot ni Peter sa akin.

Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga ko. Tinulungan naman nila akong dalawa na makaupo ng maayos.

"Tol... S—Si Pech? K—Kailangan ko siyang makita."

Napansin kong nagbubulungan ang dalawa, kaya naman inis ko silang binalingan. "Ano? Si Pech?!"

"Eh... Eh, Tol kasi..."

Mariin akong napapikit at napahilot sa sentido ko. Unti-unti na ring pumapasok sa isipan ko ang mga huling kaganapan bago ako nawalan ng malay.

"Tol.. Kasi si Mia ay nakuha na ni Senator Del Valle."

Marahan akong tumango sabay punas sa luha kong mabilis na tumulo.

"Tol.. Nakiusap kami kay Senator na pagbigyan ka niya na makasama si Mia... Kaya lang, masyado siyang galit na galit sa'yo. Ipapapatay ka na nga niya kundi lang kami dumating at si Mia.."

Ayoko sanang makita ako ng mga kaibigan ko na umiiyak ako.. Kaya lang ay hindi ko naman talaga mapigilan.

"Bro... Binilhan ka na lang namin ng bagong cellphone, Vivo V7+. Brand new para naman may pang status ka sa facebook mo. Nasira na kasi ang phone mo."

Muli akong tumango at saka tinapunan ang tingin ang bagong cellphone na hawak ni Allan. Iniabot niya sa akin iyon.

"Maraming salamat sa inyong dalawa.. Gumagawa talaga kayo ng paraan para mapagaan ang loob ko." Sabi ko sa kanila.

"Basta sa'yo, pre.. Eh, magkakaibigan tayo. Magkapatid na nga ang turingan nating tatlo eh."

Gusto ko sanang magpost ng status sa facebook ko gamit ang brand new na cellphone ko, kaya lang ay hindi ko na dapat pang sayangin ang oras ko.

Mabuti na lang at linggo ngayon, wala kaming pasok. Kaya naman nagpasama ako kay Allan at Peter patungo sa bahay nila Senator Del Valle.

Madali naming natunton ang bahay dahil marami kaming napagtanungan.

Habang nasa biyahe kami patungo sa bahay nila Pech ay sinariwa ko ang masasaya naming alaala ni Pech.

"Ano, 'tol? Nakangiti kang mag-isa diyan ha? Nababaliw ka na ba?" Nang-aasar na tanong ni Allan sa akin.

Umiling ako.

Mayamaya ay huminto ang sasakyan ni Peter sa isang maganda at malaking-malaking bahay.

"Ito na ang bahay nila.."

Ibinaling ko ang paningin ko sa harapan ng bahay. Mayroong dalawang guard na nakabantay.

"Paano tayo makakapasok niyan?" Tanong ni Peter.

Tinignan ko ang paligid at halos manlaki ang mata ko nang makita kong papalabas si Senator Del Valle at si Mia..

Oh, my love.

"Sundan natin sila!" Ani Allan.

Sumakay si Senator Del Valle at si Pech sa isang sasakyan at nang maipaandar na iyon ay saka kami sumunod.

Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ngayon kaya kinuha ko ang brand new phone ko at saka nag open ng facebook.

Feeling nervous!

Iyan ang status of the day ko ngayon. Grabe! Three days pala akong hindi nakapag-status! Mabuti na lang talaga at naalala pa ako ng mga friends ko sa facebook.

"Peter... I heart react mo 'yung status ko." Sabi ko sa kanya. "Ikaw din Allan." Sabi ko pa.

Habang nasa biyahe at sinusundan ang sinasakyan ni Pech ay biglang pumasok sa isipan ko ang facebook account ni Pech..

Nag-search ako ng pangalan ni Pech sa facebook at halos maglupasay ako sa saya nang makita kong may facebook nga siya!

Pinindot ko ang add button. Alam ko namang hindi pa kayang mag-facebook ni Pech ngayon dahil sa sakit niya, pero umaasa ako na balang araw ay maaaccept niya rin ang request ko.

Kamusta na kaya ang baby namin...

Speaking of baby.. Shít! Paano kaya kapag nalaman na ni Senator Del Valle na magkakanak si Pech sa akin?!

Sumibol ang mas matinding kaba sa dibdib ko nang tumigil ang sinasakyan nila Pech sa isang hospital.

"Tamang-tama! May kakilala ako na nagtatrabaho sa hospital na iyan dahil minsan na ring nagtrabaho si Papa diyan." Sabi ni Allan habang itinuturo ang hospital kung saan pumasok si Senator Del Valle at ni Pech kasama ng ilang mga guards.

Agad na tinawagan ni Allan ang kakilala niya. Mabuti na lang talaga at mayroon siyang kakilala sa loob ng hospital.

"Tatawagan na lang daw ako ng kakilala ko kapag nalaman daw niya. May kausap daw si Senator Del Valle na doktor."

Tumango ako at huminga ng malalim. Siguro nga ipapagamot na ni Senator si Pech? Sana..

Ilang minuto pa ay nag-ring ang cellphone ni Allan. Naka-loud speaker ang cellphone niya kaya naririnig din namin ni Peter ang sinasabi ng kausap ni Allan.

"Allan.. Masyadong confidential, pero dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo ay tutulungan kita.. mabuti na lang at isa ako sa nakausap ni Senator Del Valle... Buntis si Mia at balak ipalaglag ni Senator ang bata!"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon