Kabanata 36

4.7K 217 37
                                    


"Congenital Heart disease... Yan ang sabi sa akin ng doktor noong naospital ako dati, pero wala na naman kasi akong nararamdaman na kahit ano kaya hindi na ako nagpa check up pa."

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya.

"Pero mali ka pa din. Dapat hindi mo binabalewala ang lahat ng bagay, Hunter. Kahit na wala ka ng nararamdaman o ano pa, sana kahit nagpa check up ka man lang sa doktor. Hindi naman makaka perwisyo sa iyo 'yon dahil makakatulong pa sa'yo ang bagay na 'yon. Sana pinagtuunan mo ng oras."

Tumango naman siya at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga.

Narito pa rin kami hanggang ngayon sa hospital. Kanina lang siya nagising mula sa dalang araw na pagkakatulog.

"Si Quinn? Nasaan?"

"Pumasok sa school. Alalang-alala din sa'yo." Sagot ko naman.

Napabuntong hininga naman siya bago magsalita, "Salamat at binisita mo ako. Mukhang galing ka pa sa trabaho mo." Aniya pa.

Sasagot na sana ko nang ngumiti siya na tila ba nang-aasar. "Inlove ka na sa akin no?"

"Hoy!" Mabilis na sabi ko, "Hindi no!"

Mas lalo pa siyang ngumiti na lalo namang nagpaasar pa sa akin.

"Okay lang maging defensive. Basta 'wag lang magpapahalata." Natatawang sabi niya.

"Hindi nga! Alam mo, puro kalokohan na 'yang lumalabas sa bibig mo. Kung ako sa'yo. Magpahinga ka na muna ulit. Kailangan mo pang bumawi ng pahinga."

"Yie! Concern siya sa akin." Makulit na sabi niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko. "Yie,"

"Ewan ko sa'yo."

"May dala akong pagkain." Sabi ko sa kanya at saka kinuha ang pagkain na nakapatong sa mesa, "Oh kumain ka na muna."

Nang mailabas ko ang mga pagkain mula sa supot ng plastik ay bumukas naman ang pintuan at nakita ko naman si Irish na naglalakad papalapit kay Hunter.

"Kuya! Ano na ang nararamdaman mo ngayon? Alam mo bang bumyahe pa si Daddy from Australia to here para sa'yo." Ani Irish at nang makita ako ay napa-irip siya, "Anyway, malapit na si Daddy, may kinausap lang na doktor."

"'Wag ka mag-alala, Irish. Okay na ako." Sabi pa ni Hunter, tumingin naman siya sa akin at saka kumindat.

Napa-iling na lamang ako sa kalokohan ni Hunter.

"Ahm.. Sige, Hunter. Babalik na lang ako ulit." Sabi ko sa kanya, "Pahinga ka pa." Sabi ko pa.

Mas lalo naman siyang napangiti, "Alright, sweetie."

"Duh!" Narinig kong sabi ni Irish habang palabas ako ng kwarto.

Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay inis sa akin si Irish kahit na alam ko naman sa sarili ko na wala akong masamang ginagawa sa kanya.

Nagpalipas na muna ako ng oras sa aking condo. Nanuod ako ng movie habang ka-text si Hunter.

Sa katunayan ay kanina pa kami magka-text. Wala lang, paiba-iba lang din kami ng pinag-uusapan.

Buti nga at umayos na ang pakiramdam niya. Aaminin ko, nag-alala din ako ng sobra sa kanya lalo na nang malaman ko na may sakit pala siya sa puso.

Hindi naman kasi dapat na balewalain ang sakit na iyon. Lalo na at delikado. Sana nga lang ay mas lalo pang bumuti ang lagay niya.

Ngayon ay kasalukuyan akong nanunuod ng The Hows Of Us na movie ng favorite loveteam ko na KathNiel.

Nasa kalagitnaan na ako ng panunuod nang tumunog na naman ang cellphone ko hudyat na may nar-receive ako na text mula kay Hunter.

Sabi ng Doktor ay pwede na daw akong lumabas bukas pero pwede na din mamaya.

Nag-reply ako.

Kung sa tingin mo hindi mo pa kaya. Diyan ka na muna, mas maraming pahinga ang kailangan mo.

Sabi ko sa reply ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay muli na naman siyang nag-text. Ang bilis talagang magreply ng isang ito.

Salamat sa concern. Much appreciated! Hihihihi

Natawa ako nang mabasa ko ang sinabi niya.

Matulog ka ulit diyan, iyan lang naman ang gagawin mo buong maghapon.

Reply ko pa.

Hindi ko na binitawan pa ang cellphone ko dahil alam kong magrereply ulit siya.

Sige, ten minutes lang akong matutulog, tapos susunduin ko na si Quinn sa school at didiresto kami sa unit mo. Hehe

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi na lang ako nag-reply dahil alam kong makulit ang isang ito.

Pwede ba kitang ligawan? :)

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko kasabay nang pagsakit ng ulo ko. Ilang beses akong pumikit ng mariin bago idilat ang aking mata.

Pero kung ayaw mo, liligawan pa din kita. Hihihi goodluck sa akin.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon