Kabanata 39

3.8K 171 55
                                    


HUNTER


"Happy birthday pare!" Ang masayang bungad ko sa kaibigan ko.

Nandito kami ngayon sa The Palace. Dito kasi namin napag usapan na dito na lang magkita kita. Kami. lang namang tatlo ang magkakasama, Si Peter, Allan at Ako.

'Yun naman kasi talaga ang usapan naming tatlo, na sa pagsapit ng gabi ay dito namin sa The Palace i celebrate ang birthday ni Allan.

Kaya naman, kinuha ko ang cellphone ko at saka binuksan ang camera.

"Birthday selfie, mga pare!" Magiliw na sabi ko sa dalawa.

Ngumiti kaming tatlo sabay shit ng isa, sabay isa pa at may kasunod pang isa.

"Ipo-post ko itong picture natin sa facebook ha? Paki-pusuan niyo na lang." Ang sabi ko pa.

"Oo tol, Kami pa ba.. Eh lahat ng post mo eh, hina-heart reaction namin." Sabi ni Peter.

Feeling Happy at The Palace!

Iyan ang caption ko sa picture naming tatlo.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan.

Sa katunayan nga ay masaya silang dalawa para sa akin. Dahil sa wakas ay nakita ko na si Pech at naka jackpot pa ako dahil naging kami ulit.

Iyon nga lang, siyempre ay hindi mawala sa isipan ko kung paano ko ba sasabihin kay Mia na may nakaraan kaming dalawa.

Na ako si Hunter na kumupkop sa kanya.

Hindi ko na rin namalayan na palalim na rin ng palalim ang gabi.

Tinignan ko ang wrist watch ko.

What the hell?!

1:24 AM na!!

Dapat, ganitong oras ay nakauwi na ako!

Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan na pinag uusapan ang operasyon na ginawa nila noong nakaraang araw.

Medyo nahihilo pa ako, dala siguro ng kalasingan.

Pilit kong binuksan ang mata ko., medyo inaantok na kasi ako.

"Mga tol.. Uuwi na muna ako, pagagalitan ako ng pech ko eh." Ang sabi ko sa kanila.

"Sige na, uwi na. Kaya mo na sarili mo." Ani Allan, "Salamat pala sa pagsama sa amin."

"Ingat ka, pare." Ang sabi naman ni Peter.

Tumango ako sa kanila, "Enjoy kayong dalawa diyan. Sige na, uuwi na ako."

Naglakad na ako palabas ng Palace. Kinapa ko ang cellphone ko para sana i-text si Mia pero napamura ako sa isipan ko nang wala akong makapa na kahit na anong cellphone na cellphone sa bulsa ko.

Shit!

Mukhang nahulog ang cellphone ko! Kanina pa siguro ako tinatawagan ng Pech ko!

Mabilis akong pumunta sa sasakyan ko. Wala na akong oras para hanapin pa ang cellphone ko. Kailangan ko na kasing umuwi at baka galit na galit na sa akin si Pech.

Ang sabi ko pa naman sa kanya ay uuwi ako ng 1 AM.

Bago pa ako makarating sa sasakyan ay nakita ko si Irish na naglalakad papalapit sa akin.

"Pupuntahan sana kita sa loob.. Hmm, mukhang lasing ka ha?" Ang sabi niya sa akin at saka niya ako hinalikan sa labi.

Agad ko siyang tinulak.

"Irish ano ba?!"

Tumaas ang kanyang kilay at saka niya naman hinawakan ang dibdib ko, "Ayaw mo na ngayon? Porket nandyan na iyang Pech na iyan?"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon