Kabanata 18

5.5K 193 41
                                    

Yipeeee!

Sumampa ako sa isang malaking bato at pagkatapos ay saka tumalon sa malinis at mala-asul na tubig.

"Kingina, 'tol?! Kanina ka pa swimming ng swimming ah?" Ani Allan sa akin.

Napatawa ako, "Ngayon lang ulit ako nakapag-swimming ng ganito. Pagkakataon ko na ito!" Natatawang sigaw ko pa sa kanya.

Si Peter naman ay kasama ang nililigawan niya at kasalukuyan silang naglalandian sa may buhanginan.

Mayroon din namang kasama si Allan na babae, kaya lang ay tila magka-away yata silang dalawa.

Si Pech naman ay natutulog sa loob ng beach house kasama ng girlfriend ni Allan.

Mabait naman sila at tiwala naman kami na hindi naman magsusumbong sa mga pulis na kasama namin si Mia.

Matagal ko na naman kasing kilala ang girlfriend ni Allan na si Charlene, at ang nililigawan naman ni Peter na si Marian ay alam kong mapagkakatiwalaan din naman.

Feeling happy!

Kanina, pagkarating pa lang namin dito sa private beach resort nila Peter ay pinagpahinga ko na muna si Pech at nang makatulog siya ay saka naman kami nagsimulang magbabad sa tubig. Masaya ako dahil nakasama ko na naman si Pech at sana nga ay wala na namang sagabal sa aming dalawa.

Sigurado naman ako na sa mga oras na ito ay natataranta na sa paghahanap kay Pech sila Senator.

Hehehehe! Sorry pero gagalingan ko ang pagtatago kay Pech!

"Hunter?! Hunter!"

Napalingon ako sa nakakainis na boses na iyon, "Ano ba iyon, Peter?!"

"Si Mia kasi.... Gumising na! Tapos mayroong pangalan na tinatawag!"

Agad akong umahon mula sa tubig at tumakbo patungo sa beach house.

"Ano ang sinabi ni Pech?!"

Kimibit-balikat si Peter, "Hindi namin maintindihan.. Pagkapasok kasi namin sa loob: narinig na namin na sumisigaw si Pech..."

Napalunok ako bago muling tumakbo sa loob patungo kay Pech.. Ang mga kaibigan ko naman at si Charlene at Marian ay nakasunod lang sa akin.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto kung saan natutulog si Pech ay napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko siyang natutulog hanggang ngayon.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod siyang matulog.

Napaka-cute naman kasi ng Pech ko. Kaya naman in-love na in-love ako.

Kukunin ko sana ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table para sana mag-status sa facebook na feeling in-love ako.. Hehehe! Kaya lang, narinig ko na umungol si Pech.

"Vi...."

Huh?

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Allan, Peter, Charlene at Marian na pare-parehas nakakunot amg mga noo.

"Vin..."

Marahan kong hinawakan ang.malambot na kamay ni Pech at dinala iyon sa labi ko.

Nananaginip yata ang mahal ko.

"V-Vince..."

Napatigil ako sa paghalik sa kamay niya nang marinig ko ang sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at.malungkot na tumingin sa nakapikit niyang mga mata.

"V-Vince..."

Kahit na mayroon na siyang sakit na tinatawag na selective amnesia ay si Vince na naging boyfriend pa niya ang naaalala niya.

Eh paano naman ako?!

Handa ko ngang isakripisyo ang lahat sa kanya pero kahit kailan ay hindi ko naman narinig sa kanya ang pangalan ko.

Simpleng Hunter... Hindi pa niya mabanggit.

Naramdaman ko ang pagtapik ng mga kaibigan ko sa balikat ko, "Pre... Hayaan mo muna si Pech, panaginip lang naman niya iyan, huwag kang mag-alala." Ani Allan.

Umiling ako, "Iyon nga eh.. Panaginip, ibig sabihin ay kahit sa panaginip: ang Vince na iyon ang naiisip pa rin niya."

"Iinom mo na lang iyan, Pre." Ani Peter sa akin.

Umiling muli ako, "Hindi ako nainom.. Good boy yata ako."

"Eh di... Eh di... Eh di, paggising na Pech, kunwari galit ka sa kanya, para siya naman ang sumuyo sa'yo?! Di 'ba?" Suggestion ni Charlene.

Napahawak ako sa baba ko, "Tapos?"

"Magtatampu-tampuhan ka kay Pech. I'm sure naman na kahit may sakit si Pech, mayroon na part sa isip niya na ikaw ang laman. Hindi niya matitiis na galit ka sa kanya!" Excited na sabi ni Marian.

Napatango muli ako at bahagyang napangiti, "Okay! Kunwari lasing ako mamaya tapos kunwari galit ako!"

Hehe! Ang saya naman... Feeling artista na naman pala ako mamaya.

"Paano kaya kapag gumaling na talaga si Pech? Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niya na magkakaroon na pala kayo ng anak?" Tanong pa sa akin ni Allan.

Napalabi ako kasabay ng mariin kong pagpikit. "Tatanggapin ko kung ano ang magiging desisyon niya, pero... Hindi ko kayang kalimutan siya.. Mahal ko talaga si Pech eh."

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon