Kabanata 20

5.8K 221 37
                                    

Bakit?!

Bakit ganito?!

Bakit hindi ko mabuksan ang facebook ko?!

Kanina ko pa sinusubukang mabuksan muli ang facebook ko, kaya lang ay hindi naman tumutugma ang inilalagay kong password. Gustong-gusto ko pa naman sanang mag-status ng feeling happy.

Masaya kasi ako dahil narinig ko ang sinabi ni Pech sa akin kanina.. Hindi nga ako makapaniwala eh, at hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kaya naman palang banggitin iyon ni Pech.

Katunayan nga ay ipinaulit ko kay Pech na banggitin niya ang pangalan ko. Kaya lang ay nanahimik na naman siya.

Si Pech ay nasa tabi ko lang at nanunuod ng palabas sa telebisyon. Habang ang mga friends ko naman ay ineenjoy ang sikat ng araw sa labas.

Pauwi na rin naman sila mamayamaya, at oo nga pala.. Kadarating lang ng dalawang body guards dito sa beach house. Mayroon kasing sariling security agency sila Marian at tulad nga ng nasabi niya sa akin ay may pinadala nga siyang security guards sa ain para naman mabantayan ang kaligtasan namin ni Pech.

Speaking of Pech...

Heto siya, nilalaro niya ang kamay ko habang tutok ang kanyang mata sa telebisyon. Nanlalambing pa rin siya, akala siguro ng Pech ko ay galit pa rin ako sa kanya.. Hehehe!

Balik tayo dito sa phone ko. Hawak ng kaliwa kong kamay ang cellphone ko habang ang kanan naman ay pinaglalaruan ni Pech.

Ano ba kasing problema?! Bakit hindi ko malog-in ang facebook—Yes! Wow! Hehehe nag log in na siya kaya happy na talaga ako.

Syempre, makukumpleto ba ang araw ko kung hindi ako magi-status?

"Hoy, lovebirds! Meryenda tayo!"

Mariin akong napapikit at napakagat pa sa labi nang marinig ko ang boses ni Allan.

Hindi ba niya alam na panira siya ng moment?!

"Tama... Meryenda na tayo, Hunter at Pech.." Ani pa ni Charlene sa amin.

Habang kumakain kami ng meryenda ay panay ang selfie naming dalawa ni Pech.. Hehe! Tuwang-tuwa pa nga siya habang nagse-selfie kami, pero syempre ay hindi ko naman pwedeng ipost sa facebook ang selfie namin, kaya itatambak ko na muna sa gallery ko ang mga pictures.

Masaya kaming magkakaibigan at pati na ang girlfriends nila. Bago pa nga sila umuwi ay nag-videoke pa kamj dito sa beach house. Sila nga lang ang umiinom dahil ako naman ay hindi umiinom ng alak.

Nasabi ko na bang good boy na ako since birth?

Feeling ko nga... Kaya ako nagustuhan ni Pech dahil sa kabutihang taglay ko, bonus pa abg angkin kong kagwapuhan.

Mas lalo nga lang na tumahimik ang buong beach house nang magsiuwian na ang mga kaibigan namin ni Pech.

Sabi naman ni Allan at Peter ay babalik din naman daw sila dito, next week.. Tatapusin lang nila ang mga projects na kailangan ng ipasa, pati nga ang projects ko ay gagawin na rin nila, hindi lang ako makapasok sa schooo dahil kapag ginawa ko iyon ay paniguradong mahahanap kaagad ako ni Senator Del Valle.

Apat na lang kami dito sa beach house, ako, si Pech at ang dalawang body guards na ka-close ko na rin naman.

Si Chris at Vhin, mabait silang dalawa, at sa tingin ko ay makakatulong din naman sila para sa kaligtasan namin ni Pech.

Bago ako matulog ay hindi na rin ako nakapag-status pa sa facebook dahil inaantok na ako at gayundin si Pech na mahigpit na nakayakap sa akin habang mahimbing na rin na natutulog.

Medyo niluwagan ko nga ang pagkakayakap niya sa akin dahil baka maipit ang tiyan niya at magtampo pa sa amin ni baby.

Feeling excited.

Totoo naman talagang excited ako, excited na maging tatay at excited na makita ang baby naming dalawa ni Pech.

Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang idinikit ang labi ko sa noo ng love ko. "Good night, Pech.. I love you so much." Bulong ko kay Pech kahit na alam kong hindi na niya ako naririnig dahil mahimbing na siyang natutulog.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Pech. Halos magkasabayan lang dahil sa alarm ng cellphone ko.

Pupunta kasi kaming dalawa ni Pech sa doktor para maipacheck up ulit si Pech kung paano mapapagaling ang amnesia niya.

Noong ipinacheck up ko kasi si Pech sa Papa ni Allan ay inirekomenda na niya kami sa isang espesyalista para sa tulad ni Pech na may amnesia, para mas lalong mapabilis ang paggaling.

Mayroong sariling sasakyan sa parking lot ng beach house. Ipinahiram sa akin ng mababait kong kaibigan, kaya naman pagkatapos naming mag-almusal ni Pech ay bumiyahe na kami patungo sa hospital at kasama rin naman namin ang dalawang guards na si Chris at Vhin.

"Sir.. Suotin niyo na po ni Pech ang facemask niyo, malapit na po tayong makarating." Sabi ni Vhin na kasalukuyang minamaneho ang sasakyan.

Inilagay ko kay Pech ang facemask at mayroon din naman akong sarili.

Nang makarating kami sa hospital ay hindi naman ako nahirapang hanapin ang espesyalista kaya naman habang ineexamin ng doktor si Pech ay tahimik ko lang silang pinapanuod.

Nang matapos sa pagcheck up ang doktor ay saka ako lumapit, "Good morning, Doktora.. Ano po ang lagay ng asawa ko?" Heheheh feelingero ba ako?

Katunayan nga ay nagulat pa si Doktora kanina nang makita niyang si Pech pala ang kasama ko, pero tulad nga ng Papa ni Allan na Doktor ay mapagkakatiwalaan ko rin itong si Doktora dahil hindi naman sila madadaldal.

"Sa ngayon, bibigyan ko siya ng gamot at kailangan ring magpa-theraphy ni Pech para maunti-unti at masimulan na ang paggaling niya." Sabi ni Doktora.

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis sabay halik sa pisngi ni Pech, "Narinig mo iyon, Pech? Gagaling ka na!"

"Uhm.. Mr. Ford."

Binalingan ko naman muli ng tingin si Dok, "Kapag gumaling si Pech ay babalik sa isipan niya ang mga nangyari bago siya nagkaroon ng amnesia.."

Tumango ako, "Sige po."

"At maaaring mawala naman sa isipan niya ang mga nangyari habang mayroon siyang amnesia."

Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ni Doktora.

Paano iyon?

Gagaling nga si Pech pero makakalimutan naman niya ako.

Lahat naman ay gusto kong gawin para maging okay ang mahal ko, pero bakit lahat yata ng ginagawa ko ay wala pa ring saysay.

Marahan akong napangiti nang hawakan ni Pech ang pinsgi ko, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Siguro ay napapatanong siya sa isip niya kung bakit malungkot ang mukha ko kaya ngumiti ako para naman hindi na niya mapansin na malungkot ako.

"Mahal kita, Pech."

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon