Kabanata 14

5.9K 210 22
                                    

Naglalakad ako patungo sa mataong lugar. Pakiramdam ko kasi ay may sumusunod sa akin. Sa mga oras na ito ay nag-aalala na ako, hindi lang para sa sarili ko kundi para kay Pech.

Kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para mailigaw ang mga stalker ko. Hehehe!

Stalker kasi feeling ko sinusundan nila ako dahil pogi ako at kasama ko si Pech.

Speaking of pogi..... Tatawagan ko na muna ang dalawa kong pogi na kaibigan habang nandito ako sa mataong lugar. Dito ko napiling pumunta para walang gawing masama sa akin ang mga ugok na sumusunod sa akin.

"Hello? Bakit ka na naman tumatawag? Miss mo na kaagad ako tol?" Si Allan!

"Ulol! Pre! Tulungan mo ako, puntahan niyo ani ni Peter dito sa may bazaar. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Nak ng! Eh, may kasama kaming chicks ngayon ni Peter eh!"

Napa-iling na lamang ako sa kabulastugan ng dalawa kong kaibigan, "Puntahan niyo na muna ako. Hihintayin ko kayo."

"Hintayin mo kami diyan."

Nang matapos ang tawag ay pasimple ko pang tinignan ang kinaroroonan ng dalawang ugok na lalaki na sumusunod sa akin kanina pa, pero mali ako dahil hindi lang pala sila dalawa dahil marami sila.

Lumapit ako sa isang botique, "Hi Kuya pogi, what do you need?" Tanong sa akin ng isang sales lady.

Tumikhim ako bago magsalita, "P—Pwede bang.... Pwede bang tulung...."

"Oy, Pre! Nandiyan ka lang pala!"

Halos manlaki ang mata ko sa labis na pagkagulat nang maramdaman kong may umakbay sa akin at di rin pamilyar ang boses.

"Kanina ka pa namin hinahanap pare! Tara na? Hinahanap ka na ng girlfriend mo!" Natatawang sabi pa ng isang lalaki.

Nagtawanan ang mga ugok na lalaki sa likuran at tabi ko, nag-uusap-usap rin sila kaya naman nakahanap ako ng tiyempo na kausapin ang sales lady.

"K—Kailangan ko ng tulong mo."

Kung hindi lang ako akbay-akbay ng isang bisugo na lalaking ito ay kanina pa ako tumakbo papalayo rito.

"Ano po iyon?" Kumikinang ang matang tanong sa akin ng sales lady. ..

"May pupunta dito na dalawang lalaki na nakasuot ng katulad ng sa uniform ko. Pogi ang dalawang iyon pero mas pogi ako sa kanila.. Pag nakita mo, sabihin mo sa kanila na i-track nila ang cellphone ko para malaman nila kung nasaan ako. Huwag din silang tatawag sa pulis." Dire-diretsong bulong ko sa kanya.

Mabuti na lang at hindi ako napansin ng mga ogag, busy kasi sila sa pag-uusap.

Naguguluhan naman na tumango ang sales lady, "Okay po.. Ingat po kayo kung saan kayo pupunta."

"Tara na, pare.... Aalis na tayo!" Sabi ng lalaking mukhang unggoy.

Hindi kami napansin ng mga tao na iba pala ang pakay ng mga lalaking kasama ko. Gusto ko sanang sumigaw ng tulong kaya lang ay habang akbay ako ng lalaki ay may nakatagong kutsilyo sa loob ng pocket niya. Nakita ko iyon dahil sa laki ng kutsilyo, paniguradong lalakas ang loob niyang patayin ako dahil bukod sa gwapo ako ay marami pa siyang kasama na tutulungan siya.

Nang nakasakay kami sa isang van ay agad akong sinakal ng isang lalaki na mukhanh kriminal.

"Tangina ka! Anong pangalan mo?!"

Hindi ako sumagot. Hehehe! Baliw ba siya? Paano ako makakasagot kung sakal-sakal niya ako?

Ang sarap tuloy i-status sa facebook ang katangahan niya.

"Anong pangalan mong bano ka, huh?!" Sigaw na tanong ulit niya sa akin.

Nagsimula nang umadar ang van at hindi ko naman alam kung saan ang direksyon patungo ang van na ito.

Nananalangin na lang ako na sana ay hindi pa rin nila natutunton ang kinaroroonan ni Pech.

"Gago ka, blaire! Paano makakasagot ang lalaking iyan kung sakal-sakal mo? Tanga ka talaga! Bukod sa panget ka na nga, bobo ka pa!" Sigaw sa kanya ng isa pang lalaki na kasama namin sa van.

Tama! Hindi naman sa pagmamayabang pero ipagmamayabang ko na rin ang mukha ko, kung ikukumpara ko kasi ang sarili ko sa mga lalaking kasama ko ay baka hindi pa sila umabot hanggang sa kuko ng paa ko.

Ang pogi ko kaya, sure naman ako doon. Maraming girls ang nagsasabing pogi ako, hindi ko na nga lang alam kay Allan at Peter kung bakit ipinaglalaban pa nila ang sarili nila sa akin, eh wala naman silang binatbat sa angkin kong kagwapuhan.

"Saan mo dinala ang anak ni Senator Del Valle?" Tanong sa akin ng isang lalaki na mukhang hito.

"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo." Sabi ko, pero syempre ay joke lang iyon. Minsan kasi ay kailangan din nating magsinungaling para sa future.

"Eh gago pala ang lalaking ito eh!"

Napa-sigaw ako sa matinding sakit na nararamdaman ko habang pinagsusuntok ako ng mga lalaking kasama ko.

Feeling Pain.

Hehehe! Kung pwede lang mag-status sa facebook ko na na nasasaktan ako ay gagawin ko na. Sayang naman kasi ang likes. Suki ko pa naman sa heart react ang dalawang kaibigan ko.

Speaking of kaibigan.... Where's Allan at Peter?!

Kailangan nila akong.matulungan dahil kung hindi ay baka hindi na ako makauwing buhay kay Pech.

Paano na ang baby naming dalawa? Naka-isip pa naman ako ng ipapangalan ko sa baby namin.

Mas gusto ko kasi na lalaki ang baby namin dahil may naisip ako na pangalan para sa lalaki.

Gusto ko kasi na Isagani ang pangalan ng anak namin kung magiging lalaki lang, para naman 'Igan' ang palayaw niya.

"Patayin ang lalaking iyan kung ayaw magsalita!"

Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa tuluyan nang bumigay ang mga mata ko at hindi ko na alam pa ang nga sumunod na nangyari.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon