Kabanata 3

9.1K 340 83
                                    

Feeling hot.

'Yan ang status ko sa facebook ko ngayon. — Feeling hot. Nang humarap kasi ako sa salamin ay nakita ko na naman ang abs ko.

Speaking of abs.... Kanina pa pala nakatitig sa abs ko si Pech. Hindi ko tuloy alam kung pinagnanasaan ba ako ng Pechay na ito.

"Gusto mo ng abs, Pech?" Tanong ko sa kanya sabay kindat.

Muntik pa akong mapamura nang makita ko na naman siyang ngumiti.

Kakatapos lang naming kumain ng almusal. Sarap na sarap nga si Pech sa ulam niyang talong. Bukod pala sa pechay ay mas mahilig pa pala si Pech sa talong!

Ibang klase.

Linggo ang araw ngayon mamaya ay may pasok na ako bilang service crew sa McDonalds at bukas naman ay may pasok na rin ulit ako sa school ko.

Hindi ko na nga alam ang gagawin ko kay Pech. Kapag kasi naiisip ko na iwanan na lang ulit siya sa Park ay baka hindi na ako lubayan ng konsensya ko.

Bahala na, basta magtatrabaho ako. Kung noon ay nagtatrabaho ako para sa sarili ko, ngayon naman ay nagtatrabaho na ako para sa aming dalawa ni Pech. Hehehe

Feeling hubby.

'Yan ang napi-feel ko ngayon kasi pakiramdam ko ay asawa ko na si Pech. Nagtatrabaho kasi ako para sa aming dalawa.

And wait there's more...

Feeling Hero.

Isa pa sa napi-feel ko ay ang pagiging Hero. Sino ba naman kasing macho, may abs, makatao, makakalikasan, makabansa, mabait, maka diyos at pogi na katulad kong tutulong sa may sayad na katulad ni Pech?

Feeling harsh.

What the heck?! Ang harsh ko naman yata kay Pech? Bakit ko naman nasabing may sayad si Pech? Eh hindi ko naman alam ang istorya ng buhay niya.

Ako na yata ang may sayad dahil kung anu-anong feeling ang pumapasok sa utak ko.

Kakatapos ko lang maligo, nagbihis na rin ako ng uniform ko sa trabaho ko.

Si Pech naman ay ngayon pa lang naliligo kaya hihintayin ko muna siya bago ako umalis.

Maaga pa naman kasi ako sa trabaho ko kung ngayon pa lang ay aalis na ako.

Nang matapos si Pech sa pagligo ay lumueag ang paghings ko nang makita kong maayos na ang suot niya. Pero mamaya, pag-uwi ko ay isasama ko siya sa palengke para makabili kami ng maisusuot niyang nga damit.

"Kuya.... Pogi!"

Naalerto ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Pech. Lumapit ako sa kanya at saka ko siya tinanong, "Bakit? Anong mayroon?"

Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit na dahilan para ako ay matulala.

"Kuya.... Pogi." Sabi niya sa akin. Ano kaya ang sinasabi ng Pechay na ito? Ah, siguro nagpapasalamat siya sa akin dahil pinatuloy ko siya dito sa bahay ko.

"Kuya... Gutom na po ako." Aniya pa.

Hindi na ako nagulat pa nang sabihin niya iyon. Alam ko namang hindi siya gutom dahil kakatapos lang naman naming kumain.

Iyong mga salitang iyon ang tanging naibibigkas niya, wala nang iba. Siguro ay natutunan niya ang mga salitang iyon noong namamalimos siya sa Park.

Kaya ngayon, maaga pa naman at mayamaya pa ako aalis patungo sa trabaho kaya it's time para turuan ko si Pech ng mga bagong salita. Hehehehe

Pinaupo ko si Pech sa tabi ko, "Pech. Tuturuan kita ng mga new words ngayon."

Tumikhim ako bago ako muling nagsalita, "Gagayahin mo lang ang sasabihin ko... At kapag nagawa mo iyon. Pakakainin kita bg hotdog ko mamaya." Magiliw na sabi ko.

Tumango-tango naman siya na tila ba naiintindihan ang sinasabi ko.

Ehem! "Okay.... Say Pech!"

No response.

"Pech, say pech!"

No response.

Nananatili lang siyang nakatitig sa akin.

Napabuntong hininga naman ako sabay hawak sa sumasakit na sentido ko.

Hunter. Simula pa lang naman ito kaya habaan mo muna ang pasensya mo.

"Pech.... Say Pechay." Sabi ko at bahagyang ngumiti. Muli kong binuka ang bibig ko na animo'y gagayahin niya iyon.. "Pe....Chay.... Pe.. Chay"

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita kong bumuka ang bibig niya, pero wala namang lumalabas na salita mula sa bibig niya.

Itinuro ko ang bibig niya, "Pe... Chay!"

"Pa.... Pi!"

What the hell?!

"Again! Pe..... Chay!"

"Ma...... Mi!"

What the heck?!

"Isa pa! Pe..... Chay...."

"Pe.... Pe!"

The fúck?!

"Again! Pe.... Chay! Pechay!"

"Pem..... Pem!"

Arrrrrrrghhh!!! The hell?

"Pech... Umayos ka kasi magagalit na talaga ako." Seryosong sabi ko sa kanya.

Pero syempre mga tsoy, joke lang iyon! Ayoko namang magalit dito kay Pech.

Ngumuso naman siya na tila ba nagtatampo.

Feeling artista.

Feeling ko tuloy artista ako dahil mukhang naniniwala sa akin si Pech na galit ako. Minsan lang naman kasi ako um-acting ng ganito.

"Okay pech... Say, Hun—ter!" Sabi ko.

"Pan... Ter!" Sabi niya sa akin.

Napahilot ako sa sumasakit na lalamunan ko, "Again, Say Hun—Ter!"

Ngumiti siya ng matamis sa akin bago nagsalita, "Pan....Ty!"

"T*ngina! Ayoko na! Diyan ka na nga!" Inis na sabi ko at saka tumayo na, "Paaalisin kita dito sa bahay mamaya kung hindi mo pa rin natututunang sabihin ang mga sinasabi ko!" Hehehehe!

Feeling galit.

'Yan ang napi-feel ko ngayon pero hindi naman talaga ako galit.

Nakayuko si Pech at mayamaya pa ay nakita kong umaalog-alog ang balikat niya na tila ba umiiyak kaya naalarma ako.

Shit! "Pech.. Nagjo-joke lang naman ako, 'Wag ka nang umiyak." Sabi ko pa sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

Tumahan naman siya at saka ako binalingan ng tingin. Lumuwag naman ang pakiramdam ko nang malamang hindi na siya umiiyak.

"Huwag ka nang umiyak, okay? Papasok na muna ako sa trabaho ko at mamay pag-uwi ko... Pupunta tayo sa palengke para ibili kita ng damit at kakain din tayo sa karinderia mamaya."

Ngumiti naman siya.

"Huwag kang magkukulit dito sa bahay, ah? Huwag na huwag kang magpapapasok ng ibang lalaki kasi magagalit ako sa'yo."

As usual, no response.

Pero ang mahalaga, makasama ko lang siya ay feeling happy na kaagad ako. Hehehehehe!

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon