Kabanata 33

5.9K 313 72
                                    

"Hindi ba.... Sobrang nakakahiya sa mga bisita mo?" Tanong ko kay Hunter habang ang tingin ko ay nasa kalsada.

"Wala ka namang dapat na ikahiya, Mia.. Besides.. Ang nga kaibigan ko lang naman ang bisita ko." Sagot naman niya sa akin.

Tumango na lamang ako. Habang napapaisip kung ano ba ang magandang iregalo sa anak niya.

"Pwede bang dumaan muna tayo sa SM? Bibili kasi akong regalo. Biglaan kasi kaya hindi ako nakabili kaagad." Sabi ko pa sa kanya at saka ibinaking ang aking paningin aa mukha niya.

"Pwede mo namang ibigay next time ang regalo mo kay Maya." Aniya,

Napangiti ako sa aking narinig, "Maya pala ang pangalan ng anak mo? Ang ganda.. Pangalan pa lang."

Napasinghap siya bago muling magsalita, "Sa totoo lang.. Ang pangalan niya ay ibinase ko sa pangalan ng nanay niya."

Hindi na ako nakasagot pa. Wala na akong inik dahil hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa muli siya magsalita.

"Nandito na tayo."

Napadako ang aking paningin sa bahay na nasa harapan ng sadakyan na sinasakyan ko. Sabay pa kaming bumaba ni Hunter.

Malaki ang bahay, maganda ang pagkakagawa at talagang pinagplanuhan.

Binuksan ng isang katiwala ang gate ng bahay. Pagpasok pa lamang namin ni Hunter ay nakita ko na ang hardin nila. Maganda nga, hindi ko lang maipaliwanag sa isip ko kubg bakit sa halip na bulaklak ang itanim sa kanyang hardin ay napuno iyon ng mga pechay.

"Mahilig ka pala talaga sa Pechay?" Wala sa sariling tanong ko.

Biglang napahalakhak si Hunter at saka ako inakbayan, "Yup."

Pagpasok namin ng bahay ay may naririnig na akong mga usapan. Pamilyar ang boses na naririnig ko at nang makapunta kami sa may living room ng bahay ay nakita ko si Allan at Peter na nagtatawanan. Habang natutulog sa pahabang sofa ang birthday girl na anak ni Hunter.

"Mia.." Mukhang gulat na sambit ni Allan nang makita ako.

Tinanggal ni Hunter ang pagkaka-akbay sa akin at saka lumapit sa anak niya na natutulog sa sofa.

"Buti at naisama mo si Mia, Hunter... Happy ka na niyan." Tila nang-aasar na sabi ni Peter kay Hunter.

Sumimangot naman si Hunter.

"Baka hindi ka pa makatulog mamayang gabi ah... Hahahahaha! Ibang klase si lover boy. May pa akbay-akbay ng nalalaman."

Sinimangutan naman ni Hunter ang dalawa. Habang ako ay naguguluhan sa pinag-uusapan nilang tatlo.

"Oh loverboy... Mister loverboy..." Natatawang sabi ni Allan.

"Tsk.."

"Mia.. Sabay-sabay na tayong kumain. Mamaya-maya ay magigising na rin si Maya."

"Aakyat muna ako sa taas. Magpapalit ako ng preskong damit." Ani Hunter.

Kami na lamang ang natira nila Allan at Peter sa living room pwera sa natutulog na si Maya.

"Kingina... Kaya pala tumatalikod sa atin si loverboy at kunwaring pinapatulog si Maya kahit tulog na ang bata.. Kinikilig pala ang lokong si Hunter! Nakita mo kung gaano kapula ang tainga niya? Hahahahahaha!" Sabi ni Peter.

"Uhmm.. Matanong ko lang kung... Nasaan si Irish? Ang asawa ni Hunter?" Tanong ko sa kanila.

Napatahimik sila at para bang hindi nila alam kung sino sa kanila ang dapat na magsalita, "Sa totoo lang.. Walang asawa si Hunter. Anak si Irish ng taong umampon sa kay Hunter.." Ani Allan.

Halos mamilog ang mata ko sa nalaman.

"At isa pa... May boyfriend si Irish na model." Sabi pa ni Allan.

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Pero, bakit naman kaya pakiramdam ko ay ako ang pinag-iinitan ni Ma'am Irish sa tuwing nasa trabaho ako.

"Kaya kapag niligawan ka ni Hunter... Huwag ka ng magpabebe!" Ani Peter.

"Anong pinag-uusapan niyo Peter? Sinong pabebe?"

Muntik na akong mapamura nang makita ko si Hunter habang pababa ng hagdanan. Fudge! Ang gwapo niyang tingnan habang sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.

"Itong si Mia.. Pabebe pa kasi nililigawan siya ng boss niya." Ani Peter.

Huh?!

Magsasalita sana ako para tutulan ang kasinungalingan ni Peter nang bigla siyang kinwelyuhan ni Hunter.

"Ano?!" Sinong gago ang nanliligaw kay Mia?! Tangina! Akin lang 'yan!"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon