Kabanata 2

11.6K 363 79
                                    

"Pech.... Pwede ka nang umalis. Pinagbigyan na kita kagabi na dito ka makitulog." Sabi ko kay Pech na kakatapos lang kumain ng almusal.

Malinis na rin siya, sabi ko kasi sa kanya ay maligo na muna siya bago umalis. Pinahiram ko rin siya ng damit ko na sa tingin ko naman ay puwede sa kanya.

"'Yung one hundred fifty pesos na bigay ko sa'yo, naitago mo ba? Mag-ingat ka... 'Wag mong ibibigay iyon sa iba." Sabi ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang ngumiti, "Kuya.... Gutom na po ako..."

What the heck?

'Yan na lang lagi ang lumalabas na salita mula sa bibig niya, o hindi naman kaya ay 'yung... "Kuya pogi penge..."

Napailing na lamang ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

"Oh sige na... Alis ka na at marami pa akong aasikasuhin ngayon." Sabi ko pa kay Pech.

Hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan niya kaya ako na ang kumilos. "Wait ka lang diyan, Pech... Maghihilamos lang ako at pagkatapos, ihahatid kita sa lugar mo." Sabi ko sa kanya.

Nagpaka-gentlema na ako dahil iyon naman ang nararapat. Kaya naman nang matapos akong maghilamod ay saka na kami sabay na lumabas sa bahay ko.

Habang naglalakad kami patungo sa nay Park kung saan ko siya unang nakita ay napapaisip ako.

Ano kaya ang nakaraan ng babaeng ito?

Mukha kasing may malalim na problemang ikinakaharap.

"Pareng hunter?! Sino 'yang kasama mo ngayong chickababe? Hanep! May pinopormahan na ang virgin boy namin ah?"

Napailing ako nang makita ko ang dalawang ugol na kaibigan kong si Allan at Peter.

"Tskk.. Bakit kayo nandito?"

"Masama na bang tumambay sa Park?" Sagot sa akin ni Peter, "Joke! Napadaan lang kami ni Peter dito sa Park... Pupunta kasi kami sa bahay ni Tito Lloyd dahil birthday niya... May kainan! Sama ka?"

Kainan! "Talaga? Hindi ba nakakahiya?"

"Sus! Nahiya ka pa sa lagay na iyan? Eh sure naman kami na kahit hindi ka namin tanungin ay sasama ka, basta may pagkain." Ani Allan.

"Anong oras ba iyan? Susunod na lang ako. May gagawin pa kasi ako ngayon." Sabi ko sa kanila.

"Mamayang hapon pa naman ay simula ng party. Maaga lang kaming pupunta ni Peter dahil gusto lang naming tumulong. Hindi naman kasi porket pogi eh magiging tamad na." Sabi ni Allan.

Napa-ismid ako, "Sige na.. Umalis na kayo at masyado na kayong nakaka-abala sa amin ni Pech... May kailangan pa kasi kaming gagawin." Sabi ko naman.

"Baka naman gagawa kayo ng bata? Kaya pala nandito kayo sa tapat ng SOGO, ah?" Asar ni Peter.

"Ulol!"

Sa wakas at tinantanan na rin ako ng dalawang ugok na kaibigan ko. Kaya ngayon ay malaya ko nang nakaka-usap si Pechay, in short ay Pech.

Nagtungo kami sa may gitnang bahagi ng Park, "Pech... Hanggang dito na lang siguro ako.. Iiwanan na kita." Diretso kong sabi sa kanya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nabg mapansin kong nanunubig na ang gilid ng mata niya.

"Kuya.... Pogi...."

Napakamot ako sa ulo ko habang napapatingin sa paligid.

"Pech... Dito ka na lang, masaya naman dito... Ayaw mo nun? Nandito ka sa Park? Maaraw? Maingay? At mabaho?"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon