Kabanata 17

5.8K 230 55
                                    

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago magbitiw ng salita sa dalawang kaibigan ko.

"Isa na lang ang naiisip kong paraan..." Himig ang lungkot sa boses ko. .

Tumikhim si Allan bago nagsalita, "Ang itakas si Pech?"

Tumango ako, "Iyan na lang ang naiisip kong paraan." Sabi ko pa sa kanila.

"Okay, we call it. Operation: Itakas si Pechay!" Ani Peter bago seryosong tumingin sa wrist watch niya.

Sa aming magkakaibigan, si Peter ang magaling gumawa ng plano... Magaling kasi siyang mag-isip ng mga pakulo.

"Ganito ang gagawin natin..." Ani Peter at ibinulong sa amin ni Allan ang kanyang plano.

Matapos niyang ibulong sa amin ang plano ay lumabas na kami ng sasakyan na may suot ng facemask. Ako ay may suot na doctor's gown habang yung dalawa naman ay ang magiging look out ko. Mabuti na lang at mayroong doctor's gown na naiwanan sa sasakyan ni Allan ang Papa niya.

Bago tuluyang pumasok sa loob ng hospital ay tumingin ako sa langit, "Lord... Sana po ay gabayan niyo kami."

Feeling determined.

Gusto ko sanang mag-status sa facebook ngayon kaya lang ay may kailangan pa kaming tapusin ng mga kaibigan ko.

Kailangan ko pang mailigtas si Pech mula kay Senator Del Valle. Hinding-hindi ako papayag na mawawala sa amin ni Pech ang anak namin.

Ang sarap pala sa feeling kapag suot ko ang ganitong klaseng uniform? Feeling ko kasi talaga ay doctor ako.

And speaking of Doktor... Kailangan ko na palang gawin ang plano na napag-usapan namin nila Allan at Peter kanina.

"Dito ang daan, Hunt!" Ani Allan at itinuro ang kaliwang bahagi ng pasilyo.

Tumango ako, "I'm ready, bro."

Kinausap ni Allan ang kakilala niya at mabuti naman ay agad nitong itinuro sa amin kung nasaan ba banda si Pech.

Nasa third floor ng hospital, room 305.

"Kinakabahan ka ba tol?" Rinig kong tanong ni Peter kay Allan.

"Hindi, bakit ikaw ba?"

Hindi ko alam kung mga bakla ba ang dalawang friend ko o ano.. "Narito na tayo!" Excited na sabi ko.

Nasa harapan na kami ng room 305.

Let's get it on!

"Hihilahin ko si Pech habang kausap mo si Senator Del Valle.." Bulong ni Peter sa akin at pagkatapos ay itinuro niya si Allan sa tabi ko, "Habang si Allan naman ay guguluhin ang mga bodyguards ni Senator at ni Pech."

Tumango ako, "Aye aye, Captain!"

"I can't hear you!" Ani Allan.

"Aye aye, Captain!" Sabay na sabi namin ni Peter.

Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang plano. Iniayos ko ang suot kong facemask bago kumatok sa pintuan at makaraan ng tatlong katok ay binuksan ko iyon at agad kong nakita si Pech.

Gusto ko sana siyang lapitan, hawakan ang kamay niya at idikit iyon sa labi ko pero alam kong hindi ko dapat iyon gawin sa ganitong pagkakataon.

Kaya kailangan kong galingan.

Napakagat ako ng labi ko nang makita kong kunot-noo akong tinitignan ni Pech habang si Senator naman ay ngiting aso.

"Good day! I'm Hunt— Ay! I am Doktor Ford." Hehehe! Muntik na akong ma-fail ah? Nakalimutan ko kasi 'yung ginawang script ni Peter.

"Ikaw ba 'yung gagawa ng operation sa anak ko?" Tanong ni Senator sa akin.

Magalang akong tumango sa kanya at nakikita ko mula sa peripheral vision ko si Peter na pasimpleng lumalapit na kay Pech.

"Doctor Ford. I will go to CR for a while." Sabi niya sa akin at naglakad papasok sa CR ng kwarto.

Shít!

Nakita ko si Peter na tinakpan ang bibig ni Pech at itinakbo na patungo sa fire exit. Habang si Allan naman ay masayang kausap ang mga guards. Mukhang naengganyo nga niya ang mga guards ni Senator.

Lumabas na ako kasunod ni Peter at Oech at nang nasa may bandang hagdanan na kami ay sumipol ako, hudyat na kailangan nang makaalis ni Allan.

"Pech!" Humihingal na sabi ko at akmang yayakapin ko na si Pech nang pigilan ako ni Peter.

"Huwag dito, Hunter! Baka mahuli na tayo!"

Inis kong binalingan si Allan, ang ginawa ko ay hinawakan ko na lang ang kamay ni Pech hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan.

Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang makapasok kami ng sasakyan. Mabilis kong niyakap si Pech at nang hahalikan ko siya ay napamura pa ako sa katangahan. Hindi ko kasi naialis ang facemask ko.

"P—Pech... Na-miss kita." Sabi ko sa kanya habang isinisiksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Sus, nananching ka lang eh." Ani Allan pero hindi ko na siya pinansin.

Ipinokus ko ang aking paningin sa babaeng bumubuhay sa diwa ko. Pinunasan ko ang luha ko pero nang hindi ko na talaga mapigilan ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.

"P—Pech... Ayokong mawala ka sa akin."

Kahit na hindi siya sumasagot sa sinasabi ko ay pakiramdaman ko naman na naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.

"'Yung baby nating dalawa.. Kaya kong alagaan iyon, kaya kong buhayin iyon.. Ilang months na lang ay gagraduate na ako at magiging pulis na ako. Hindi ako papayag na mawala ang baby nating dalawa. Kaya kahit na anong mangyari, huwag kang susuko, kayo ni baby.. Dahil kayo lang ang lakas ko."

Kinuha ni Pech ang cellphone na nakapatong sa tabi ko, mukhang gusto niyang maglaro ng games kaya pinagbigyan ko na muna.

"Anong gagawin mo ngayon, Pre?" Tanong ni Peter sa akin.

Muli akong napatitig kay Pech, "Magpapakalayo kami ni Pech." Determinadong sabi ko.

"Mayroon kaming private resort sa batangas. Doon na lang muna kayo at 'yung sa school mo naman, mag online school ka na lang. Kami nang bahala ni Allan sa mga projects mo." Ani Peter.

Tumango ako, "Salamat sa inyo."

Napahinga ako ng malalim na para bang gumaan ang pakiramdam ko at pagkatapos ay saka ko inakbayan si Pech na naglalaro ng plants vs. zombies sa phone.

"Kahit na hindi ka na bumalik sa dating ikaw, Pech.. Masaya na ako na ganyan ka.. Mahal na mahal kita, sobra.."

Sana... Sana ay hindi na kami matunton pa ni Senator.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon